ADA VI

31.7K 113 6
                                    


"Anjan ang Tatay mo." Sabi saakin ng nakasalubong ko na kapitbahay. Napakachismosa talaga nitong mga to. Lagi nalang buhay namin ang pinapakealaman.

Inirapan ko lang siya at nagdaretsyo na sa bahay.

Haynako Ada. Paniguradong nakarating sa tatay mo ang hindi mo paguwi ng dalawang araw.

"Yan na ang magaling mong anak." Nakatayo silang dalawa. At mukha ngang hinihintay ako. Patay!

"Nay, Tay." Nag mano ako sa kanilang dalawa. Aynako bahala na.

"Saan ka natulog ng dalawang araw, Ada del Franco? Bakit hindi ka umuwi ng dalawang araw, ha?" Tatay. Ito na nga ba ang sinasabi ko e.

"Sa kaibigan ko po, Tay. Late na po kasi kami natatapos sa practice e."

"Hindi ka manlang magsabi sa nanay mo? Hindi mo manlang siya itext?"

"Ahm. Wala po akong cellphone, Tay." Nagkatinginan sila ni Nanay.

"O ito ang credit card ko. Bumili ka ng cellphone mo o kung anong gusto mo."

"Sige po."

"Ayoko ng maulit ito, Ada. Nagaalala ang Nanay mo sayo dito." Eh? Anong meron at sobra ang pagaalala niya kay Nanay?

"Anak," niyakap ako ni Nanay. "Huwag mo ng uulitin ha? Papayagan naman kitang matulog sa iba e, basta magpaalam ka lang anak. Hindi ako nakatulog dahil nagaalala ako sayo."

"Nay sorry po." Napakalandi po kasi ni Chester hindi ako pinauwi. Si Chester talaga ang may kasalanan dito e.

Gusto kong idugtong pero baka mas magulat siya kung sino si Chester.

Kinabukasan,

"Chester yang kamay mo." Nakahawak kasi siya sa bewang ko. At napapalingon sila dahil doon. Hindi niya naman kasi ako girlfriend e.

Ang loko nginitian lang ako. Ano to? Inaangkin niya ako?

"Samahan mo ako mamaya."

"Bakit?"

Mas lalo pa siyang dumikit saakin. Nakakairita na pagkaclingy niya. Ang sarap... niya. Hahahahaha

"Bat ka tumatawa? What are you thinking?" Ha? Sa isip ko lang dapat yun e.

"Masama na bang tumawa ngayon?"

"Are you thinking of me?"

"Ano? Nababaliw ka na ata."

"Baliw sayo." Nagtaasan ang balahibo ko sa pagbulong niya sa tainga ko.

"Hoy! Tama na nga yang sweetness niyo." Koline. Inirapan ko nalang siya. Inirapan ko din si Chester.

#

"Hindi ba sasama si Sofia?" Tapos na ang classes namin. Kaya naman naglalakad na kami papunta sa sasakyan ni Chester.

"Hindi daw e. May date sila ni Ralph."

"Ralph? Yung classmate natin? Akala ko ba hindi niya type?"

"Well, The earth rotates."

"E ikaw, Koline? Wala kang boyfriend?" Chester.

"Wala. I don't like guys." Yeah. Lesbi kasi si Koline. Ang weird no? Maganda siya, matalino, makurba pero tipo niya babae.

"What?" Siniko ko si Chester kaya napalingon siya saakin. Baka kung ano pang masabi e.

"Yeah. Ano namang masama diba?"

"Agree. May masama ba doon, Chester?"

"Ah? Wala naman."

"Pala e." Tinignan niya kaming dalawa. "E kayo? Ano kayo?"

ADA (Ang Munting Gaga) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon