Chapter 19

18.4K 535 18
                                    

Napitingin ako sa babaeng katabi ko. Hindi ko akalaing virgin pa ang sawa. Napangiti ako dahil ako ang nakauna. Hinagkan ko ang kanyang noo. Bumangon na ako para ipaghanda ng almusal ang sawa. Sinuot ko ang boxer short ko. Hindi ko mabilang kung nakailang round kami. Lahat yata ng sulok ng bahay nabinyagan namin. Dumiretso ako ng kusina para ipagluto ang reyna ng sawa. Tapsilog na lang ang iluluto ko. Siguradong magugustuhan niya iyon. Well kahit ano naman ang ihain ko sa babaeng sawa kakainin naman niya. Hindi uso sa kanya ang tumanggi at magreklamo. Nang makaluto pinuntahan ko na sa silid ko para gisingin si Alonah.

" Baby gising na nakahanda na ang breakfast mo." Tinapik ko ang pisngi nito. Gumalaw lang pero hindi nagising. Hindi ko magising ang sawa kahit siguro sampalin ko hindi titinag ang hitad. Kumuha ako ng kaldero at kinalampag malapit sa teynga nito. Hinawi lang nito ang kaldero. Grabe walang nagawa ang kalampag ko. Sabunutan ko kaya buhok nito para magising. May naisip akong kalokohan para magising na ito ng tuluyan.

" Alonah aalis na ako! Iiwan na kita sasama na ako sa babaeng nagkakandarapa sa akin! Goodbye!" Sigaw ko sa teynga niya. 

Bigla itong bumangon. Nanlaki ang mata ko ng tumayo ito. Nakita ko tuloy ang kanyang hubad na katawan. Tayong tayo ang kanyang dibdib. Napababa ang tingin ko sa panggitna na nito na namumula. Gulo gulo pa ang buhok na para bagang sinabunutan ng sampong kamay. Biglang umigkas ang baby doll ko. Napabaling ang tingin nito sa akin.

" Sweety pie huwag mo akong iiwan!" Yumakap ito sa akin. Nanigas lalo ang baby doll ko.

" Sweety pie ano iyon?" Humiwalay sa pagkakayakap ko si Alonah. Bumaba ang tingin nito. "Hala nakaturo ang baby doll mo sa akin." Napatakip pa ito ng bibig. Mukha siyang si sisa sa hitsura niya. Kulang na lang magtawag siya ng Bacillo! Crispin mga anak! Nasaan kayo!

" Get dress! Kakain na tayo" Utos ko dito. Tinalikuran ko na para pumunta ng kusina. Baka kung ano pa magawa ko. 

Napahilot ako sa sintido at batok ko. Kanina pa laman ng isip ko si Alonah. She occupied my mind since yesterday. Hindi ako makapagwork ng maayos para bang may kulang sa araw ko. Tinawagan ko ang number ni sawa. Nakailang ring na pero hindi niya sinasagot. Nasaan ba ang babaeng iyon? Nilapag ko na lamang sa table ang cellphone ko. Ano bang ginagawa sa akin ni Alonah. Para akong kinulam. 

Lumipas ang oras hanggang hapon at uwian na hindi man lang magtext ang babaeng iyon. Tumayo na ako para lumabas na ng opisina ko.

" Sir Stefano may naghahanap po sa inyong babae." Sabi ng Secretary ko.

"Sino daw?" Tanong ko.

" Cassandra Cullen daw po Sir Stefano" Sabi ng secretary ko.

"Papasukin mo na " Bakit nagpunta iyon dito? May pumasok na sexy na babae. Pero hindi na siya kagaya dati manamit na labas ang kaluluwa. Napaka prim niya na ngayon. Para nga siyang isang kagalang galang na babae.

" Hey, Stefano. It's been a while. I miss your company" Wika nito. Napatayo ako para yakapin siya.

" How are you? Yes, it's been a while."  Pinaupo ko siya sa sofa. Tumabi ako ng upo.

" Anong atin?" Tanong ko.

" Gusto sana kitang e-invite" Napakunot ang noo ko. Napangiti ito sa akin.

" I'm getting married" Ipinakita niya ang engagement ring nito sa palasingaingan. Nanlaki ang mata ko.

" Really?! Wow congratulation!" Dahil sa tuwa niyakap ko siya. Napayakap din ito sa akin habang nagkakatawanan kami. Sa ganoong tagpo kami naabutan ni Alonah. Bigla kaming naghiwalay ng pagkakayakap ni Cassandra. Ang sama ng tingin niya sa amin. Kaya kinabahan ako.

"Alonah I've been call-" Naputol ang sasabihin  ko ng sampalin niya ako. Napaling ang mukha ko.

" Matapos mong makuha ang lahat sa akin ito lang ang igaganti mo?! Nakikipaglandian ka sa babaeng mabulbol na ito?! " Nakita kong naningilid ang luha niya kaya nag-aalala ako.  Lalapitan ko sana sya  pero tinalikuran na niya ako.

" Alonah!" Tawag ko pero pinigilan ako ni Cassandra.

"Hayaan mo na muna siya. Pahupain mo muna ang galit niya. Hindi niya pa maiintindihan akahit ipaliwanag mo pa. Sarado pa isip niya. I know it babae din ako." napabalik ako sa pagkakaupo. May tama naman siya.

" I am sorry kung may nasabing hindi maganda si Alonah sa iyo." Napabuntong hininga ako.

"It's okay I understand her. By the way I have to go. Puntahan mo na lamang sa bahay nila mamaya." Yumakap ito at nagpaalam na.

Nagpasya akong puntahan si Alonah the sawa. May dala dala akong pagkain. Susuyuin ko siya sa pamamagitan nito. Pagkababa ko ng sasakyan napansin kong may nakaparadang sasakyan sa labas nila Alonah. Kinuha ko na ang paper bag at pumasok na sa loob ng bakuran dahil nakaopen naman ang gate nila. Dumiretso na ako sa loob. Nakita ko si Alonah may kausap na machong lalaki. 

" Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya nang makita niya akong pumasok.

" Magpapaliwanag lang ako about sa nakita mo kanina. Please hear me out first before you conclude."  Napatingin ako sa lalaking macho na kung makatingin kay Alonah ay para itong hinuhubaran sa pagtitig pa lamang. I knew it maniac ito. Inirapan ko ito ng palihim.

" Bukas na lang tayo mag-usap may bisita pa ako" Wika niya.

" Paano itong dala kong pagkain? " Itinaas ko ang paper bag na may lamang pagkain. " Okay sige bukas na lang ipapamigay ko na lamang itong pagkain." Sabi ko naglakad na akong palabas ng pinto.

" Naku Marco bukas na lang tayo mag-usap. May gagawin pa pala ako na plano sa bahay ng client ko." Hinila niya ang lalaking macho patayo ng upuan at itinulak palabas ng bahay nila. Napangisi ako. See basta pagkain wala itong uurungan. Kahit galit pa iyan sa akin.

" Ano naman iyang food na dinala mo. " pasimple pa itong sumilip sa paper bag. Naglakad ako papuntang kusina. Inilabas ko ang laman ng paper bag at inilapag isa isa ang mga binili kong pagkain. Nakita kong umaliwalas ang mukha ni Alonah. Lumapit ito sa akin. " It's all your favorite baby" Sabi ko habang inaayos ang ibang pagkain. Napatingin ako kay Alonah. Nanlaki ang mata ko ng makita kong kumakain na ang sawa. Taas paa pa! Ang bilis talaga nito gravity!

Hinaplos haplos ko ang mukha ni Alonah. She is so beautiful kahit napakasiba niyang kumain. Bakit ngayon ko lang nakita ang kanyang kagandahan hindi man sa pisikal pero sa kanyang ugali na ubod ng siba.  Nakatulog na ito dahil sa sobrang busog. Dito na ako nagpasyang matulog. Hinagkan ko ang noo nito.

" Goodnight baby. I love you" Wika ko. Sumiksik lang sa dibdib ko si Alonah.

Copyright©2018All Rights Reserved By coalchamber13

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13

BARAKO SERIES: #2  Seduce Me  (Stefano Dela Costa Story) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon