ADA VII

28.9K 112 0
                                    


"Nay, si Chester po. Boyfriend ko. Chester, si Nanay." Halata sa mukha ng Nanay ko ang gulat. Oo ako rin Nay, huwag ka magalala. Kagabi lang nangyari ang lahat.

"Hello po. Chester Medina po." Full blast na ngiti ang binigay ni Chester. Wala sa mukha niya ang mukha ng kinakabahan. Tignan lang natin kapag nakilala mo ang Tatay ko.

"Hello, Hijo. Salamat at pumunta ka dito. Salamat sa pagmahal mo sa anak ko." Nakarecover sa shock si Nanay.

"Hindi naman po mahirap mahalin si Ada, Nay." Nanlaki ang mata ko sa narinig. Tinawag niyang Nay ang Nanay ko? Aba. "Kahit po mabilis siyang topakin at sobrang unpredictable. Madali naman pong mapamahal ang mga tao sa kaniya." Talaga lang ha? O baka naman madali mo kasi akong nakuha?

Bumukas ang pinto at pumasok ang Tatay ko. Hays. Bahala na si Chester.

"Tay." Nagmano ako dito. Sabado ngayon at gusto kasi akong ilabas ni Chester kaya siya nandito. If I know, gusto niya lang talagang makilala ang Nanay at Tatay ko.

"Sino to?" Napangiti ako. Politiko ang Tatay ko kaya hindi siya agad nagpapatalo. Lagot ka ngayon, Chester.

"Chester Medina po. Boyfriend ni Ada."

"Ganun ba, sige. Basta huwag niyong pababayaan ang pagaaral niyo." Literal na nahulog ang bibig ko. Yun na yun?

"Tay? Hindi niyo manlang siya hahabulin ng itak? O kaya ng baril? Bat kayo pumayag agad?" Natawa ang Nanay ko sa nasabi ko. Diba ganun sa mga movies?

"Hindi pa naman kayo magpapakasal diba?" Natawa na ng tuluyan si Nanay.

"Haynako. Kayong mag ama. Puro kayo kalokohan." Tinignan niya ulit kami ni Chester. "Basta pagaaral ha, Chester. Huwag mo munang ibabahay ang anak ko. Bata pa kayo." Ako naman ang natawa. Kung alam niyo lang.

"Opo Nay, Tay. Ako po ang bahala kay Ada." Tumango lang si Tatay at nakangiti naman si Nanay. Haysss. Parang pinamigay nalang nila ako agad ha.

"Bakit ganyan ang mukha mo?" Nandito na kami sa kotse niya. Papunta na kaming mall dahil gusto niya daw manuod ng sine.

"Bakit ganun? Hindi ganun na eksena ang nasa isip ko e." Tumawa si Chester na mas nagpainis saakin. "Dapat hinabol ka niya ng itak e. O kaya binalaan."

"So gusto mo talaga akong nahihirapan?"

"Oo no! Ang bilis mo na nga akong napa oo e." Inirapan ko pa siya. Ang gago tinawanan lang ulit ako.

"Huwag ka ng magalit. Nawawala ang ganda mo, baby ko." Hinawakan niya nalang ang kamay ko habang nagmamaneho siya.

Baby ko? Hmm...

Nakarating kami sa mall. Magkaholding hands kaming naglalakad.

"Baby, tama na yang ganyang face." Hinarap niya ako sa kanya at ngumiti. Nakakahawa ang ngiti ng taong ito. Napakabait kasi na tao kaya gugustuhin mo nalang din na ngumiti siya.

"Huwag ka nga ngiti ng ngiti."

"Pati pag ngiti ko, ikinakagalit mo na?"

"Ako lang ang dapat makakita niyan e."

"Ang possesive ng baby ko." Humalik siya sa noo ko bago ako akbayan. Napangiti nalang ako. I'll treasure this moment. Basta masaya kami.

Pinili niya ang isang romantic movie. Bumili rin kami ng popcorn at drinks. Puro couples ang nasa loob ng sinehan. Nakakatuwa naman yung ganito.

Nakaakbay lang siya saakin buong oras nung movie. Nagtataka nga ako kung hindi sumakit ang kamay niya e.

"You wanna eat?" Tapos na yung movie.

ADA (Ang Munting Gaga) COMPLETEDUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum