ADA XVII

13.5K 62 4
                                    

Dumating ang araw ng graduation ko, masayang masaya ako kahit na ang dami dami kong ginawang katarantaduhan dati ay eto parin ako makakagraduate. Worth it ba ang lahat ng pag giling ko at ungol? Siguro.

Hawak ko ang kamay ni Inay habang nagpoprogram. Nakikita ko naman si Itay at ang mga kapatid ko sa bleachers na panay ang picture saamin. Masayang masaya ako dahil meron sila ngayon at kahit pa man ginalit ko sila kahapon.

"MAGDAYAO, ADALEINE D." Nakangiti ako na tinanggap ang diploma. Gamit ko na ngayon ang apelyido ng Tatay ko.

Natapos ang graduation program na nakangiti parin ako. Buti nga hindi ako na lock-jaw. Inabutan ako ni Tatay ng bulaklak bago nito ako yakapin.

"Congratulations, Ada."

"Maraming salamat po, tay." Humalik ito sa tuktok ng ulo ko. Kulang ang pasasalamat ko na ito sa dami ng naitulong saakin ni Tatay. Hindi naman ako makakapagtapos ng pagaaral kung hindi dahil sa kaniya.

Nilingon ko ang Nanay ko na kanina pa umiiyak. Simula ata nung natawag ako para kumuha ng diploma ay umiiyak na siya. Niyakap ko ito at paulit ulit na nagpapasalamat. Para naman sa kaniya itong pagaaral ko na ito e. Kahit pa man boplaks ako ay nakayanan ko kasi para ito sa nanay ko.

Kumain kami ng lunch sa magandang restaurant na pinareserve ni Tatay. Hindi na kasi ako humingi ng grandeng selebrasyon dahil pupunta naman ako sa mga kaibigan ko. May party sa resort nila Koline at invited ang lahat kaya paniguradong magiging masaya iyon. At last na party ko na ito dito sa pilipinas dahil itatapon na ako sa ibang bansa.

"Congratulations, Sis!" Ngumiti ako kay Brianna at tinanggap ang regalo. Paperbag palang ay mukhang mamahalin na ang laman.

"Hindi ka na sana nagabala. Pero salamat, Sis." Yumakap ako sa kaniya. Nagpapasalamat rin ako dahil tanggap kami ng mga anak ni Tatay. Matagal ko ng alam na meron akong half siblings dahil malamang anak naman ako sa labas. Pero ang hindi ko alam ay matagal na palang wala ang asawa ni Tatay. Kaya nung nakilala kami nila Bri at Charles ay malugod nila kaming tinanggap. Kaya nagkaroon ako ng instant ate at kuya. Mas matanda si Brianna saakin ng 15 years tapos si Charles naman ay 6 years. Laking america kasi ang mga ito at paminsan minsan umuuwi para bisitahin si Tatay. At huwag kayo, magaling silang mag tagalog.

"Congrats, Ada." Ginulo ni Charles ang buhok ko kaya inirapan ko ito. Iniabot niya rin ang isang maliit na paperbag na may mamahaling tatak.

"Thank you, Charles." Yumakap rin ako rito. Syempre laking america sila kaya yung mga regalo nila saakin ay mamahalin. Pero hindi ako nahihiya sa kanila dahil kahit noong bata pa ako ay hindi nila pinaramdam na iba ako.

"Ada, which one?" Tinignan ko ang hawak ni Brianna na hanger na may dress at tinuro ang mas natitipuhan. Pagkatapos ng lunch namin ay nag-aya si Brianna mag shopping. Pumayag naman si Tatay at credit card pa niya ang gamit namin. Kasama rin namin si Charles pero pumunta ata sa ibang stores dahil matagal kami mamili.

"Omg! Bagay sayo ito." Nakailang sabi na si Brianna saakin niyan. Puno ko narin ang hawak na shopping bag. "Magkikita ba kayo mamaya ng Ex mo?"

"Hindi ko alam. Baka." Kung invited ang lahat ay panigurado nandun din siya dahil naging kaibigan din siya ni Koline.

Tinignan ako ni Bri at ngumisi. Jusko sa ngisi palang nito ay alam ko na kung anong nasa isip niya.

"You should totally get the red one." Sinulyapan ko ang tinuturo niya at nasigurado ko na tama ang iniisip ko. Two piece iyon at tube top na may mga cut outs na sigurado ako na kapag sinuot ko ay makikitaan ako ng cleavage.

___

"Call us if something bad happens." Tumango ako kay Tatay bago bumaba ng sasakyan. Silang lahat ang naghatid saakin at kanina pa pinauulit ulit na tawagan ko sila kapag may masamang nangyari.

"Bye, Sis!" Ngumiti ako kay Brianna. Tuwang tuwa ito dahil napapayag niya akong suotin ang bago naming bili na bikini. Buti nalang rin at meron akong suot na cardigan at shorts kaya hindi ako nasita ni Tatay.

"Adaaa!!!" Lumapit ako at yumakap kay Koline. Parang ang tagal naming hindi nagkita e.

Pumasok na kami sa resort nila at nagkalat na agad ang mga tao.

"Ang daming tao."

"Oo. Invited kasi ang lahat. At reserved ko itong buong resort namin. Punta muna tayo sa room nandon si Sofia." Tumango ako kay Koline at sumunod nalang sa kaniya.

Naabutan namin si Sofia at Ralph na naghahalikan pagkabukas na pagkabukas namin ng pinto. Sabay pa kami ni Koline na binato sila ng sandals na suot namin.

Humahagikgik si Sofia ng maglayo sila ni Ralph. Nagpaalam naman muna si Ralph na lalabas. Nakangiti si Sofia saamin at inakbayan kami ni Koline.

"Ang tagal niyo kasi. Pero kung mas mabagal pa kayo ay hindi lang siguro iyon ang nakita niyo." Umiiling nalang ako na umupo sa kama. Puro talaga kalokohan itong babaeng ito.

"May kailangan nga pala akong sabihin." Agad naman silang lumapit dahil seryoso ang boses ko.

"May kailangan rin kaming sabihin sayo, Ada." Tumabi rin sila saakin. Seryoso rin silang dalawa at bigla tuloy akong kinabahan.

"Si Ella? Hindi siya girlfriend ni Chester."

"Ha? E iyon ang sinabi niya saakin."

"Hindi." Tumayo si Sofia at nakakuyom ang mga palad na naglalakad sa harap namin ni Koline. "Unfortunately, totoo iyong video na kumalat  sa fb. Muntik pang hindi makagraduate si Chester dahil doon. Si Ella ang may pakana ng lahat ng ito."

"Sino ba itong Ella na ito?"

"Nakilala ni Chester sa bar." Koline. "Kung hindi naman kasi siya nagbar ay hindi naman sana aabot sa ganito ang lahat."

"Wala sa tamang isip si Chester kaya niya nagawa ang mga nagawa niya sayo, Ada. At pinagsisisihan niya na yun. Ilang beses siyang pumunta saamin noon dahil wala ka sa bahay niyo. Ilang beses siyang nagmakaawa na ilabas ka na namin. Sorry siya ng sorry sa lahat ng nagawa niya sayo." Sofia.

Naguguluhan na ako. Pero nakagawa na ako ng desisyon ko. Kailangan ko bang sabihin sa kanila ito?

Kinulong ako ng mga kaibigan ko sa yakap nila. Ni hindi man lang ako umiyak sa paguusap namin. Ngayon at nalaman ko na ang lahat pero bakit wala na akong maramdaman? Wala na akong maramdamang galit o pagmamahal man lang. Dapat ngayon handa ko na siyang tanggapin. Dapat ipagpatuloy na namin yung relasyon namin na nasira. Ang dami ng nangyari kaya hindi ko na alam. Siguro nga kailangan ko ng pumunta ng ibang bansa para sa fresh start. Malayo sa lahat at malayo sa kaniya.


___

Nikie's Note :

Ang librong ito ay fiction, kung may pangalan, lugar o pangyayari man na mauugnay sa totoong pangalan, lugar o pangyayari ay hindi sinasadya at kathangisip lamang.

Don't do anything that the people in this book do. This book may contain mature words and actions that are not suitable for very young readers. Please be guided. 😉


ADA (Ang Munting Gaga) COMPLETEDWhere stories live. Discover now