Prologue

30.2K 689 11
                                    

"Could you please leave me alone!" I shouted at the girl I really hated the most.

"No, I won't leave you alone. Malay ko baka may makaagaw pa sa iyo. Hindi ako makakapayag. And beside ipinagkasundo na tayo ng parents mo at parents ko, whether you like it or not." sabi nito sabay hawak sa braso ko at hinigpitan nito ang pagkakahawak. Tiningnan ko siya ng masama.

Nagsalubong ang kilay ko sa narinig ko sa babaeng desperada.

"How many times I have told you I am not going to marry you. You are not my type!" singhal ko sa kanya. Isang beses ko ng sinabi sa kanya wala akong balak na maging boyfriend niya. Pero tila ba balewala lang sa kanya ang sinabi ko, kahit naiinis na ako.

"Oo na hindi ako sexy kagaya ng ibang babaeng nagkakandarapa sa iyo. Pero I am beautiful naman. Tsaka malaman lang ako pero may curves naman." nakangusong sabi nito. Yes she is beautiful but she isn't my type. Napa tsked ako.

Napatingin ako sa dumaang lalaki na may kasamang babae. Napatingin ako sa babae at biglang humarang sa harapan ko si Alonah.

"Hey, get out there!" itinulak ko siya para umalis siya sa harapan ko. Pagkatingin ko sa tinitingnan ko wala na nakalayo na sila.

Sinamaan ko ng tingin si Alonah. Parang wala lang sa kanya kahit napaupo na ito dahil sa pagkakatulak ko. Tumayo ito at pinagpag ang palda nitong nadumihan.

"Mas guwapo ka pa nga doon sa kasama ng babae. Mukha iyong palaka. Pero mukhang mahal na mahal ng girl iyong guy. Huwag ka ng umasa kasi!" napameywang pa ito habang nagsasalita. Tinaasan ko ito ng kilay. Hindi ko naman gusto iyong babae kung iyon iniisip niya. Dahil pamilyar sa akin ang babae.

"Bakit hindi ka ba ganoon? Pinipilit mo ang sarili mo sa akin kahit ayoko naman sa iyo?" sarkastiko na sabi ko. Nakita kong natigilan siya at may dumaan sakit sa kanyang mukha.

"And so? I don't care! Sabi nga sa kasabihan patience is a virtue!" sabi nito. Napamake face ako sa sinabi nito.

Tumayo na ako para iwanan na siya. Nakakabanas lang siyang tingnan.

"Mame! Hindi niyo kailangan pangunahan ako." naiinis ako dahil ipinagkasundo kami ng magulang ni Alonah at ako.

"Anak mabait na bata naman si Alonah. Tsaka kilala natin ang pamilya nila wala naman masama kung itry mong kilalanin siya" sabi ni Mame.

"Please, Mame, do not meddle to my own life. I can find a girl for me hindi ang babaeng gusto niyo para sa akin." sabi ko. Napailing-iling lang sa akin si Mame.

"I want to go to America gusto ko doon mag-aral ng college Mame" sabi ko. Talagang plano ko na doon mag-aral para maiwasan ko na ang babaeng linta dikit ng dikit sa akin. Kulang na lang ipasok niya sa katawan ko ang sarili nito.

"Akala ko sa UP ka mag aaral?" tanong ni Mame sa akin. Iyon naman ang plano ko noong una pero dahil sa babaeng linta na tinubuan ng ulo. Nagbago ang isip ko. Mas lalo lang niya ako guguluhin kapag dito ako nag-aral.

Siyempre kailangan ko magdahilan ng bonggang bongga.

"Mas maganda ang education Mame sa US. Para maihanda ko ang sarili ko sa pagpasa niyo sa akin ng business ni Dade" sabi ko. Makalusot sana ang dahilan ko. Nagcross finger ako.

"Okay, kung iyan ang decision mo. I think you have decided na." yumakap sa akin si, Mame. Napa yes ako sa isipan ko.

NAKITA kong umiiyak si Alonah palapit ito sa kinauupuan ko. Halos mabangga na niya ang classmate namin dahil sa lapad ng balakang niya.

" Stefano nabalitaan ko sa Mame mo na plano mong mag-aral sa US. Huwag mo nang ituloy, dito ka na lang kasi. Promise ko hindi na kita kukulitin sa pagpapakasal sa akin." napataas ako ng kilay sa sinabi niya. Wala naman siyang isang salita. Ilang beses na siyang nangako pero hindi naman tinutupad.

Napatango lang ako. Tumingin ito sa akin na parang gusto niya akong yakapin. Pero hindi nito ginawa.

"Final na ba ang decision mo?" tanong niya sa akin. Nagpahid ito ng luha sa mga mata.

"Yes, it's final. Alonah I want you to know you're a wonderful woman. Makakahanap ka rin ng right guy para sa iyo. Mas priority ko ang pag -aaral at ang magiging career ko. Alam mo naman ako ang hahawak sa company nila Dade. I hope you understand" Sabi ko. Hindi na ito nagsalita pa. Tinalikuran na niya ako at hindi na nilingon pa.

Napabuntong hininga ako habang tinatanaw ko siyang papalayo na.

Copyright©2018
All Rights Reserves
By coalchamber13

BARAKO SERIES: #2  Seduce Me  (Stefano Dela Costa Story) COMPLETEDWhere stories live. Discover now