Chapter 1

25.2K 643 32
                                    

" Congratulation Stefano nabeat mo ang record ng Dade mo sa sales." Pagbati sa akin ni Mame. Yumakap ako sa kanya. Kaka launch lang namin ng bago naming t-shirt product tumabo na ito sa market. Madami pang gustong bumili kaya nakipag-ugnayan ako sa manufacturing company na may hawak. Magaganda ang mga nilabas naming design patok sa mga kabataan at maging sa mga matatanda na feeling bata. Ito naman kasi ang pinangarap kong career nasa advertising business ang pamilya ko. Pinasok na din namin ang manufacturing. Kami ang nagsusupply sa mga mall at iba pa.

Sa magkakapatid ako lang ang napunta sa larangang ito. Ang dalawa kong kapatid ay wala sa bokabularyo nila ang magtrabaho sa kompanya. Si Kuya Alex nasa larangan siya ng pagpupulis. Ang bunso naming si Mikaelo may balak na magsundalo kapag naka graduate ng Senior High.

" Thanks Mame. Kayo ang inspiration ko kaya pursigido ako na mapalago pa ang company na ibinigay sa akin ni Dade." Nakangiting sabi ko.

Walang babae sa pamilya namin maliban kila Mame at Lola. Halos puro barako ang mga pinsan ko. Ako lang ang girlalu sa pamilya. Pero sa kasamaang palad walang nakakalaam. Tanging ang bestfriend kong si Felicity ang may alam ng lihim ko.

Speaking of Felicidad. Nasaan na ba babaeng iyon? Kanina ko pa hinihintay. Problemado pa ako sa pagpipilit nila Mame na magkaroon na ako ng nobya. Kung kaya ko nga lang sabihin sa kanila ang katauhan ko. Para hindi na ako nahihirapan sa pagpapanggap. Hindi ko pa kayang sabihin. Natatakot ako sa magiging reaction nila.

Bumukas ang pinto at pumasok ang nakasimangot na Felicidad.

" Oh, bakit ganyan ang mukha mo? Para kang sinampal ng sampong bakla." Sabi ko dito kaya lalong humaba ang nguso niya.Pasalampak na naupo sa sofa na nasa hindi kalayuan sa table ko. Grabe para siyang hindi babae makaupo.

" Nakipagbreak na ako doon sa boyfriend kong walang kuwenta! Buwisit hindi siya kawalan! Buti na lang hindi ko pa binigay ang bataan ko. Naku ako ang kawawa!" Padarag na humalukipkip si Felicity.

" Oh, eh ano iyang pinagsisintir mo diyan? Dapat nga matuwa ka dahil nalaman mo na iba ang pakay sa iyo. Kung makasintir ka naman diyan akala mo kaguwapuhan yang pinagmamalaki mong boyfriend. Mukha siyang tipaklong! " Pang-aapi ko sa nobyo niya. Totoo naman ang sinabi ko. Abala ako sa pagpirma  ng mga papeles na nakatambak sa ibabaw ng lamesa ko. Inirapan ako ni Felicity.

" Walanghiyang yun bago ako umalis sinabihan ba naman akong hindi daw ako maganda para mag-inarte pa. Wala naman daw akong ka class class. Para nga daw akong kawayan at kasing lamig ko daw ang yelo. Imaginin mo iyon nilaspatangan niya ang buo kong pagkatao. Hindi lang ang aking buong katawan. Akala mo naman kaguwapuhan mukha siyang hito! Bakit ko ba sinagot iyon!" Naiinis na sabi nito. Parang gusto kong tumawa sa pinagsasabi nito. Pero nanatili lang akong nakatingin habang panaka naka kong tinitingnan ang pinipirmahan kong papeles.

" Ewan ko sa iyo?! Mukha naman palang hito bakit sinagot mo pa yun? Bakit para lang masabi na may boyfriend ka? Duh ew!" Maarteng wika ko. Inambaan niya ako ng suntok. Napairap lang ako sa kanya.

" Ano gusto mo bang mag-party-party tayo? Para mawala yang inis mo sa ex mong mulhang tipaklong?" Suggestion ko sa kanya. Siguro kailangan ko din magrelax. Masyado nang stress din ang beauty ko. Kailangan kong mag-unwind and of course mag-boy hunting. Oh, di ba?Napatingin si Felicity sa akin. Napangiti ito. 

" Sige mamaya huh?" Biglang tumayo ito at lumabas ng opisina ko. Napamake face ako. Bruha iyon nagpunta lang pala dito para maglabas ng sama ng loob.

NaAKITA kong sumasayaw sa gitna ng dance floor si Felicity. Mukha siyang palaka kung sumayaw. Napangiwi ako ng magdance ito na parang budot dance. My god nakakahiyang kasama ang babaeng ito. Lasing na ang hitad.

Nagulat ako nang may lumapit na lalaki sa tabi ko. Oh my gosh bakla ang pogi niya!

" Hi, can I join you here?" Sabi nito sa baritonong boses. OMG boses pa lang ulam na. Ngumiti ito sa akin. Hala ka ang ngiti parang panghimagas ko na.

" Yes of course" Nginitian ko ito ng tipid. Siyempre pa hinhin ang beauty ko. Pa dalagang Filipwina!

" By the way I'm Sergio" Pakilala nito sa akin. What a nice name. Parang ang macho pakinggan. Ahahayy..

" I'm Stefano" Nakipagkamay ito sa akin. Para tuloy akong naconcious bigla. Dahil ang lagkit ng pagkakatitig niya sa akin habang nakikipag kamay. Para gusto ko tuloy magtitili at sabihing. Oh my gosh I like you na!!. Tapos sabay hampas sa malapad at mamasel nitong dibdib.

Nakita kong pagewang gewang na lumapit si Felicity sa kinalalagyan namin. Nahilo na yata kakasayaw sa gitna ng dance floor. Hindi ko alam kung lasing ba ito or nahilo sa kasasayaw sa gitna ng dance floor. Napatingin ito sa katabi ko.

"Oh, sino naman ito bakla?" Malakas ang pagkakasabi nito sa bakla. Parang gusto kong busalan ng kamao itong bestfriend ko. Napakabalahura ng bibig.

" A new friend." Sabi ko kay Felicity. Ang sama ng pagkakatingin nito sa katabi ko.

" Parang kilala ko ito eh?" Pinitik pitik nito sa ere ang daliri. Nanlaki bigla ang mata nito nang may naalala.

" Ikaw nga yun gago ka!" Nagulat ako ng murahin ni Felicity ang lalaki. Bigla niya sinapak diretso sa mukha ang lalaki. Halos mapatakip ako ng bibig sa ginawa ni Felicity. Napahawak ako sa dibdib ko. Hinawakan ko siya nang susugurin niya ulit ang lalaki.

" Bakit mo sinuntok?" Tanong ko habang hawak hawak ko si Felicity.

" Bastos iyang gagong iyan eh! Sukat ba naman hinawakan niya ang dibdib ko! Walang hahawak ng dibdib ko kung hindi ako lang!" Sigaw nito halos mamula na sa galit si Felicity. Minsan bastos din ang mga lalaki. Hindi porke't nasa bar bastusin na ang lahat ng tao dito. Hindi ba puwedeng nagchichill lang.

" What the hell! You little witch! As if naman mayroon kang dibdib! Wala nga akong nahawakan. Meron ba?!" Nang-iinsultong wika nito sa bestfriend ko. Susugod na sana ito para saktan si Felicidad. Pinigilan ko siya. Biglang uminit ang ulo ko tumaas ang presyon ng dugo ko.

Lumanding ang kamao ko sa pagmumukha ng lalaking walang bayag. Pati babae pinapatulan pa. At napakawalang galang. Sasampalin ko sana ang mukha niya pero nagbago ang isip ko. Sinapak ko siya sa panga.
Nagkagulo na sa loob ng bar. Nagkarambulan na kami doon.

Umuwi akong may pasa sa pisngi. Isinama ko na sa bahay si Felicity para doon matulog. Hindi ko kayang ihatid at medyo may tama ang ulo ko. Nahilo hilo kasi ako sa suntok ng maangas na lalaking iyon.

" Salamat baks ha kung hindi mo sinapak iyon baka puro pasa na ako ngayon. Grabe lang ang lalaking iyon. Kaya niya talaga akong saktan? Sa laki ba naman ng katawan nun baka naospital na ako ngayon." Napalatak pa ang kaibigan.

Nagkapasa ang maganda kong mukha pero ayos lang basta walang nangyaring masama sa bestfriend ko. Yumakap sa akin si Felicity.

" I love you baks. You're my baklang hero!" Napangiti ako sa sinabi niya.

" Thank you baks. I love you too" Nasa ganoon kaming situation ng pumasok sa kuwarto ko si Mame. Napalunok ako ng laway nang makita kami na nagyayakapan.

Gusto ko sanang itulak si Felicity pero hindi ko na lang ginawa. Di ba nga lalakwe ako!

" Hi Mame?" Naging boses lalaki na naman ako. Kumaway ako dahil napatulala si Mame sa amin.

" Oh my god. Mayroon ka ng girlfriend! Let's celebrate!" Lumapit sa akin at bigla akong hinampas sa balikat. Napa aray ako dahil may pasa ang braso ko.

" Aray! Mame naman!" Napakunot noo si Mame sa pag-ngiwi ko.

" Hi Iha!" Bati ni Mame kay Felicity. Biglang napatayo siya at inayos ang damit na nagusot.

" Hello, po Tita!" Kumaway-kaway si Felicity. Lumapit si Mame at hinalikan sa pisngi ang bestfriend ko. Kinuha niya ang kamay at hinila si Felicity palabas ng kuwarto ko.

"Dito ka na kumain tamang tama nagluto ako ng masarap na ulam. Magugustuhan mo yun iha." Malambing na wika ni Mame.
Napakamot ako sa buhok ko. Alam na this. Girl bonding siyempre kasama ako doon. Naglakad na ako palabas ng kuwarto ko. Pakending kending. Kaliwa! kanan! Kaliwa!

Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13

BARAKO SERIES: #2  Seduce Me  (Stefano Dela Costa Story) COMPLETEDNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ