ADA XXXIX

5.9K 61 1
                                    

Pagdilat palang ng mata ko ay hinahanap na nito ang mga anak ko.

"Good morning, hun." Pero hindi sanggol ang bumungad saakin kundi ang kasama ko gumawa sa mga anak namin. "Do you feel any pain? The doctor said-" hindi ko na pinatapos ang pagdadaldal nito at bigla nalang hinalikan.

"I love you, Gab." I pulled away from the kiss at humawak ito sa pisngi ko.

"I love you so much, Ada. Thank you for our babies." Humalik uli ito sa noo ko bago ako yakapin. "You wanna see our children? Kanina pa sila nandoon." Mabilis akong tumango bago nito ako tulungan umupo sa isang wheelchair.

I saw our family na nakatutok sa glass window ng nursery. The feeling of seeing my newborn babies excites me.

Tinulungan ako ni Gab na makatayo at agad ko ring nasilayan ang mga anak namin. They were both wrapped in a special cloth with their surname in it. My twin boys.

"Oh my god, Gabby. Kamukhang kamukha mo mga anak natin." He hugged me from behind at hindi nakawala saakin ang pagbulong nito sa tenga ko.

"I can't wait to have  little Ada running around the house. I'll get you pregnant as soon as possible." Mahina kong tinampal ang kamay nito na nakayakap saakin. Kakapanganak ko palang nga tapos nasa plano niya nanaman na buntisin ako.

"Hindi ako inahing baboy, Gabriel." He just chuckled. "What would we name them?"

I can't take away my eyes off my twin boys. Sobrang cute nilang dalawa but cute is an understatement for them. Gwapo ang mga ito dahil talagang nakuha nila ang features ng ama nila.

Hindi sumagot si Gabriel kaya nilingon ko ito. May iniaabot na pala ito saakin na papel.

"I finished their birth certificates."

Gavinson Abraham M. Smith
Adamson Gregory M. Smith

"Honey, I love it." Humarap ako rito at mas lalo itong niyakap. Humiwalay lang ako ng marinig itong humihikbi na. Hinawakan ko ito sa pisngi at pinunasan ang basang pisngi.

"I love you so much. Thank you. Thank you for our babies."

"I love you too, Gab."

I closed my eyes as his lips touched mine. We kissed infront of the nursery. Infront of our twin babies.

___

"How are you feeling, anak?" Matapos naming dinalaw ang mga anak namin ni Gab sa nursery ay nakatulog ako. Pagkadilat ko palang ay mukha na ng Tatay ko ang bumungad saakin.

"Okay na po ako, Tatay. Si Gabriel po?" Tinulungan nito akong umupo sa kama. Mukhang natagalan ang tulog ko dahil madilim na sa labas.

"Kinuha lang ang mga anak niyo sa nursery. Gusto niya sanang isurpresa ka sa paggising mo pero mukhang epic fail siya." Tinuloy nito ang paghihiwa sa orange na hawak. "Kapag sinaktan ka ni Gabriel, sabihin mo lang saakin. Kukunin ko agad kayo ng mga apo ko."

"Tay..." Binitawan nito ang hawak na knife at iniabot saakin ang orange na nabalatan. "I love Gab and he loves me."

"I know he loves you. But always remember that I will protect you. I will protect you at all cost. Pasensya ka na kung hindi ka naprotektahan dati ni Tatay. Pasensya na kung marami akong pagkukulang sayo. Babawi ako, anak." Niyakap ko ito ng mahigpit.

I know he's trying. Alam at ramdam ko naman simula noong lumipat kami rito. Mas nagpapasalamat parin ako na kasama ko sila ni Nanay ngayon.

Bumitaw si Tatay sa pagkakayakap saakin ng magbukas ang pinto. Bumungad si Nanay na buhat ang isa sa anak ko. Dumaretsyo ito sa saakin at iniabot saakin ang anak ko.

"Si Adamson. A male version of you." Ngumiti ako ng mapagmasdan ko ang anak na hawak. Oo nga't kamukha nito si Gabriel pero hindi mapagkakaila na kamukha ko rin ito. "Mukha kang anghel noong pinanganak kita, Adaleine. You were this tiny and fragile. The first time I saw you, doon ko lang naramdaman ang totoong pagmamahal. Pagmamahal ng isang ina sa kaniyang supling. Pagmamahal na hindi matutumbasan ng kahit ano pa man." Mas lumapit saakin si Nanay at niyakap ako bago humalik saaking noo. "Alam ko na magiging mabuting ina ka sa mga anak mo."

"Nay, huwag niyo naman akong paiyakin." Tumawa si Nanay bago ako yakapin uli.

"You're awake?" Natigil ang pagdadrama namin ng pumasok sa kwarto si Gabriel na halatang dismayado.  Sa likod niya ang kaniyang mga magulang. Bitbit ni Mommy ang isa sa kambal. "I wanted to surprise you." Kinuha nito ang anak namin na bitbit ni Mommy at lumapit saakin.

Humawak ako sa pisngi nito bago dampian ang labi. "You three are the best surprise ever."

___

Nikie's Note:

Sana nagustuhan niyo yung pangalan ng kambal. Matagal ko ring pinagisipan at marami akong pinagpilian. Hehe

ADA (Ang Munting Gaga) COMPLETEDWhere stories live. Discover now