ADA XV

14.3K 81 1
                                    


Masaya magkaroon ng malaking bahay. Pero mas naramdaman ko ang lungkot. Hindi na dito nakatira ang Nanay ko dahil nandon na siya mismo sa bahay ni Tatay. Tanggap naman siya ng mga anak nito sa unang asawa. Buti nalang rin at meron akong mga kasambahay dito sa bahay na ito kundi baka nabaliw na ako at tanging mga gamit nalang ang kausapin.

Pumunta ako sa school sa sumunod na araw. May practice kasi para sa graduation at kailangan ko lang magpaattendance.

Napupukaw ko ang atensyon ng mga studyante na madadaanan ko dahil may dalawang lalake sa likod ko. Ofcourse, pagtitinginan ka talaga kung may mga kasama kang bodyguard. Naka itim pa na tuxedo ang mga ito kaya pagtitinginan talaga. Muntik pa kaming magaway ni Tatay dahil dito pero nanalo parin siya. Gusto lang nila ni Nanay ang kaligtasan ko pero minsan nakakasakal na. Hindi naman ako sanay sa mga ganito e.

"Ada!" Kumaway ako kay Koline ng makita ko siya. Nakapagusap na ulit kaming tatlo at naiintindihan na nila ang side ko. Inexplain ko kung ano talaga ang nangyari hindi sa kung ano lang ang naikwento sa kanila.

Sabay kaming pumunta sa auditorium. Nakita rin namin si Sofia na hinihintay na kami sa labas.

Boring ang practice. Kung hindi lang kailangan ng attendance ay hindi talaga ako pupunta rito sa school. Nag-unat ako ng matapos ang practice. Buti nalang rin at isang araw lang ito.

Palabas na kami ng auditorium ng makasalubong namin ang mga studyante ng College of Engineering. Kasama doon ang mga boyfriend ng mga kaibigan ko. Di na ako nagabala na tumingin sa kanila dahil baka isang tao lang ang makita ko.

"Ano? Hindi pa ba tayo aalis? Titignan niyo nalang sila?" Inirapan ko sila. Para silang mga timang na nakangiti sa mga jowa nila. Hindi ba sila magkikita mamaya?

"Ada" kinapos ako ng hininga sa boses na iyon. Boses palang alam ko na kung sino. Boses niya palang pero ang lakas na ng kabog ng dibdib ko.

Tanginang pagmamahal ito.

Nangilabot ako ng maramdaman ang kamay niya sa balat ko. "Ada, please. Let's talk."

Hinarap ko siya pero hindi para kausapin. May isang bagay akong gustong gawin sa kaniya noon pa man. Yun ay ang sampalin siya. Kaya ginawa ko. Sumakit nga ang palad ko dahil sa tindi ng sampal na ginawa ko sa kaniya e.

Rinig ko ang singhap ng mga nakakita sa ginawa ko. Wala na akong pake kung pinagtinginan kami. Lumapit nalang ang mga bodyguard ko at inilayo na nila ako. Ni hindi ko narin nakausap ang mga kaibigan ko.

Sabi na e. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa pagpunta kanina sa school.

Nang gabi na ay tinakasan ko ang mga bodyguard ko. Pumunta ako sa bar. Pahirapan pa ngang kumuha ng sasakyan dahil wala talagang dumadaan.

Ngumiti ako ng makapasok na ako sa bar. Ang tagal ko ring hindi napupunta rito. Ang tagal ko ring hindi uminom ng alak.

Dumaretsyo ako sa isang stool at nagorder ng alak. Hindi ko alam kung bakit ko naisipang magpakalasing ngayon. Siguro dala nalang rin ng pagkakita ko sa kaniya? Ewan.

"Hi miss." Hindi ko tinapunan ng tingin yung lalake na tumabi saakin. "Mag isa ka lang?" Bakit ba ang kulit neto? Hindi na nga pinapansin e.

"May nakikita ka bang kasama ko?"

"Oohhh." Nakangiti siya at parang winalang bahala ang bagbabara ko sa kaniya kanina. "Mind if I buy you a drink?"

Hindi ko ito sinagot at tinignan ang baso sa harap ko. Wala na palang laman ito? Tinawag ko yung bartender at humingi pa ng alak. Pero nagorder yung katabi kong lalake ng isang bote. Siya na ngayon ang nagsasalin ng alak sa baso ko.

"Cheers?" Itinaas ko narin ang baso ko at ininom ang laman nun. Sumilay ang isang ngisi saakin bago sumipsip sa lemon.

Nakalahati namin yung bote pero hindi parin ako lasing. Nahihilo lang ako pero hindi ako lasing.

"Let's dance." Hindi ko na hinintay na magsalita pa yung katabi ko bagkus hinila ko na siya.

Nasa gitna kami ng dance floor at ang malilikot niyang kamay ay nilalakbay na ang katawan ko. Wala naman akong pake kung saan mapunta ang kamay niya. Basta nageenjoy ako sa company niya.

Malaki siyang tao at mahaba rin ang kaniyang biyas. Sikip na sikip ang suot niyang tshirt dahil sa laki ng braso niya.

Tinalikuran ko siya at sinasabayan ko ang magandang remix songs sa paggiling. Ang mga kamay niya ay nasa bewang ko na napupunta rin sa hita ko.

Humarap ako sa kaniya. Ang mapupungay niyang mata ang bumungad saakin. Sinabit ko ang kamay ko sa batok niya at hinila iyon para mahalikan ko siya. Naglaplapan kami na parang walang mga tao sa paligid. Mas naexcite ako ng marinig ang hiyawan ng mga tao. Kumapit ako sa kaniya kaya binuhat niya naman ako.

Naramdaman ko ang malamig na bagay sa likod ko. Nasa gilid kami ng isang sasakyan habang nilalantakan niya ang leeg ko. Mas nakakalasing ang paraan ng paghalik niya saakin.

"Ahhhh." Ibinaba niya ang strap ng dress ko kaya malaya ang isang kamay niya na nahahawakan ang dibdib ko. Nakahawak naman sa pwet ko para hindi ako mahulog. Bumaba pa ang halik niya at nakuha non ang isang nipple ko. Sinasabunutan ko ang buhok niya at mas inilalapit ito saakin. Nagpalipat lipat ang magaling niyang dila at para itong bata na hayok sa gatas ng ina. Bumalik siya sa labi ko at naghalikan uli kami.

Mas ramdam ko na ngayon ang galit niyang alaga na tumutusok saakin. Pupunta na sana kami sa ganung level pero bigla na akong nawalan ng gana. Bumitiw ako sa hawak niya at nagayos ng damit. Inayos ko ang strap ng dress ko at pinagpagan iyon.

"What?" Kita ang pagkairita sa mukha niya. "You turned me on so bad." Pinagmasdan ko siya at ang bukol sa pantalon niya. Nakarinig ako ng mga mura niya ng tignan ko siya.  Siguro kung nauna ko siyang nakilala ay papayag pa ako. Pero iba na ngayon. Kinuha ko ang clutch sa hood ng sasakyan at iniwan siya. Bumalik ako sa bar at binayaran ang lahat ng alak na ininom ko. Paglabas ko ay hindi ko na nakita iyong lalake.

Tumatawa pa ako noong tuluyan na akong makalabas. Nawala lang ang ngiti ko noong makilala ko ang lalake na hinarangan ang dinadaanan ko. Ngayon pinagsisisihan ko na wala akong bodyguard.

Itutuloy...

____

Nikie's Note:

Happy Valentine's Day, Adalenians!

Sino kaya nakasalubong ni Ada? Any guess?
Comment naman kayo para alam ko kung anong feels niyo sa chapter na ito! Malay niyo mag update ako ng 2 chapters. Haha

I hope you enjoyed this chapter! Hihi
30 votes for the next chapter! Sa votes niyo nakasalalay ang 2 chapters. 😉

❤️

ADA (Ang Munting Gaga) COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora