ADA XLIV

5.2K 58 2
                                    

Its 2 in the morning when I heard our bedroom door opened. Hinintay kong makaupo si Gabriel sa kama bago ako magbukas ng ilaw.

"Jesus! Babe!" I rolled my eyes when I saw how wasted he looked. Amoy na amoy rin ang alak sa kanya.

"Meeting?" He nodded and came near me pero lumayo ako. "Saang meeting?" He silently went to our closet maybe para magbihis. Paglabas nito ay nakapalit na nga ito ng pantulog.

"Saang meeting?" I repeated my question. Getting irritated - maybe because of the hormones.

"Office then Charles invited me to have few drinks with them." Humiga na siya sa kama at gusto akong yakapin pero lumayo uli ako. "Only few drinks, babe. I did not do anything."

"Hindi mo manlang ako naisipang tawagan?" Hindi ko naman siya pinagbabawalan lumabas kasama ang friends niya pero sana naman sinabihan niya ako. "I'm still your girlfriend and the mother of your children!"

"I know, babe. You're Adaleine the mother of my children and the love of my life." Inirapan ko siya. Hindi na ako kinikilig sa mga ganyan niya.

Lumapit uli siya at gusto akong yakapin pero lumayo uli ako. "Babe, can we stop arguing? Let's just sleep tonight please." I calmed myself. Kung may napansin man ako noong pinagbubuntis ko ang kambal, iyon ay pagiging mainitin ko ng ulo kay Gabriel. Lagi ko siyang inaaway at buti nalang naiintindihan niya ako noon. E ngayon kaya? "Where are you going?"

May hawak akong isang unan at nakahawak rin siya doon. He looked serious but I am more serious!

"Matulog ka magisa jan. Sarili mo lang naman iniisip mo!" I pushed him at iniwan sa kwarto namin.

Pumunta ako sa isang guestroom at doon natulog.

NASILAW ako sa liwanag kaya nagising ako. Idagdag pa yung mabigat na kamay na nakayakap sa bewang ko. I made sure na sinarado ko ang pintuan kagabi pero eto siya at parang bata na nakayakap saakin ngayon.

"Gabriel," I poked his cheek pero tanging ungol lang ang ginagawa nito at hindi nagigising. I tried loosening his grip on my waist pero mas lalo itong humigpit. Mas lalo tuloy akong nainis.

"Babe!" Masama ang tingin ko sa kaniya ng bumangon ito sa kama hawak ang braso na kinagat ko. Ayaw akong bitawan kaya kinagat ko. "Why are you being like this?" Inirapan ko siya bago talikuran.

Why am I being like this? Sino bang matutuwa sa pag uwi niya ng 2 am tapos ang paalam lang saakin ay meeting? Siraulo ba siya?

Lahat ng inis ko kay Gabriel ay binunton ko sa pagkain ng pancake.

"Good morning, Nanay!" I smiled when I saw my twins running to me. Nakasunod si Gab sa kanila na inirapan ko. Sumabay sila saakin kumain at sinusubuan ko ang kambal para hindi kami magusap ni Gab.

Mabuti nalang, mayroon akong meeting ngayong umaga kaya pagkatapos kong kumain at makipagkulitan sa kambal ng ilang minuto ay naghanda na ako para pumasok. I went to my office so grumpy. Napagalitan ko rin ang team ko kahit okay naman ang prinesent nila saakin kaninang umaga.

"Sarah, can you buy me bubble tea and waffles." My bad mood started with Gabriel. Hindi ako palakain ng matatamis pero eto ako ngayon bumibigay sa cravings ko.

Bitbit ko ang ipad at bubble tea sa isang kamay sa isa naman ang waffle na unti unti kong kinakagatan. Pagpasok ko ng conference room ay naabutan ko si Brianna at si Annelyn na mukhang nagtatalo pero agad rin silang tumahimik ng makita ako. Weird?

"I'm sorry, I came from another meeting." I smiled bago umupo. Lumapit saakin si Sarah at iniabot ang isang clearbook kung nasaan ang mga details para sa event ni Annelyn. I opened it at pinakita kay Annelyn. Kahit lagi ko siyang inuupdate ay gusto ko parin iexplain ang lahat. Magmula sa 'napili kong' invitations hangang reception. "And also, I'm happy to inform you that we partnered with a famous filipino atelier. She gave samples for your gown. You can choose here." Binuksan ko naman ngayon ang ipad na kanina ko pang hawak.

ADA (Ang Munting Gaga) COMPLETEDWhere stories live. Discover now