ADA XI

17.3K 65 3
                                    


"Baby, okay ka lang ba?" Nagpalipat lipat ang tingin niya sa kalsada at saakin. Piniga niya rin ang isang kamay ko na nasa hita niya. "Okay lang ba tayo?"

"Oo naman." Ngumiti ako sa kaniya bago bigyan ng halik sa pisngi.

Tumigil ang sasakyan niya sa tapat ng bahay namin at pinagbuksan ako. Papasok na sana ako sa gate ng bigla niya akong hilain at yakapin. Pagkatapos ay nilapat niya ang labi niya sa labi ko. Pumikit ako at sumabay sa halik niya. Sa halik niyang punong puno ng pagmamahal.

"Beautiful." Pinagdikit niya ang noo namin. Dumilat ako at nakita ang tingin niya saakin. "I love you, Ada. Maghihintay ako."

"Chester,"

"I'll wait. I won't rush you." Humawak siya sa dalawang pisngi ko.

Sasabihin ko rin sayo, Chester. Nagiipon lang ako ng lakas ng loob.

Pinagmasdan ko ang sasakyan niya na paliit na ng paliit dahil sa layo. Pumasok na ako ng bahay at nakita ko ang Nanay ko na busy sa kusina. Lumapit ako rito at yumakap.

"Ada? Bakit ngayon ka lang. Nandito ang Tatay mo kanina." Pinisil niya ang kamay ko na nakayakap sa kaniya. "Ada? Masama ba pakiramdam mo?" Hinarap niya ako sa kaniya at hinaplos ang mukha ko. Umiling lang ako at pinanatili ang pagyakap.

"Nay, kapag po ba may sinabi akong sikreto sa inyo hindi niyo ako ija-judge?" Pinatay ni Nanay ang kalan at tumingin saakin.

"Ada, anak kita. Bakit mo naman nasabi yan?"

Huminga ako ng malalim at ang mga luha ko ay bigla nalang tumulo.

"Nay, may mga iba pong lalake akong nakasama." Nakita ko ang gulat sa mukha ni Nanay. "May mga nangyari po saamin." Napahawak si Nanay sa kaniyang bibig. "Nay, sorry... Sorry po. Ang dumi dumi ko. Ang gaga ko. Nakakahiya ako... Sorry po."

Hindi nagsalita si Nanay bagkus pinunasan niya ang mga luha sa mukha ko. Umiiyak narin pala ito.

"Anak ako ang dapat magsorry sayo... Lumaki ka sa ganitong environment, lumaki ka na ganito ang trabaho ko. Naging anak ka ng isang pokpok at kabit. Anak, sorry." Umiiling ako habang nagsasalita siya. Kahit kailan hindi ko kinahiya ang Nanay ko. Mas higit na nagpapasalamat ako sa kaniya dahil kahit sa murang edad ay napalaki niya ako sa tulong narin ni Tatay. Hindi sila nagbalak na ipa-abort ako.

"Hindi ko sinasabing tama ang ginawa mo anak. Pero sana tandaan mo na mahal na mahal kita kahit sino ka pa. Anak kita e. Mahal na mahal kita, Ada." Yumakap ako kay Nanay.

"Mahal na mahal ko rin po kayo. Hinding hindi ko po kinahiya na kayo ang nanay ko."

Nagising ako na magaan ang pakiramdam. Ngayon na alam na ng nanay ko at tanggap niya ako, wala na akong kinakatakot. Kahit pa anong sabihin ng ibang tao, basta tanggap ako ng nanay ko, sapat na saakin iyon.

Hindi ako masusundo ni Chester ngayong araw dahil maaga ang game nila. Okay lang naman saakin iyon dahil sanay akong mag commute at isang sakay lang ng jeep ay makakarating ka na sa school.

Nasa kanto palang ako malapit sa bahay ng may tumigil na sasakyan sa tabi ko.

"Ada!" Hindi ko pinansin ang tumawag saakin bagkus naglakad ako ng mabilis. Boses palang ay alam ko na kung sino iyon. "Ada," Natigil ako sa paglalakad ng yumakap ito saakin.

"Ano ba! Bitawan mo ako." Hindi ko matanggal ang pagkakayakap niya saakin dahil sa higpit nito.

Iniharap niya ako sa kaniya at humawak siya sa braso ko ng mahigpit.

"Ano ba Agustin! Nasasaktan ako!" May halong panggigigil ang hawak niya saakin. Para siyang hayop na gusto akong kainin ng buhay.

"Hindi ka naman masasaktan kung sasama ka saakin." Nakakatakot ang mata niya at ang pananalita niya. Natatakot ako sa kaniya.

"Hindi ako sasama sayo! Bitawan mo ako!"

Ngumisi siya kaya naman natakot ako para sa buhay ko.

"Bakit? Dahil may bago ka na?! Paano kaya kapag nalaman ni Chester lahat ng pinaggagawa mo?!"

"Bitawan mo ako. Bitawan mo ako!" Tinutulak ko siya pero hindi parin natatanggal ang pagkakahawak niya saakin. Isang malakas na sampal ang nagpatigil saakin sa pagtulak sa kaniya. Hawak ko ang pisngi ko na tinignan siya. Nagawa niya akong sampalin?

"I-I'm sorry, Ada." Napalitan ng pagkaawa at lungkot ang mga mata niya. Ibang iba sa mala demonyo niyang mata kanina. "I'm sorry." Lumapit siya at niyakap ako.

Sa tanang ng buhay ko, hindi ako pinagbuhatan ng kamay ng mga magulang ko. Siya palang ang nakakasakit saakin.

Tinulak ko siya at tumakbo. Rinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi ako tumigil sa pagtakbo hanggang makarating ako sa school.

Hinanap ko agad ang cellphone ko para matawagan si Chester. Kailangan ko siyang makita. Kailangan naming magusap.

"Ada? Anong nangyari sayo?" Nakita ko si Koline. "Anong nangyari sa braso mo?"

"Kailangan kong makausap si Chester. Nasaan si Chester?"

"Umalis siya kanina. Sabi niya susunduin ka niya."



--

To be continued...





___
Nikie's Note:

Ang librong ito ay fiction, kung may pangalan, lugar o pangyayari man na mauugnay sa totoong pangalan, lugar o pangyayari ay hindi sinasadya at kathangisip lamang.

Don't do anything that the people in this book do. This book may contain mature words and actions that are not suitable for very young readers. Please be guided. 😉

Votes and comments are highly appreciated. ❤️



ADA (Ang Munting Gaga) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon