ADA XXV

10.6K 58 0
                                    


We ended up in his house, not to have sex but to talk. Kung gugustuhin kong matulungan niya ako, dapat malaman niya muna lahat.

This is a big move for me kaya kahit kinakabahan ako ay ikinwento ko sa kaniya lahat mula sa simula. Nakinig lang siya saakin at wala ako ni isang pandidiri na nakita sa kaniya. He looked really caring habang nakikinig saakin.

"Hindi alam ni Charles na umuwi ulit ako ng pilipinas. Si Bri lang ang pinagsabihan ko dahil alam kong magagalit si Charles saakin. So, please huwag mong sasabihin kay Charles."

"I wont." Hinila niya ako at niyakap. This guy is really touchy. Nahahalata ko na ang panay yakap at halik nito sa noo ko. May gusto ba saakin ito?

Ganda mo ha, Ada.

"You can always call if you need me." Napanguso ako sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Tao pa ba siya?

"Talaga?" Humiwalay ako sa yakap niya at tinignan siya. "Paano kung pinapunta kita sa kwarto ko pero nagbibihis ako? O kaya naman naliligo ako?" Tumawa ako ng makitang naging seryoso ang mukha nito. "I'm kidding. Huwag mo ngang seryosohin lahat ng sinasabi ko."

___

"Thanks, Gab." Nandito na kami sa tapat ng bahay at kahit gusto kong magstay pa ng matagal kasama siya ay pinilit niya akong umuwi. Dahil malamang hahanapin ako ng mga kapatid ko. At baka may magawa rin kaming alam niyo na - O baka ako lang. Ewan.

"Don't thank me yet. Wala pa akong nagagawa."

"Sa paghatid. Hindi pa ako tapos magsalita." I looked into his eyes and genuinely smiled. He did the same at ipinakita nanaman ang mala porcelana niyang ngipin. Ang gwapo talaga nito, nakakagigil.

Tama nga sila, nakakagaan sa pakiramdam na may mapagsabihan ng mga hinanakit. And I'm lucky to have a friend like him.

___

A month passed at nagsimula na ang pagplano sa kasal ni Brianna. Next year pa ang kasal pero todo paghanda na ang lahat. Ilang buwan nalang rin naman ay matatapos na ang taon.

Kasama ko si Bri sa isang sikat na Store at kausap na nito ang isang tanyag na designer. Happiness is visible on Bri's face. Sobrang blooming niya rin at laging nakangiti. Kung dati ay masayahin si Bri, ngayon ay dumoble iyon. That's Kuya Steven's effect on her.

Nakatitig ako sa mga wedding magazine sa harap ko. Puro brides ang mayroon doon na may naggagandahang gowns. A part of me tore when looking at it. How will I look on my wedding day? Bagay kaya saakin ang wedding dress?

"Sis," nakuha niya ang atensyon ko kaya tinignan ko siya. "Will you be my maid of honor?"

"Ha? Ako?" Nakangiti siyang tumatango saakin.

"I know this is too much to ask pero nagbabakasakali lang naman ako. You can say no- bakit ka umiiyak?" Lumapit siya saakin at hinawakan ang mukha ko.

Hindi ko napigilan ang mga luha kong bigla nalang tumulo. "What are you talking about? Of course papayag ako. You're my sister."

"Really? Are you sure about this? Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo." Umiling ako at nagpunas ng luha.

"I'm moving on, Sis. Baby steps."

"Don't worry. Maraming pinsan si Steven."

"Wala akong plano. I'm enjoying my life." Talaga lang ha?

"Oo nga pala. Why are you and Gab always together?" She gave me a sly smile. Hindi ko naman napigilang ngumiti rin. Isang buwan na kaming naglalabas ni Gab. Mabait ito at napakaalaga.

ADA (Ang Munting Gaga) COMPLETEDWhere stories live. Discover now