Chapter 14

16.5K 533 37
                                    

Wala akong ganang magwork ngayon dahil wala si Alonah. Nagpaalam itong magleave ng two weeks dahil namatay ang Uncle niya na nasa US.

Kaya kahit nabubuwisit ako sa kakulitan nakakamiss din pala. Walang maingay walang sumasalakay, walang sawa, walang Alonah.

Napahinga ako ng malalim.

Kinuha ko ang mga papeles at pinagkaabalahang ireview ang mga proposal kahit wala talaga akong gana. Wala kasi ang vitamin ko..

Si Alonah.

Dumalaw ang bestfriend kong si Felicity. Fresh na fresh ang aura niya. Nadiligan na kasi at may anak na.

" Oh, wala kang secretary?" Tanong sa akin ni Felicity. Buhat nito ang 6 months na anak nila ni Kuya Kael si, Lorenzo.

" Nasa US ang babaita umattend ng funeral ng Uncle niya. Ano ang nagtaboy sa iyo at dinalaw mo ako? Baka magwala na naman yang asawa mo dahil wala ka sa bahay." Ayaw na ayaw niya kasing lumalabas itong isa na hindi niya alam. Ito naman basta na lang lumalabas na wala man lang paalam. Minsan na lang kaming nagkikita ng bestfriend ko kay namiss ko siya.

" Hayaan mo yun! Nabuburyong na ako sa bahay! My god gusto ko naman mamasyal! Feeling ko ang losyang losyang ko na!" Napatirik ako ng mata. Akala mo naman ang dami na niyang anak kung makalosyang naman ito.

"Mahal ka lang nun kaya nag-aalala. Alam mo naman may balat ka sa pekpek nakadikit na sa iyo ang kamalasan." Wika ko. Inirapan niya ako.

"Buti wala ang exaggerated dito. Kaya pala walang humarang sa akin sa pinto pa lang." Natatawang sabi nito.

Napatingin ako kay Lorenzo na nakatingin sa akin. Naglalaway ang bata tinuturo niya ako. Napatirik ako ng mata gusto pa yata magpabuhat sa akin.

" Oh, buhatin mo daw siya." Binigay ni City ang anak sa akin. Napangiwi ako habang kinuha ko ang baby.

" Dadda.. Dadda.. " Sinubo niya sa bibig ang daliri tapos inilapit niya sa bibig ko. Nanlaki ang mata kong nakatingin sa daliri na may laway ng baby.

Tawa ng tawa si City sa ginagawa ng anak. Siraulo talaga.

" Baby that's dirty. "Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang kamay nitong may laway. Bigla itong lumabi na parang iiyak.

Hala ka.

Ginawa ko sinubo ko ang daliri ko sa bibig at pinakita kay Enzo. Ang bata biglang napahagikgik. Mukha akong ewan sa ginawa ko.

Eww...

" 'Yan ang kadiri anak." Sabi ni City sa akin.

" Kunin mo na nga itong anak mo. Manang mana talaga sa iyo ang hilig mang-bully" Reklamo ko.

Tatawa tawa si City habang kinuha niya sa akin si Enzo. Si Enzo kumapit sa leeg ko at iniiling iling ang ulo.

" Naku patay ka diyan bakla ayaw ng umalis sa iyo" Napatitig ako sa anak ni City.

Natawa ako nang nagbeautiful eyes sa akin. Hinalikan ko ang pisngi niya. He's so cute kamukha kamukha ni Kuya Kael. Pero kaugali ni City. Ako kaya kailan magkakaroon ng pamilya at anak?

Ilang linggo na ako dito sa US. Sinamahan ko muna si Mommy last week pa sana ako nakauwi.

" Mommy sasamahan muna kita dito sa US." Naawa kasi ako kay Mommy magmula ng mamatay si Uncle Sam laging umiiyak si Mommy. Hindi kasi sila nagkita ni Uncle ng matagal na panahon. Hindi namin alam na nasa stage 4 na pala ang colon cancer nito.

Sana daw pala noon pa kami nagpunta ng US para nakasama niya ang nakakabata nitong kapatid.

" Okay lang ako anak. Nandito naman sila Tita mo. Gusto ko muna silang makasama ng ilang buwan. Ikaw kailangan ka sa trabaho mo. Ikaw na lamang ang maunang umuwi." Inakbayan ko si Mommy.

BARAKO SERIES: #2  Seduce Me  (Stefano Dela Costa Story) COMPLETEDWhere stories live. Discover now