ADA XLIII

5.7K 58 1
                                    

I've been very busy pero hindi ko nakalimutan bumisita sa OB ko. I've been secretly visiting her and checking up on my little bud. Sa sobrang busy ng schedule ko ay di ko na napapansin na wala akong buwanang dalaw, kung hindi ko pa napansin ang madami kong stock ng tampons ay hindi ako magaabala na pumunta and I'm having the same morning symptoms noong pinagbubuntis ko ang kambal.

Paano, hindi naman kasi kami tumitigil ni Gabriel hanggang sa hindi namin mapagbigyan yung hiling ng kambal.

"The baby is normal and healthy. Continue eating healthy foods and avoid foods that may trigger your nausea. I'll give you new sets of vitamins."

Tumumbok uli si Gabriel.

After my appointment with my OB, tumuloy na ako sa trabaho ko. Wala pa akong balak sabihin sa maga-ama ko ang tungkol kay Baby #3. I wanted to surprise them at hahanap ako ng magandang tiyempo.

"Ma'am," pumasok si Sarah at mukhang aligagang aligaga. "Nandito po yung sa Event Avenue." Tumango ako bago tumayo. Pumasok kami sa conference room. I saw a middle aged woman smiling at me.

She told me how she admired me at kung paano niya nakikita ang sarili saakin. We talked for a few hours at napagkasunduan na ang paghighlight nila saakin at sa business ko. We will have a live interview at way nila iyon para ipakilala ako at ang business sa kanilang taga subaybay.

"Ma'am, we have a problem." Ilang araw na ang nakalipas. Paupo palang ako sa swivel chair ko ay pumasok na agad si Sarah sa opisina ko. "The said date for your interview with Event Avenue is re-scheduled."

"What's the problem with that? Hindi naman siguro araw iyon ng mga events-" I stopped talking when I saw how she nodded. "What event?"

"Ms. Annelyn's"

"Yung surprise wedding?!!!" Humawak ako sa noo ko at pinakalma ang sarili. Buntis ako at makakasama ang stress sa anak ko. "Have you tried to re-schedule it again?"

"Yes, Ma'am, pero iyon nalang daw po ang available nilang schedule. I also said na we have an event that day pero ayaw parin po nila. They also want to interview you on the same spot of the event."

"Check Annelyn. Abisuhan na agad si Bride about this interview. I can't lose both of them. Thank you." Sarah bowed at lumabas na ng opisina ko.

I busied myself with work. Malapit na ang Secret Wedding kaya finalizing nalang ang inaatupag ko.

Hindi ko pa mahahalata na lunch time kung hindi pa tumatakbong pumasok ang kambal sa opisina ko. Gab's furrowed brows captured my sight.

"Hello my babies. Where are we eating?" Humalik ako sa pisngi nilang dalawa. They wore the same clothes again. Blue overalls and black shorts at tanging backpack lang ang naiiba.

"Tatay cooked, Nanay." Adam answered ng bumaba ito sa lap ko. Dumaretsyo ang kambal sa sofa. Tinanggal nila ang bag at prenteng umupo sa sofa.

"Really? What's for lunch, babe?" Gab's eyes still on me. I smiled sweetly at lumapit rito para humalik.

"You wanted sour, right? I cooked sinigang."  Saktong pumasok si Sarah at ang isa ko pang assistant. Buhat nila ang tray ng pagkain namin. Inayos na nila sa coffee table ang mga pagkain kaya nakita ko ang naka pot na luto ng baby daddy ko.

"Yey! Thank you, babe." Humalik uli ako sa pisngi niya bago umupo sa sofa. "Sarah, kumain narin kayo. Enjoy Gab's sinigang."

"Thank you, Ma'am. Thank you, Sir." They bowed at lumabas na ng opisina ko.

Minsan na lang magluto si Gabriel pero kapag nagluluto ito ay talagang sinasama niya ang mga tauhan ko. Mabuti nalang pala at onti kami.

Kinuhaan ko muna ng pagkain ang kambal bago ako maglagay sa magkok ni Gab. Matapos magdasal ay kumain na kaming apat. Nakaupo ang kambal sa sahig at parehas na nakatuod sa lamesa ang mga siko.

"Babe, ang sarap mo paring mag luto." Marunong lang kasi ako, pero siya magaling talaga.

He smiled at pinagpatuloy na ang pagkain. Patigil tigil ako kapag nakikita kong nahihirapan ang kambal sa pagsubo. Madalas sa lamesa napupunta ang laman ng spoon nila.

Matapos kumain ay nagpaalam na si Gab sa kambal. May meeting pa daw kasi ito. Magkahawak kamay kami na bumaba sa lobby. Hinatid ko siya hanggang sa nakahandang sasakyan niya sa lobby.

"I have a late meeting later." He kissed my forehead. Inayos ko naman ang nagulo niyang neck tie.

"Hintayin ka namin sa bahay. Ingat ka, okay? Huwag mambababae." I smiled sweetly.

"Of course, babe." He kissed me on my lips bago ako kindatan. "I love you."

"I love you, Gabby."

___

Nikie's Note:

Lame update. Pagpasensyahan niyo na medyo natutuyot yung utak ko. 💕

ADA (Ang Munting Gaga) COMPLETEDWhere stories live. Discover now