ADA XXVI

10.9K 65 5
                                    

Hawak ako sa kamay ng Mommy ni Gab at pinapakilala sa mga guests nito. Nakangiti ako pero gusto ko ng sapakin si Gabriel. Hindi ko alam na sa party pala ng magulang niya kami pupunta. At hindi ko rin maintindihan kung bakit ako ang kasama niya. Diba dapat girlfriend niya ang kasama niya?

"Are you okay, Adaleine?" Tumango ako kay Tita Melissa (Mommy ni Gab). Kanina pa kami magkasama at halos lahat na ng tao sa party na ito ay ipinakilala niya na ako. Okay lang naman saakin na ipinakikilala ako e kaso lang, kapag kasi tinatanong kung kaano ano ko si Gab ay sinasabi ni Tita na boyfriend ko ito.

"Mom," makahulugan na nakangiti si Tita Melissa bago tignan si Gab na nakatayo sa tabi namin. "You've been talking to almost everyone with her."

Tumawa si Tita Melissa bago tinaasan ng kilay ang anak. "Everyone should see how beautiful Ada is." Ngumiti saakin si Tita bago ibigay ang kamay ko sa anak nito. "We'll talk again later, hija." Ngumiti ako kay Tita. Lumapit si Tito Joseph (Daddy ni Gab) at kinuha na si Tita. Kaya naman hinila ko na si Gab para makapag usap kaming dalawa. Kailan pa ako naging girlfriend ni Gab?

Sinuntok ko ang dibdib niya ng makalabas kami sa venue. Tumawa lang ito at hinawakan ang kamay ko.

"Anong trip mo?" Kumunot ang noo nito at parang naguguluhan saakin. "Hindi mo ako girlfriend." I crossed my arms at tinaasan ito ng kilay. "I'm such a mess, Gab. The last thing you want is to date someone like me. Marami akong issues."

"Do I care?" Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. "Do you know why I wanted to help you?" Lumapit pa siya at pinagdikit ang mga noo namin. "Because I like you. I really do." I felt my heart skipped a beat lalo na ng dampian ng labi niya ang tungki ng ilong ko. Para akong mahihimatay dahil sa rebelasyong ito.

"Paano mo ako makuhang magustuha-"

"I just did, Ada." He caressed my cheek kaya napatitig ako sa mata niya.

"Hindi ako nakikipag lokohan."

"Me neither." Nananaginip ba ako? Gusto ko tuloy sampalin ang sarili ko para malaman kung totoo ito.

"Kailan pa?"

"The day I laid my eyes on you." Noong unang beses ko siyang makita ay noong umiiyak ako kay Charles ilang araw matapos kong lumipat rito. Nasa kwarto niya ako dahil hindi ko kayang mapagisa noon dahil parang mababaliw ako. Sinamahan nila ako ni Charles na magpakalasing sa mismong bar ni Gab.

"You took advantage. Dahil mahina ako at broken." Iyon naman diba? Kung gusto niya ako ay dapat dati niya pang sinabi saakin.

"For the past months, I treated you like a sister but eventually my feelings betrayed me when I got the chance to truly meet you. I liked you because you are different. You're not afraid to be who you are in front of me or anyone. I liked you because you are you." Is this real? "All your issues in the past made you the realest person I know. I like everything about you. Your face and your body are just extra."

Hindi ako agad nakapagsalita dahil hindi ata kayang iabsorb ng utak ko ang ganun karaming english. Parang gusto ng lumabas ng dugo sa mga butas ko sa katawan.

"I'll help you move forward. I'll wait."

"Ayokong maging selfish sayo, Gab." Alam ko sa sarili ko na siya parin. "Ayokong masaktan ka."

"Try me." Muli niyang pinakita ang maputi niyang ngipin. Oh my. How can this man be perfect? "Kahit naman hindi ka pumayag ay gagawin ko parin ang gusto ko. And I really like you, Ada." He kissed my forehead at ang tanging nagawa ko nalang ay pumikit. Yumakap ako at tinatanggap na lahat ng kaniyang sinabi.

Walang kasiguraduhan sa gagawin kong ito. Ni hindi ko alam kung magtatagumpay ba akong maka move on. Possibilities are endless.

Hawak kamay kami na naglibot sa kanilang bahay. 50th wedding anniversarry ng kaniyang mga magulang kaya engrande ang party. Pero dahil sa laki ng kanilang bahay ay dito nalang rin ginanap.

ADA (Ang Munting Gaga) COMPLETEDWhere stories live. Discover now