Chapter 4

18.6K 501 17
                                    

Nagulat ako ng may babaeng pumasok sa opisina ko. Isang sexy at maganda. Dire diretso itong nagpunta sa kinauupuan ko at bigla niya akong kinabig upang halikan. Although smack lang iyon pero tangina napatulala ako.

" How I missed kissing you sweetie pie ko" Nanlalaki ang mata kong napatitig sa babaeng nagnakaw ng halik sa labi ko. Parang pamilyar ang salitang sweetie pie.

" Sino ka?!" I managed to ask her. Kasi para akong nawindang sa paghalik nito. Nangunot ang noo nito sa tanong ko.

" You don't remember me? Pumayat lang ako hindi mo na ako maalala? Ano ka nagka amnesia?" Lumapit ito sa akin at kumandong. " Look at me in my eyes" Sabi nito in a seductive way. Napalayo ako kasi sobrang lapit nito sa mukha ko. Hinawakan ko ang braso nito para patigilin sa paglapit sa akin.

" Get off me!" Diyos ko ano na naman ba ito? Kamag-anak kaya ito ng mga amazona na humalay sa akin?

Tumayo ako kaya napalayo ako sa kanya. Umupo ito sa swivel chair ko at itinaas ang paa nito sa lamesa ko. Kaya napaangat ang skirt nito. Nakita ko tuloy ang makikinis nitong hita at ang panty nito na kulay itim.

" Hindi ako aalis dito. I want to work here with you." Sabi nito. Tumingin ito na may pagnanasa sa mga mata ng babae. Ewan ko para akong nag-init sa the way ng pagtitig nito sa akin. " Palayasin mo na ang Secretary mong boring ako ang magiging kapalit niya." Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya.

" What?! Sino ka para utusan mo ako na alisin ang Secretary ko?You are crazy! Hindi kita kilala at bakit naman kita kukuning Secretary ko?!" Nabubuwisit na sabi ko. Nakakairita talaga ang mga babaeng ito! Nakakastress ng beauty ko! Pinagsasamantalahan nila ang kahinaan ko.

" Ako ito si Alonah your childhood sweetheart. Iyong mataba pero maganda naman ang face na fiancee mo dati. Remember?" Napaawang ang labi ko. Buhay pa din pala ang babaeng linta na tinubuan ng ulo.

Ibinaba nito ang paa at nagcross leg. Prenteng prente itong nakaupo sa swivel chair ko. Hindi ko magawang magsalita.  Ibang iba na siya hindi na nga siya kagaya ng dati na mataba. Mas lalo siyang gumanda bagay niya pala ang maging sexy.

" Okay kung ayaw mo akong kuhaning Secretary. I will tell to your family you are a gay" Diretsahang sabi nito. Nanlaki ang mga mata ko. Paano niyang nalaman ang lihim ko? Takot ang rumehistro sa mukha ko. Nakita kong napangisi ito sa akin.

INIS na inis ako dahil hindi na umalis ang babaeng linta. Bwisit na buhay ito!

" Hoy baks bakit iba na yata ang Sekretarya mo? Nasaan na si Belle?" Tanong ng bestfriend kong si Felicity.

Napasimangot ako ayoko sanang kuhanin ang babaeng iyon dahil grabe ang nangyayari sa isang araw ko. Lagi niya akong nirarape. Wasak na wasak na ang puri ko. Hindi na ako malinis. 

" Inilipat ko ng ibang depatment. Ayoko namang alisin sa trabaho si Belle dahil efficient siyang empleyado." Sabi ko.

" Eh, bakit mo hinire iyon sana sinabi mo na hindi hiring ang Secretary." Sabi nito.

" Alam niya ang tinatago kong lihim kaya iyon ang pinanakot niya sa akin. Siyempre natakot ang beauty ko alam mo naman wala pang nakakaalam ng lihim ko maliban sa iyo." Biglang tumawa si Felicity sa sinabi ko. Lalong sumalubong ang kilay ko.

" Sabihin mo na kasi baks kay Tita Mame hindi naman magagalit iyon. Atleast mayroon na siyang baby girl" Bumunghalit ng tawa ang walanghiya. Bigla ko itong itinulak sa inis. Kaya nahulog ito sa sofa.

" Aray! Ang sama mo bakla ka! Nadislocate yata ang balakang ko! Hindi na ako magkakaanak!" Bumalik ito sa pagkakaupo sa sofa. Napatirik ako ng mata ano naman kinalaman ng pagbubuntis sa pagkabagsak niya. Inirapan niya ako.

Hindi ko ito pinansin lumabas ako ng opisina ko. Naparoll ako ng eyes ko ng mabungaran ang Sekretarya kong ubod ng landi.

Tumayo ito at lumapit sa akin. Lumingkis na kaagad sa beywang ko. Napatingala ako dahil sa sobrang inis. Hanggang kailan ko pagtitiisan ang babaeng ito?

" Could you please get off your fucking hands on me?!" Pilit kong binaklas ang kamay nitong parang sawa nakapulupot sa beywang ko. Hindi lang siya parang linta mukha din siyang epoxy ang tibay ng kapit.

Mas lalo lang humigpit ang pagkakalingkis niya sa akin.

" No!" Ngumuso ito para gawaran ako ng halik. Inalis ko ang mukha nito gamit ang malalaki kong palad.

" Could you please stay out of me. Ang init init lingkis ka ng lingkis!" Reklamo ko naiirita na talaga ako sa babaeng ito.

" Okay pagbibigyan kita pero ngayon lang. Mamaya na lang okay. Madami pa akong gagawin eh" Nagflying kiss pa ito. Tinalikuran ko na para hindi na makalapit sa akin. Nilock ko ang pinto ko.

Nakakainis talaga lalaking iyon. Ginawa ko na't lahat ang pagseseduce wala pa ding effect. Buwisit. Ang sexy ko na kaya. Ginawa ko ang pagbabago sa katawan para sa kanya. Para makuha ang pagmamahal niya na minimithi ko noon pa.

I do not care sa nalaman kong lihim niya. Hindi nagbago ang pagtingin ko sa kanya. I still love him and want him more. Pumasok na ako sa bahay. Nasalubong ko ang Mommy ko.

" Hi Mom!" Humalik ako sa pisngi nito.

" Kumain ka na hindi na kita hinintay nagutom na ako. Bakit gabi ka na umuwi huh?" Napatingin ako kay Mommy. Kahit ang tanda ko na palagi pa din siyang bantay sarado sa akin. Mula ng mamatay si Daddy kaming dalawa na lamang magkasama. Si ate bumukod na mula ng mag-asawa ito.

Si mommy ay nagtayo ng sarili nitong bakeshop at iyon ang pinagkakaabalahan nito sa buhay.

Hindi niya alam na nagwowork ako bilang Secretary ni Stefano. Ang alam niya pumapasok ako sa isang company.

Mula noon na tinanggihan ako ni Stefano nagalit si Mommy sa kanya. Hindi daw siya karapat dapat sa akin dahil panlabas lang daw ang tinitingnan nito hindi daw ang kabutihang loob ko.

I graduated as an Architect. I worked as a freelancer. Ayoko kasing magwork sa isang company. Gusto ko kasi hawak ko ang oras ko. So I can travel a lot.

" Madami kasing ginawa sa office Mom. Tsaka traffic pa." Umupo ako sa tabi nito.

" Anak kailan ka ba magkakaboyfriend? Nasa tamang edad ka na. Hindi na kita pagbabawalan" Sabi nito. Napasandal ako sa balikat ni Mommy.

" Mom hindi pa ako ready sa pakikipagrelasyon. " Napatingin sa akin si Mommy.

" Huwag mong sabihing si Stefano pa din ang gusto mo? Anak naman ilang taon na ang nakakaraan! Hindi ka magugustuhan noon kahit na ang sexy mo na ngayon. Baka nga may nobya na iyon." Hinawakan ni Mommy ang kamay ko. " Anak ayokong masaktan ka ulit. Para ka ngang baliw noon ayokong mangyari ulit iyon. Baka ang maging bagsak mo sa mental na!" Napangiwi ako.

" Mommy?! Hindi naman ako nabaliw! Nadepress lang ako ng slight. " Sabi ko.

Nang umalis si Stefano para mag-aral sa ibang bansa halos araw araw na akong umiiyak noon. Nawalan ako ng gana na ituloy ang pag-aaral ko. Buti na lamang hindi gumive up sa akin sila Mommy at Daddy that time.

" Gusto ko lang na maging masaya ka anak. " Inakbayan niya ako at binigyan ng halik sa buhok ko.

Napayakap ako sa beywang ng Mommy ko. Hinding hindi ko susukuan ang mahal kong si Stefano kahit na labag kay Mommy. Siya lang ang alam kong para sa akin. Kahit ilang taon na ang lumipas siya pa din ang nasa puso ko. Walang ibang makakaagaw sa kanya dahil hindi ko na papayagan mawala pa siya sa pangalawang pagkakataon.

 Walang ibang makakaagaw sa kanya dahil hindi ko na papayagan mawala pa siya sa pangalawang pagkakataon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13

BARAKO SERIES: #2  Seduce Me  (Stefano Dela Costa Story) COMPLETEDWhere stories live. Discover now