ADA XXVIII

9.9K 64 24
                                    

Bago niyo basahin, Sure na ba kayo kung kaninong Team kayo? Hehe.

#TeamChester or #TeamGabriel ???
#Baby or #Hun ???

Place your bets on the comment section!

❤️
____

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at parang gusto ng lumabas ng puso ko. Bumalik ang lahat ng nakita ko noon. Bumalik ang lahat ng sakit. Fuck this.

Nakahawak ang dalawang kamay niya sa railings at ako ang nasa pagitan. Looking at him is pure torture. Habang matagal akong nakatingin sa kaniya ay parang mas lalong lumuluwag ang butas sa puso ko na siya ang may gawa. Ngayon na nakikita ko na siya, hindi ko na maramdaman ang mga paruparo sa tiyan ko. Napalitan na ang pagmamahal ng galit.

"It is really you. Akala ko namalikmata lang ako kanina." His stares are the same. Kung paano niya ako tignan noon ay ganon na ganon parin ngayon. "I didn't know you have siblings. Hindi mo naikwento." All I can see is happiness in his eyes. Ganito ba siya kasaya sa piling ni Ella?  "My mom is actually a friend of Steve's mom. So we kinda-"

God, Ada! Ano ba yang mga iniisip mo! Get back to your senses!

"I-I have to go." Sinubukan kong umalis pero mas lumapit lang ito saakin at hinawakan ang bewang ko. Oh god, no. Hindi ko pa kayang makipagusap sa kaniya na parang walang nangyari. "Chester."

"Can we talk?" Huminga ako ng malalim bago ito tignan. Oh god, how I missed looking at this face. Pero ngayon na may Gabriel na at alam kong maapektohan ito sa mga desisyon ko, kailangan ko siyang makausap tungkol rito. Gab opened his heart to me at ganun din ang gusto kong mangyari. That's what a decent girl should do diba?

"Wala tayong dapat pagusapan. Let's leave everything the same." Tama naman e. Ayoko ng maungkat ang nakaraan. Madami na akong nasayang na luha.

Inalis ko ang pagkakahawak niya saakin at pumasok ng venue. My legs began to wobble kaya napahawak ako sa malapit na upuan saakin. Mas naninikip ang dibdib ko at parang hindi ako makahinga. Ilang beses akong huminga ng malalim bago tuluyang pumunta sa table namin.

I gasped when I saw a familiar face smiling at me. Akala ko ba may party ito? He gave a sexy smile habang palapit ito saakin. He looked 10x hotter with his tux on pero wala ng mas hahot kapag wala siyang damit.

I claimed his lips when he came near me. Ilang araw ko lang siyang hindi nahahawakan o nakikita ay parang isang taon na ito. Kumapit ako sa batok niya ng maghiwalat ang labi namin. Ayoko namang gumawa ng eksena kaya saglit lang ang halikan namin.

"I miss you so much, hun." He caressed my cheek at mas nanlambot ang tuhod ko sa paraan ng pag-ngiti niya ngayon. This angel is mine. I'll keep this smiling angel and won't hurt him.

"I miss you too. Bakit ka nandito? Akala ko nasa NYC ka pa."

"Dad made it to NYC. Siya na ang nag-attend ng party so I can be here, with you." Awwwww. Alalahanin kong magpasalamat kay Tito Joseph.

Yumakap nalang ako kay Gabriel dahil wala narin naman akong masabi. Mas napalagay na ako na nandito na siya ngayon.

Gabriel on my side calmed me pero hindi ko nakalimutan ang pagkikita namin ni Chester kanina. Alam ko na kailangan kong sabihin iyon kay Gab dahil kung may pagkakamali man ako rati, ito ang pagtago sa napakaraming bagay kaya nagka leche leche ang lahat.

Lumapit ang kumpol ng mga babae sa newly weds at kasama na roon si Chester. Mayroon kasing babae na nakahawak sa braso niya, maybe its her mom. Lumingon siya sa gawi ko kaya binaling ko kay Gab ang tingin ko. Humigpit ang hawak ko sa kaniya kaya napalingon ito saakin at tinanong kung okay lang ako.

"Oo naman. Nandito ka na e." I smiled sweetly at bumalik na ito sa pagkain. Lumingon uli ako sa dati niyang gawi at napahinga ng wala na ito. Iginala ko ang paningin ko at nakita ito di kalayuan saamin. Mas nanlaki ang mata ko ng mapansin ang Nanay ko na palapit sa kinaroroonan ni Chester. Oh shit!

"Wait for me." Humalik ako sa pisngi ni Gab at iniwan ito. Dumaretsyo ako sa kinatatayuan ni Nanay at hinawakan ito sa kaniyang kamay. Hindi pa ito nakakalapit kay Chester kaya hinila ko na ito.

"Tama ba ang nakita ko? Siya iyon?" Tumingin si Nanay sa mata ko at puno iyon ng pangamba. Lumingon pa ito ulit sa kinatatayuan ni Chester. "Nagkita kayo?" She stared directly to my eyes at kapag ganito ang tingin ni Nanay ay malalaman niya kung nagsisinungaling ako o hindi. "Adaleine." Punong puno ng autoridad ang pagkakabigkas niya ng pangalan ko. Mas nakakatakot talaga kapag binibigkas niya ng buo ang pangalan ko. Wala naman akong nagawang mali pero nangatog ang tuhod ko dahil dito.

"Hindi kami nagusap. Umalis ako agad."

"Alam ba ito ni Gab?" Nakilala na nila si Gab at alam narin nila ni Tatay ang tungkol saamin.

"Hindi pa. Sasabihin ko mamaya." Hinawakan ni Nanay ang pisngi ko bago ako yakapin.

Bumalik rin kami sa dating lamesa na parang walang nangyari. Naabutan ko nalang si Charles at Gab na nagkwekwentuhan at may alak na sa kamay.

"Don't drink too much, hun." Umupo ako sa tabi ni Gab na ikina simangot ng kapatid ko. Minsan talaga may pagka abnormal si Charles e. Lalo na nung nalaman niya ang about saamin ni Gab. He's a posessive brother at okay lang naman iyon saakin dahil mas nararamdaman ko na mahal ako nitong kapatid ko. Hinila ako ni Charles kaya nasa tabi niya na ako ngayon. Ngumiti nalang ako kay Gab at hinawakan ang kamay nito. Wala naring nagawa si Gab dahil tinotopak nanaman ata ang kapatid ko.

Hawak kamay kami ni Gabriel hangang sa matapos ang reception. Nakailang picture rin kami kasama si Bri at Kuya Steven bago nila kailangang umalis. Ang wedding gift na binigay ni Tatay ay ang 1 month long Honeymoon nila sa Europe at ngayong gabi rin ang alis nila. All expenses paid ni Tatay ang honeymoon nila. Bongga talaga ni Tatay. Halatang gustong gusto na magka-apo.

"Hindi ka ba uuwi, Gabriel?" Tanong iyon ni Tatay kay Gab pero saakin ito nakatingin. Ngumiti ako sa kaniya at hinila ang kamay ni Gab.

"No. Sasamahan niya ako, Tay. Uuwi rin kasi si Charles." Ang usapan naman talaga ay dito sa hotel magsstay for the night dahil may mga nakareserve na kaming rooms pero si Charles nag back out. Ewan ko ba doon. Gusto atang magsenti dahil mawawala si Bri ng matagal.

"Okay. Behave." Humalik si Tatay sa noo ko bago sulyapan si Gab. "We should talk. One of this days." Seryoso nitong sabi kay Gab.

"Yes, Sir." Nakailang lunok si Gab pagkatapos sagutin si Tatay. Tumango nalang si Tatay at umalis na sila.

Nakangiti lang ako na pinagmamasdan ang mukha ni Gab. Sobrang gwapo nito at hindi ako makapaniwala na baliw na baliw ito saakin.

Hays. Iba talaga ang kamandag mo, Ada

___
Nikie's Note:

#TeamChester or #TeamGabriel?

Mas napapasaya niyo ako sa comments niyo. Sa comments niyo rin nakasalalay ang updates. More comments, more chances of new updates. Hehe

Ang librong ito ay fiction, kung may pangalan, lugar o pangyayari man na mauugnay sa totoong pangalan, lugar o pangyayari ay hindi sinasadya at kathangisip lamang.

Don't do anything that the people in this book do. This book may contain mature words and actions that are not suitable for very young readers. Please be guided. 😉

Ps. Magingat ang lahat sa COVID-19. Maghugas ng kamay o gumamit ng alcohol, use facemask, uminom ng tubig at huwag ng lumapit sa mga may sakit. Be safe everyone! 😘

ADA (Ang Munting Gaga) COMPLETEDWhere stories live. Discover now