Chapter 20

18.5K 528 24
                                    

Nagising ako wala na sa tabi ko si sweety pie ko. Nagpasya na akong bumangon dahil may pasok pa ako.

Hindi na ako nag-abalang maghilamos at magsuklay ng buhok. Napahikab ako habang naglalakad papuntang kusina.

" Oh, anak halika ka na kumain ka na. Nagluto si Stefano kanina ng agahan mo" sabi ni Mommy sa akin. Napangiti ako ang sweet naman ni sweety pie.

Gaganahan akong kumain ngayon dahil luto ito ng mahal ko. Tapsilog ang niluto niya ang paborito ko. Umupo na ako para lumapang na ang lola niyo.

Papasok na ako ng building ng salubungin ako ni Marco ang co-worker ko na isa din architect.

" Good morning beautiful" Bati nito sa akin. Napangiti lang ako ng tipid sa sinabi niya. 

" Good morning din" Sumabay na si Marco papasok ng elevator.

" Puwede ba kitang e-invite mamaya sa dinner?" Tanong nito sa akin. Napatingin ako sa kanya. Guwapo naman ito at may maipagmamalaki kaso may pagkahambog ang lalaking ito.

" Sure." Pumayag na ako dahil makakalibre ang lola niyo sa kainan.

" Okay see you later" Paalam nito nang lumabas na dahil nasa floor na siya ng department niya.

" Ms. Alonah saan ang punta niyo ni Marco?" Tanong sa akin ng isa kong co worker na si Mila ng papaalis na ako. 

" He invited me to have dinner with him sa Malate Restaurant. Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ko sa kaniya. Umiling si Mila.

" Mag-overtime ako may tatapusin kasi akong plano" Wika nito. Buti ako natapos ko na ang kailangan na lang approval ni boss.

" Sige I have to go na baka nasa labas na si Marco." Paalam ko.

" Okay ingat ka" Napatango ako.

Lumabas na ako ng building. Doon na lang kami magkikita sa parking lot. Pagkarating ko sa parking lot nakita ko si Marco na nakatayo sa tapat ng kotse nito.

" Let's go na" Sabi ko nang makalapit na ako sa kanya. Napangiti siya ng malapad sa akin.

" Wow ang daming food ng inorder mo." Paghanga na wika ko. Ang dami niya kasing inorder at mga favorite ko pang pagkain.

" It's all yours sweety. Masarap ang food nila dito. Madalas ako dito kaya I assure you na magugustuhan mo lahat iyan." Napatingin ako kay Marco. He looks creepy para kasing mayroong ibig sabihin ang tingin niya sa akin.

Binalewala ko na lang baka nagugutom lang ako kung ano ano ang naiisip ko. Nagsimula na akong kumain dahil natatakam na ako sa mga nakahaing pagkain sa harapan ko.

" Try this drink sweety masarap ang wine nila dito." Binigay niya sa akin ang kopita ng red wine. Kinuha ko ito at ininom.

"Masarap nga." Wika ko isa pang lagok ang ginawa ko.Pinagpatuloy ko ulit ang pagkain.

Binigyan niya pa ako ng isa pang shot ng wine. Mga ilang minuto ang nakalipas nakaramdam ako ng kakaiba sa sarili ko.

" Are you alright Alonah?" Tanong niya sa akin ni Marco. Bigla akong nag-init. Para akong sinisilaban na hindi ko mawaei. Parang may gustong kumawala sa loob ko.

" Excuse me pupunta lang ako ng CR." Paalam ko.

Nang makapasok ako ng C.R. Naghilamos ako ng mukha. Para akong sinisilaban gusto kong maghubad. Shit! Ano ba itong nararamdaman ko? Ano ba ang nakain ko bakit bigla ko na lamang naramdaman ito?

Pumunta ako sa office nila Alonah para sunduin siya. I keep calling her number pero hindi niya sinasagot.

" Ah, Miss nandiyan pa ba si Ms. Alonah Madrigal?" Tanong ko sa babaeng palabas na ng building.

BARAKO SERIES: #2  Seduce Me  (Stefano Dela Costa Story) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon