ADA VIII

27.4K 99 4
                                    

Monday nanaman, kailangan nanamang pumasok sa school.

"What's with the face? Monday na monday." Simula daw ngayon ay hatid sundo niya na ako. Madalas naman sa condo niya ako natutulog e.

"Tinatamad kasi akong pumasok. Gusto ko lang sa kama whole day."

"Ganun ba? Edi uwi nalang tayo?" Ginalaw ko ang kamay ko na hawak niya."I'll make you sore nalang, baby."

"Nope. Meron ako." Nakakairita nga e. Merong practice ngayon, lifting pa ako.

"That explains it." Tinignan ko siya. Hindi siya nagalit? Wala kaming baby time for the next 7 days.

"Hindi ka galit?"

"Why would I be?" Tinignan niya din ako. He kissed my hand na hawak niya. "I loved you just the way you are."

Unti unting nabuo ang isang ngiti sa labi ko. Sweet talaga neto.

"Ang sweet mo." I kissed him sa lips niya. Hahaba pa sana pero pinigilan niya ang sarili niya.

"I want to kiss you pero baka malate tayo, baby."

Natawa nalang ako.

Ng makarating sa school ay pinagbuksan niya pa ako ng pintuan. Nag holding hands naman kami agad.

Napapalingon pa ang mga tao saamin. Anong problema nila? Bawal bang magholding hands na ngayon?

Dumaretsyo nalang kami sa room namin.

"Lovebirds!" Nagpalakpakan ang lahat ng classmates namin. Parang mga baliw e.

Hindi naman na sila nakaingay agad dahil dumating na yung prof.

Wala talaga yung utak ko ngayon. Mostly nagreready lang naman yung mga students para sa School Week next next week. Kaya wala naring mga ginagawa. At tapos narin naman ang exams e.

"San mo gusto kumain?" 1 pm na pero hindi pa kami kumakain. Kakatapos lang kasi ng class namin.

"Dito nalang tayo sa school. Practice rin mamayang 3 e."

"Sige. Bili nalang ako sa cafateria." Umalis na siya at iniwan ako sa isang bench na may table na. Hindi ko alam kung nasaan sina Sofia at Koline e.

Busy ako sa cellphone ko ng may biglang tumabi saakin.

"Ada, right?" Nilingon ko siya. Hindi ko siya kilala kaya bakit niya alam pangalan ko? Tumango nalang ako sa kanya para hindi mukhang bastos.

"Vince." Tinaas niya ang kamay niya kaya naman nakipagkamay narin ako.

"Baby," dumating si Chester na may dalang food boxes. "Kain na tayo." Nakatingin siya doon sa lalake habang nagsasalita. Ako ba talaga yung kausap niya?

"Sige Ada. Nakakaistorbo ata ako e."

"Oo pre. Kakain na kasi kami ng girlfriend ko." Diniinan niya pa ang pagka banggit sa salitang girlfriend.

Tinanguan ko lang din yung Vince.

Nacucutean nanaman ako kay Chester.

Kumain na kaming dalawa, hindi niya manlang ako kinausap o tinitignan.

"Nagseselos ka ba, baby?" Patuloy parin siya sa pagkain niya. "Chester,"

"Sino yun?"

"Huh? Vince daw e."

"Nalingat lang ako saglit, may lumapit na sayo."

"E ano naman? Hindi naman sila ang boyfriend ko e." Nginitian ko siya pero nakasimangot parin siya. Hinalikan ko nalang siya sa lips para hindi na siya magselos. Ako yung may dalaw pero parang siya doon sa moodswings.

ADA (Ang Munting Gaga) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon