ADA XL

5.7K 63 0
                                    


"Nanay, why do we have to wear that?" He pouted at hindi ko napigilan ang sarili ko na halikan ang pisngi nito. Gavin has puffy cheeks kaya madalas ko siyang pinanggigigilan.

"It's so baduy, Nanay." Sabi naman nung isa na nakaupo sa kama na busy sa pagkain ng cookies. Cookie crumbs are all over his clothes na kakalagay ko lang kanina.

Tatlong taong gulang na ang kambal ko at birthday nila ngayon. Nagrereklamo sila sa matchy nilang damit na noon pa man ay ginagawa ko na kapag birthday nila.

"You don't like it?" Sabay silang umiling kaya wala na akong choice kundi tanggalin ang kaninang suot nila.

Kumaripas silang dalawa sa closet nila. Naririnig ko pa ang bangayan nilang dalawa sa gusto nila. Matapos nilang magbangayan ay lumabas rin silang bitbit ang gusto nilang damit. Hindi na ako nagulat sa gusto nilang damit. Hawak ni Gavin ang Spiderman at Batman naman kay Adam.

Binihisan ko na sila agad dahil naghihintay na ang tatay nila saamin sa baba. Baka mas nauna na saamin ang aming invited guests.

Tumaas agad ang kilay ni Gab ng makita ang ichura ng mga anak.

"Why that?" Turo niya sa mga anak na nagtakbuhan na sa sasakyan.

"Sila namili niyan. Baduy daw ng pili mo." I giggled ng makahawak ako sa kamay nito.

He kissed me on my forehead bago ako inikot. Naka black latex body hugging dress ako at kulang nalang ng mask para maging si Cat Woman. Gab is in his usual black suit.

After the 30 minute drive ay nakarating rin kami sa hotel na paggaganapan ng birthday ng kambal.

I saw how their eyes sparkled when they roamed their eyes. Hindi siguro makapaniwala na ginawa ko talaga ang gusto nila. I heard them talking one night na gusto nila ng Spidey and Batman costume party kaya iyon ang ginawa ko.

"You did a good job, babe." Tumatango ako kay Gab ng libutin rin nito ng tingin ang buong grand hall. Ofcourse hindi ko hahayaan na hindi masaya ang mga anak ko sa mismong araw ng kapangakan nila.

Mayroong malaking playground sa gitna ng hall na puno ng mga bata na nagtatakbo at naglalaro. Nagtatakbo narin ang kambal matapos mag mano sa kanilang lolo't lola. Bumeso ako kina Nanay at Tatay pati narin kina Mommy.

Pinuri rin nila ang ginawa ko para sa birthday ng mga apo nila. Bumeso rin ako kay Brianna na nakaupo lang dahil malaki ang tiyan. Buntis sa pangalawa nilang anak ni Kuya Steve.

I glanced on the playground at nakitang magkasama ang kambal at si Stephen -ang panganay nina Bri. May mga staff naman sa gilid ng playground para tignan ang mga bata. Dahil nga children's party ito, hindi ko naman papayagan na may magkasakitan sa mga bata.

Umupo ako sa tabi ni Brianna at nagkwentuhan kami about parenting stuff.

"Babe," lumingon ako sa tumapik saakin at nakita si Gab na nakatanggal na ang ilang butones ng polo. Lumalabas ang tshirt na mayroong print ni Spiderman.

"Yes, Spidey?" I giggled pero tumayo parin sa upuan. Nagexcuse ako kay Bri ng hilain na ako ni Gab.

Ipinakilala ako ni Gab sa mga friends ng business niya. All I could do is smile dahil naguusap na sila about sa business.

"What do you do, Ada?" Tanong ng isa.

"I am an event stylist. I am actually the one who styled this place." They nodded at nakatanggap muli ako ng papuri.

For the last 3 years, ginugol ko ang sarili sa pagaalaga sa kambal at dito sa Event styling business ko. Ilang buwan rin naming pinagawayan ni Gabriel ang tungkol rito pero di nagtagal ay pumayag narin siya.

Madami narin akong nagagawang parties at lagi akong napupuri dahil binibigay ko naman talaga kung ano ang gusto ng mga kliyente ko.

"Babe, I'll just check the twins." Humalik ako sa pisngi ni Gab bago pumunta sa malaking playground. Agad ko ring nakita ang kambal na naguunahan pang umupo sa slide. Ngumiti sila ng makita ako kaya agad ko rin silang sinenyasan na lumapit saakin.

"I'll just check if you're soaked in sweat." Sabay kong hinawakan ang likod nila. "Remove the masks." Ng matagal ang mga maskara ay nakita ko silang dalawa na nakasimangot. "Pawis na kayo mga anak. Magkakasakit kayo kapag hindi kayo nabihisan."

Nagtagal kami sa banyo dahil kinailangan ko narin silang punasan ng katawan. Mabuti nalang talaga may kasama akong isang kasambahay na tumulong saakin.

Paglabas namin ng banyo ay time na para sa candle blowing nila. Nasa tabi na ng cr si Gab at hinihintay kami. Magkahawak kamay ang kambal na tumakbo papunta uli sa gitna. Nakapalibot narin ang mga bisita sa cake table. After cake blowing ay nagdasal lang saglit tapos serving dinner na.

Pinaggitnaan namin ni Gab ang kambal na kumakain ng spaghetti and chicken.

"Nanay," nawala ang tingin ko kay Brianna ng marinig ang tawag ni Adam saakin. I chuckled ng makina ang maduming pisngi nito dahil sa spaghetti sauce. "Help, nanay." I smiled.

My twins are still babies.

"What did you wished again, Gav?" Nakaupo si Gavin sa lap ni Charles at kanina pa nagkekwentuhan matapos kumain. All eyes are on my son na nakangiti ng malaki.

"I want a baby sister, Tatay."

"I wished for that too!" Sigaw naman ni Adam na tumatalon pa sa pagkakaupo sa lap ng kaniyang tatay.

I felt a hand squeezing my exposed leg underneath the table. Lumingon ako kay Gab bago ngumiti.

I also want another baby. Maybe later.

___

Nikie's note:

Yey! Few more chapters and we'll say bye bye to Ada and Gab. Please be more patient with me. 😘

ADA (Ang Munting Gaga) COMPLETEDWhere stories live. Discover now