Sapphire's POV"Yohoooooooooooooooo! Its time to party party! Woooooo!" Halos mawasak na ang bibig ko kakangiti at mangalay na ang binti ko kakatalon habang papalabas ng dorm ko. Linggo na kasi at its time to get out of this hell!
Nginingitian ko bawat estudyanteng makita ko na kasabay ko ring palabas ng eskwelahang to. Normal na normal lang sila na parang hindi naman espesyal ang araw na to pero para sakin, para akong preso na ngayon lang nakalaya. Hoooooooo!
*Ring ring*
Napatingin naman ako sa cellphone na hawak ko nang tumunog ito.
Ermats calling......
Sinagot ko naman ito habang mas binilisan pa ang paglakad papalabas.
"Mommy!"
(Sapphire dear, where are you? Were already here infront of your school.)
"Talaga mom? Hihihi. Palabas na ako. Anong ginamit nyong sasakyan?"
(Red Chevrolet Camaro dear)
"Okay mom, you're with dad?"
(Of course, hindi naman magpapa-iwan yon.)
"O Sige mom, ibababa ko na to. Kita nalang tayo."
(Okay, see ya)
Binaba ko na ang cellphone at halos takbuhin ko na ang gate sa sobrang bilis ng paglalakad ko. Excited eh.
Nagsalubong naman ang kilay ko nang makitang nagkukumpulan ang mga estudyante sa harap ng gate. 'mga gago dadaan ako!'
"Wahhh! Ang Ganda naman, kanino kaya yan?"
"Hanep! Baka kay president yan?"
"Ewan, pero ang ang ganda talaga a?"
Nagtaka naman ako sa mga pinag-uusapan nila. "Tabi! dadaan ang dyosa!" Sigaw ko dahilan para mapunta sa akin ang atensyon nila. "Ang pangit, give way." Nakangising dagdag ko pa dahilan para tumaas lahat ang kilay nila. Hindi ko nalang pinansin yon at agad na nakisingit sa kanila palabas.
"Woah?" Halos malaglag ang panga ko nang makita kung anong tinitignan nila. May naka-park lang naman na black Lamborghini at blue Lamborghini sa harap ng gate. 'Shete! Gustong-gusto ko ang mga sasakyan na yan! Pwedeng i-karera! Sino kaya may-ari nyan? Makaibigan nga, baka pwedeng hiramin. Hehehe'
*Ehem*
Napatigil ako kakangiti don sa mga sasakyan nang may tumikhim sa likod ko. 'Bastos naman nito! Sa likod ko pa talaga? Anong akala nya sa likod ko? Lababo? Putek!'
"Presidenti?" Hindi makapaniwalang usal ko nang tumingin ako sa likod at si kurt ang nakita ko. "Anong ginagawa mo dyan sa likod ko?" Takang tanong ko.
Tumaas naman ang kilay nya at seryosong tinignan ako. "As you can see, I'm standing. Excuse me." Tumabi naman ako nang maglakad nya palampas sakin. Lokong yon!
O.O
Halos lumuwa naman ang mata ko nang lumapit sya don sa blue Lamborghini at sumakay. Shet! Sa kanya yon? Tsk. Hindi pwedeng makaibigan, kaaway ko yan eh. Yong isa nalang. Tumingin naman ako don sa black Lamborghini.
"Tabi!"
"Aray!"
Halos lumipad na ako sa gilid nang may tumulak sakin. Pakshet! Sinong may gawa non?!
Inis kong inayos ang sarili ko at hinarap kong gunggong na gago na tumulak sakin! "Hoy lawa!" Sigaw ko at hinila ang t-shirt ni lawa na syang tumulak sakin. "Bastos ka!"

YOU ARE READING
Mr And Ms Rule Breaker Meet Mr Rule Maker✔️(Rules Series # 1)
Teen FictionDalawang maninira, isang taga-gawa. Pano nga ba kung magtagpo ang tatlong to? Ano kayang mangyayari kung parehas silang mahulog sa patibong ni tadhana? May masisira ba? May mababago? Sabi nila, nakakakilig ang love triangle. It gives a twist to th...