ADA XXXVI

7.5K 59 1
                                    

Me and Gab learned more about each other. Dati kasi puro lang kami landian e- Naglalandian parin naman kami pero may limit na. Itong mga time na buntis ako ay hinding hindi ko makakalimutan. Sobrang naapreciate ko ang mga bagay na ginagawa ni Gab para saakin. Sobrang maalaga ng Gabriel ko at kahit hindi ko pa sinasabi ang ibang bagay ay ginagawa niya na para saakin. He loves massaging my pregnant belly at minsan nahuhuli ko na kinakausap niya ang tiyan ko kapag tulog ako. His small gestures make me fall in love over and over again.

"Do you still like bananas?" Tumango ako kay Gabriel bago sumulyap ulit sa listahan na hawak ko. "Strawberry?" Tumango ulit ako. Binanggit ni Gabriel ang lahat ng prutas na kaniyang nakikita. Meron talagang something kay Gab at sa pagkahilig nito sa kahit na anong prutas. Lagi kaming dalawa ang naggogrocery at talagang napupuno ang cart namin ng prutas.

Gusto namin na kami ang naggogrocery dahil paraan narin para saakin na makapaglakadlakad. Sabi kasi ni Nanay at Tita Melissa ay makakatulong daw iyon sa panganganak ko.

Hindi na ako pinatuloy ni Gab sa pamimili dahil panay narin ang reklamo ko sa pananakit ng balakang. Sanay naman ako sa mahabang lakaran pero parang bigat na bigat na ako sa sarili ko.

Tulak na ng isang kasama naming katulong ang cart na puno ng pinamili namin. Nakahawak naman ako sa braso ni Gab habang naglalakad.

"Gab?" Natigil kami sa paglalakad ng may tumigil na babae sa harap namin. Nakatingin ito kay Gab at nakaturo pa. "My gosh. You forgot me?" Maarte itong nagsukbit ng buhok sa tenga. I glanced at Gab at unti unti itong nagsmile ng siguro maalala ang babae.

"Hey, Trish."

"How are you? I've never seen you in like, what, 6 years?" Umirap ako dahil sa kaartehan nito. Halata naman na type niya si Gabriel. "You still look so good." Tumaas na ang isang kilay ko noong makita ko na tinignan niya ang kabuuan ni Gab.

Nandito kaya ako!

"By the way, this is Adaleine, my girlfriend."

"Ow. Girlfriend?" Tumingin siya kay Gab na parang hindi pa naniniwala sa sinabi nito. Pigilan niyo ako, baka masabunutan ko ito.

"Soon to be the mother of his children." Umirap ako sa kaniya bago hinawakan ang umbok kong tiyan.

Nagmamadali namang nagpaalam saamin iyong babae. Hindi ako papayag na may basta basta nalang lalandi kay Gabriel, ngayon pa na pinagbubuntis ko ang panganay niya.

Nang dumating na kami sa bahay ay hindi ko na hinintay na pagbuksan ako ng pintuan. Bumaba ako sa sasakyan at dumaretsyo sa kusina. Napagdiskitahan ko ang isang apple na kainin. Nguya nguya ko ang unang kagat sa apple ng pumasok sa kusina si Gab bitbit ang ibang pinamili namin.

Umirap ako bago kumagat uli sa apple. Ewan ko ba pero naiirita ako sa kaniya. Okay naman ako sa kaniya pero nagsimula lang noong nakasalubong namin iyong maganda at sexy na Trish na iyon.

"You still want apple?" Tinapon ko ang hawak na natirang parte ng apple at hindi siya sinasagot. Ayokong makipag usap sa kaniya. Nabibwisit ako sa kaniya at baka sa labas siya ng kwarto matulog mamayang gabi.

"Hun?" Nagkunwari akong tulog ng marinig ang boses ni Gab. Simula ng umakyat ako pagkatapos kumain ng apple ay hindi naman ako nakatulog. Siguro hinihintay ko na may Gabriel na makakatabi- pero hindi pwede dahil naiinis nga ako sa kaniya.

Lumapat ang kamay niya sa umbok kong tiyan at maingat na hinihimas ito.  "Hello there, little guy. I'm excited to see you. I'm excited to hug and kiss and cherish you. I can't wait to hold you in my arms. I love you and your mommy so much."

Gustong gusto ko kapag kinakausap niya ang anak namin. His deep and husky voice are music to my ears. Nakalimutan ko tuloy na naiirita ako sa kaniya.

I opened my eyes at nakita na nakatingin ito sa tiyan ko. His gaze is soft and full of love. Ngayon palang alam ko na na magiging mabuting tatay si Gab sa magiging anak namin.

Nahuli niya akong nakadilat at nakatingin sa kaniya. Useless na magkunwari ulit kaya tinitigan ko nalang rin siya. He caressed my cheek.

"Ikaw at ang magiging anak natin lang ang mamahalin ko, Ada." All my insecurities are now gone. Iba parin talaga ang epekto saakin kapag naririnig ko itong nagtatagalog. "Kahit ilang babae pa ang makita kong sexy at maganda, ikaw parin ang pipiliin ko. Ikaw ang nanay ng magiging anak ko, ikaw ang makakasama ko habang buhay at ikaw ang babaeng pinakamamahal ko."

A tear excaped my lips as our lips touched.

I'm so lucky to have him. I'm so lucky to love and be loved by him.

___

Nikie's Note

Pasensya na po kung natatagalan ang mga update.

Ang librong ito ay fiction, kung may pangalan, lugar o pangyayari man na mauugnay sa totoong pangalan, lugar o pangyayari ay hindi sinasadya at kathangisip lamang.

Don't do anything that the people in this book do. This book may contain mature words and actions that are not suitable for very young readers. Please be guided. 😉

Ps. Be safe.

ADA (Ang Munting Gaga) COMPLETEDOù les histoires vivent. Découvrez maintenant