ADA XXXIV

8.4K 61 5
                                    

Nakayakap ako sa matipunong katawan ni Gab habang napupuno ng bubbles at maligmgam na tubig ang bathtub na inuupuan namin. Parehas kaming pagod dahil sa ilang rounds na ginawa namin. Pero dahil sa maligamgam na tubig at mabangong amoy ng nakabukas na kandila ay napapawi ang pagod namin.

Umupo ako sa kandungan niya at mas lalo itong niyakap.

Sa ilang araw na hindi namin pagkikita ay napatunayan ko sa sarili ko na hindi ko kaya na hindi siya ang makakasama ko. I can't stand the idea of losing him. Nagmarka na siya hindi lang sa katawan ko kundi pati narin sa puso ko. Dati puro pa ako alinlangan pero ngayon sigurado na ako. I want to be with him through ups and downs.

"Chester and I had our last conversation on the hospital. Ilang araw akong nagbantay sa kaniya at iyong ilang araw na iyon ay hindi naman ako nakapagparamdam sayo. I'm sorry, Gabby. " Mas isiniksik ko ang mukha ko sa leeg niya. Baka hindi ko matapos ang dapat kong sabihin kung titignan ko siya sa mukha niya. "Nakapagusap na kami ni Chester bago ako pumunta rito at nalaman ko na ang lahat. He and Ella never made it together. Hindi rin siya ang ama ng dinadala ni Ella at lahat ng nakita ko ay hindi tama." Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kaniya at humawak sa kaniyang pisngi. "But we chose to have our closure. Dahil napatunayan ko na rin na hindi na siya yung naglalaman ng puso ko ngayon. You own my heart, Gab. Ikaw na ang laman nito." Tinuro ko ang dibdib ko na parte ng puso. "You know why? Kasi isa ka sa mga tao na hindi ako iniwan. Isa ka sa mga tao na nagparamdam saakin ng pagmamahal na hindi sinusukuan." I can't stop myself from tearing up. Pinunasan niya naman ang mga luha na lumalandas sa pisngi ko. Words aren't enough to express how much I treasure this man.

Habang nakatitig ako sa mukha niyang ubod ng gwapo ay kumalabog ang dibdib ko. Para akong virgin na kinikilig. "I love you." Tumaas ang tungki ng bibig niya at di naglaon ay naging smile na ito. "I love you, Gabriel Alejandro Valderama Smith." Humawak ako sa pisngi niya bago hinalikan ang kaniyang labi. Nakapikit ako habang ninanamnam ang itong nangyayari.

Ang sarap pala sa pakiramdam na tuluyan ng masabi sa isang tao ang pagmamahal mo. Mas sumarap ang pagmamahal na ito dahil wala ng takot sa puso ko. Pinapalaya ko na yung sarili ko na magmahal.

"I love you." He kept on saying those habang patuloy na humahalik saakin. Kulang nalang maihi ako dito dahil sa kilig e.

___

I felt a shocking pain on my abdomen kaya napabangon ako sa kama. Sakto rin na nagising si Gab sa tabi ko at panay ang hagod sa likod ko.

"What's wrong?" Patuloy itong nagtatanong kung anong masakit pero di ko ito magawang sagutin dahil sa tindi ng sakit sa tiyan ko.

Hawak ko ang parte ng tiyan kong masakit. Parang may sumasakal at may kung anong nakadagan dito kaya't nahihirapan rin akong huminga.

I lost consciousness that day at nagising nalang ako na nasa ospital na ako. May nakaturok na swero sa isang kamay ko habang hawak naman ni Gab ang isa. Hindi na masakit ang tiyan ko kaya nagawa ko ng umupo sa kama. Just by looking at his posture right now, paniguradong masakit ang likod nito mamaya.

"Gabby," unti unti kong ginalaw ang kamay na hawak nito. Nagising rin naman ito agad at nakita ko ang kalungkutan sa mata nito ng magtama ang mga titig namin. "Bakit jan ka natulog? Sasakit ang--"

"Ada," bumitaw siya sa pagkakahawak saakin at niyakap ako. "I thought I lost you." Nakayakap siya saakin ng mahigpit na akala mo talaga mawawala ako sa kaniya. Damn, this man, pinapakilig parin ako.

"I'm okay, Gabby. Sorry pinagalala kita." Humiwalay siya sa pagyakap saakin and carressed my cheek. "I love you."

"I love you so much, Ada." Humalik siya sa noo ko na mas kinawala ng mga bulate sa tiyan ko.

Nakahawak ako sa pisngi niya ng biglang magbukas ang pinto. Bumungad saamin ang tumatawang Tatay ko at si Tito Joseph. Sa likod nila ang Nanay ko at si Tita Melissa.

Napunta kay Nanay at Tita Melissa ang tingin ko ng lumapit sila sa kama na inuupuan ko. "Okay na ba ang pakiramdam mo, Anak? Wala na bang masakit?"

Umiling ako kay Nanay bago ngumiti. "Okay na po ako. Ano po bang sabi ng doctor?"

"You need a lot of rest, Hija." Lumipat ang tingin ko kay Tita Melissa na nakahawak sa isang kamay ko. "You, Gabriel. Simula ngayon hindi mo na pwedeng pagurin si Ada." Turo ni Tita kay Gab.

"Tama si Melissa. Sobra niyong pinapagod ni Gab ang isa't isa." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Nanay. Nagpalipat lipat naman ang tingin ko ng bigla silang nagtawanan dalawa. Matapos nila akong kamustahin ay bumalik na sila sa paguusap nila.

Bumalik kay Gab ang tingin ko ng hawakan niya ang kamay ko. I gave him a confused look dahil naguguluhan naman talaga ako. Kailan pa naging mag-kaibigan ang mga magulang namin? Tinignan ko ulit ang mga magulang namin na parang magkakaibigan na matagal di nagkita kung magkwentuhan.

"Are you sure you're okay?" Nawala ang mga tanong sa utak ko ng magtama muli ang tingin namin ni Gab. Halata paring nababahala ito dahil sa pagkaconfine ko ngayon.

"Okay lang ako, hun. Huwag ka ng magaalala. Okay?" Ngumiti ako at hinaplos uli ang kaniyang pisngi.

Pero bakit nga kaya sumakit ng ganon ang tiyan ko? Ano kayang nangyayari saakin?

___

Nikie's Note

Ano kayang nangyari kay Ada? Hehe.

Ang librong ito ay fiction, kung may pangalan, lugar o pangyayari man na mauugnay sa totoong pangalan, lugar o pangyayari ay hindi sinasadya at kathangisip lamang.

Don't do anything that the people in this book do. This book may contain mature words and actions that are not suitable for very young readers. Please be guided. 😉

Ps. Huwag ng lalabas ng bahay! Be safe.

ADA (Ang Munting Gaga) COMPLETEDWhere stories live. Discover now