Chapter 10

17K 501 22
                                    

Naninibago ako sa pakikitungo ni Alonah sa akin. Alam kong mali ang ginawa ko last time. Masyado lang akong lasing that time kaya hindi ko na alam ang sinasabi ko.

Hindi ako kinikibo ni Alonah kaya para tuloy kaming estranghero sa isa't isa. Hindi ako sanay na ganito kami. Napabuntong hininga ako. Parang kulang ang araw ko na hindi siya kumakandong sa akin. O di kaya naman lumilingkis sa beywang ko. Ano bang nangyayari sa akin. Hindi ba ito naman ang gusto ko layuan ako ni Alonah? Bakit parang nag-iinarte ako? Lumapit sa table niay para magpapansin. Nakatuon ang pansin nito sa harapan ng computer.

" Alonah can you make me a coffee?" Utos ko kahit nagkape na ako kanina. Mema lang ganern.

Napaangat ito ng tingin pero saglit lang ang pagsulyap niya sa akin. Tumayo ito at pumunta sa may pantry.

Pumasok na ako sa loob at bumalik muli sa table ko. Napasandal ako sa sqivel chair ko. Pumasok na sa loob ng office ko si Alonah dala ang kape na pinatimpla ko. Pagkatapos niyang ilapag ang kape tumalikod na ito kaagad.

Marahas akong napabuga ng hangin. Ganoon na ba kasama ang ginawa ko sa kanya at ganito ang pagtrato niya sa akin. Parang kasing lamig ng yelo. Tumunog ang phone. Tumatawag si Felicity. Napabuntong hininga muna ako bago ko sinagot. Baka nag-awat na naman ang dalawang ito.

" Hello baks bakit napatawag ka?" Tanong ko sa kabilang linya. Uminom muna akonng kape para mahimasmasan sa sasabihin nitong babaitang ito. Uunahan ko lang.

" Ikakasal na ako bukas. Umattend ka huh?" Parang gusto kong ibuga ang kapeng mainit na iniinom ko.

" What?! Kailan lang humingi ka ng vacation tapos ngayon ikakasal ka na?! Kaagad agad parang kailan lang sinusuka mo na si Kuya Kael ah." Hindi makapaniwalang wika ko. Uminom ulit ako ng kape. Sumakit bigla ang ulo ko sa sinabi niyang balita.

" Ewan ko diyan sa pinsan mong malibog. Tsaka hindi naman kami ang nagplano ng kasal. Si Tita nabigla na lang kami kasal na namin bukas. Kagagaling ko lang kaya doon tapos inanounce niya na kasal na namin, bukas talaga. Grabe si Tita nakaplano na kahit hindi pa niya alam kung sino papakasalan ni Mikael." Naiimagine ko ang kaibigan kong nakanguso habang kumakain ng mansanas. Naririnig ko ang tunog ng pagkagat niya sa mansanas

" Gravity naman si Tita. Sige kailangan ko na palang umalis. Bibili ako ng isusuot ko bukas." Inendcall ko na ang tawag kahit nagsasalita pa si Felicity.

Tumayo ako para puntahan ang babaeng sawa. May dahilan na ako para mawala na ang tampo niya sa akin.

Nang makalabas ako nakita kong seryoso ang mukha ni Alonah na nagtitipa habang gumagalaw ang nguso nito na parang may binubulong. Baliw lang kinakausap ang sarili?

" Alonah come with me!" Napatigil ito sa ginagawa. Tiningnan niya ako na para bang wala akong kakuwenta kuwentang bakla sa paningin niya. Tinaasan ko siya ng kilay.

" Are you coming with me or not?!" Naiirita na sabi ko. Sabunutan ko bulbol nito eh. Ang daming arte.

Nagdadabog itong inayos ang mga folder sa harap ko tsaka kinuha padaskol ang handbag niyang sobrang liit. My god kahit yata ang kamay ko hindi kasya doon? Nagbag pa siya kung ballpen lang mailalaman?

Tiningnan ko siya ng nagdadabog ka look? Inirapan lang niya ako.

" We're going to buy our clothes" Wika ko na ikinabigla ko. Dapat my ang sasabihin ko. Pero hindi ko na lamang kinorek.

" Bakit ano ba ang occassionat bakit kasama pa ako? Hindi ba galit galit tayo ngayon?" Napatirik ako ng mata. Parang gusto kong itapon sa taas ng building ang babaeng ito. Ako na nga itong sumusuyo sa kanya nagpapakipot pa ha?

BARAKO SERIES: #2  Seduce Me  (Stefano Dela Costa Story) COMPLETEDWhere stories live. Discover now