ADA IX

20.6K 74 3
                                    


Ilang araw rin ang nakalipas matapos naming magbati ni Chester. Okay naman kami. Nagaaway pero magbabati rin. Gets ko na iyon dahil ganun naman talaga kapag nasa isang relasyon.

"Baby, for your face." Iniabot niya ang isang pamunas para saakin. Katatapos lang ng last cheering practice namin. Irarampa na kasi namin ito mamayang gabi hudyat na magsisimula na ang foundation week. Foundation meaning school week, hindi iyong inilalagay sa mukha ha. Haha

"Nakakapagod. Lunch?" Tumango ako. Pagod na pagod ako kakasayaw kaya parang nawala ako sa mood magsalita. Para rin akong nahihilo sa dami ng ikot na ginawa namin sa ere. Napapaisip nga ako kung bakit ako napasali dito e. Tsk tsk.

Nagshower at nagayos muna kaming tatlo. Naghihintay naman saamin si Chester sa labas na kakatapos lang rin ang practice sa basketball. Tactic niya lang pala dati na pasalalihin ako sa cheering dahil varsity siya sa basketball. Malay ko bang varsity siya? Hindi ko naman kasi napapansin dati dahil hindi naman ako nagpupunta dito sa school.

Naglunch nalang kami sa pinakamalapit na restaurant. Punuan rin kasi sa cafeteria ngayon. Madaming chaka.

"You okay? Kanina ka pa walang imik." Hinawakan ni Chester ang kamay ko sa ilalim ng lamesa.

"Pagod lang talaga ako." Hinawakan niya yung mukha ko at binigyan ako ng halik sa labi. Napangiti naman ako agad.

"Wow ha! Fifth wheel na fifth wheel ako." Koline. Kasama rin kasi namin si Ralph e at naglalampungan rin silang dalawa ni Sofia.

"Bakit kasi ayaw mong tawagan? Hinihintay lang nun na tawagan mo siya." Hinawakan ko ang kamay ni Chester na nakaakbay na saakin ngayon.

"Ada naman e."

"Ano? Tama naman ako e. Diba, Sofia?" Tumango naman si Sofia at binigyan namin si Koline ng malaking ngiti. Ito na siguro ang pinakamalaking pagbabago ngayon, mayroon ng lalakeng nagbalak na ligawan ang kaibigan kong tomboyan. Hindi niya gusto yung idea na meron siyang manliligaw kaya lagi niyang inaaway.

Kumain na kami ng dumating ang mga orders namin pero patuloy parin ang usapan tungkol sa manliligaw ni Koline.

Ramdam ko na ang kaba at nerbyos noong tapos na akong ayusan at magbihis. Ngingiti ngiti lang saakin si Chester dahil nakikita niyang kabado na ako. Nakakatakot naman kasi talagang magkamali e.

Hawak ko ang kamay ni Chester noong nagsisimula na ang program para sa opening ng foundation week. Nakaayos na ang buhok namin at nakasuot narin saakin ang costume na si Chester mismo ang nagbayad.

"Baby, nanginginig kamay mo." Tinignan ko lang siya. Kinakabahan kasi ako e. "You'll do well, baby. Huwag ka ng kabahan." Hinalikan niya ang kamay ko na hawak niya. Medyo kumalma naman ako. Inakbayan niya pa ako at mas nilapit ang katawan ko sa kaniya.

"Go Ada!" Binigyan ko si Chester ng flying kiss bago dumaretsyo sa gitna ng field.

Natapos ang cheering namin na successful. Thanks God hindi ako nahulog o nagkamali man lang.

Nagbihis agad kaming tatlo kasi susunod na ang games. Isa na doon ang basketball game.

"Good luck, baby!" Sigaw ko sabay yakap kay Chester na naka jersey na. Kakatapos lang ng warm up nila at magsisimula na ang laban.

"Every shoot equivalents to a kiss?" Ngumisi ako bago tumango. Kahit hindi naman niya sabihin e.

Nagsimula narin naman ang laban kaya hindi na kami naglandiang dalawa. Everytime na nakakashoot siya, mapa 2 points or 3 points man, lilingon siya saakin at magfflying kiss.

Omg! Hindi ko na alam kung gaano na kapula yung mukha ko. Kilig na kilig ako sa ginagawa niya ngayon.

"Congrats, baby!" Tumalon ako at yumakap sa kaniya. Wala na akong pake kung pinagtitinginan na kami. Maghanap sila ng jowa nila na magaling magshoot! Okay. Double meaning yata iyon a.

"Thanks, baby ko." Hindi pa sana kami magbibitaw sa yakap pero nakarinig na kami ng ubo sa likod namin. Kulang nalang kurutin na ako ni Koline kasi sobrang harot ko daw.

Hawak kamay kami na naglibot sa magulong fair sa gilid ng field. Madami kasing stalls ng pagkain at mga gamit na binebenta.

Ilang taon rin ako nakapag aral sa eskwela na ito pero ngayon lang ako talaga nagenjoy. Hindi naman kasi ako nagpupunta sa mga ganitong event dahil mas ginusto kong nasa kama ng ibang lalake. Gaga e.

Past 9 na ng makarating kami sa bahay. Busy ako nung mga nakaraang araw kaya hindi ako nakakauwi kay Nanay. Alam naman nila iyon dalawa ni Tatay.

"Sige na. Uwi na. Alam kong pagod ka rin." Humalik ako sa labi ni Chester. Para siyang nalugi ng sabihin kong sa bahay ako uuwi. Lagi naman kasi kaming nagbabahay bahayan sa condo niya e. Nasanay na.

"I love you, Ada." Ngumiti ako bago siya bigyan ng mabilis na halik. Lumabas na ako sa sasakyan niya at tumakbo papasok ng bahay.

Hindi pa ako ganon kasigurado sa damdamin ko para kay Chester. Ang alam ko lang ay sobrang binigyan niya ako ng importansya. Sa kaniya ko lang naramdaman yung ganito kadaming emosyon.

Marami akong nagawang kalokohan kaya natatakot ako na masaktan. Ang gaga ko talaga.


---

Nikie Note:

Advance Merry Christmas and Happy New Year, Adalenians!

Sorry for the short update. Atleast meron diba? Hehe.

Don't forget to vote and leave your comments. Don't hesitate to read my other works. 😉

Ang librong ito ay fiction, kung may pangalan, lugar o pangyayari man na mauugnay sa totoong pangalan, lugar o pangyayari ay hindi sinasadya at kathangisip lamang.

Don't do anything that the people in this book do. This book may contain mature words and actions that are not suitable for very young readers. Please be guided. 😉



ADA (Ang Munting Gaga) COMPLETEDWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu