Chapter 24

18.6K 556 30
                                    

Kabuwanan ko na kaya nagstay lang ako sa bahay. Hindi na ako lumalabas kagaya noong nakaraang buwan. Hindi kasi ako mapakali kapag nandito ako sa bahay para kasi akong lalagnatin.

Palagi kong pinupuntahan ang opisina ni sweety pie ko. Gusto ko kasing nandoon habang nagwowork at tsaka mabantayan ko na din siya. Baka sumugod na naman ang babaeng nagkakandarapa sa beauty ng asawa ko. Kahit malaki na itong tiyan ko nakakasuntok pa naman ako.

Medyo madalas na ang pagsakit ng tiyan ko kaya inihanda ko na ang mga gamit ko. Nagpasya akong tawagan si sweety pie ko namiss ko na ang asawa ko. Nagsalubong ang kilay ko dahil babae ang sumagot.

" Sino ka?!" Tanong ko. My god hindi na nababawasan ang mga babaeng umaaligid kay sweety pie ko.

" Dapat ako ang magtatanong niyan sa iyo? Who are you? Kung si Stefano ang hinahanap mo nasa bathroom siya." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng babae. Bigla kong binaba ang tawag. Kahit nakapajama pa ako susugod ako doon. Wala akong pakialam kung manganganak na ako sa daan basta masuntok ko lang ang babae kung sino man iyon!

" Oh, anak saan ka pupunta? Lalabas kang ganyan ang getup mo nakapantulog? Bakit manganganak ka na?!" Hysteeical na wika ni Mommy.

" Pupuntahan ko lang si Stefano. Iba ang manganganak! Dahil lalagyan ko lang ng mga bukol ang babaeng kasama ngayon ni Stefano! Humanda ang babaeng yun." Galit na wika ko.

Nanlalaki ang mata ni Mommy habang nakatingin sa akin.

" Diyos ko ka naman anak huwag ka ng sumugod pa doon. Baka naman niloloko ka kung sino man iyon. Baka mapaanak ka pa sa daan!" Wika ni Mommy sa akin.

Hindi ko na pinakinggan si Mommy lumabas na ako ng bahay. Tinawag ko ang driver namin na naglilinis ng kotse.

" Manong ihatid mo ako sa opisina ni Stefano ngayon din!" Utos ko sa kanya. Pero nag-aalinlangan pa si Manong.

" Eh Ma'am bilin po ni Sir Stefano na huwag daw kayo palalabasin." Tiningnan ko siya ng may pagbabanta.

" Susundin mo ba ako or isisisante kita ngayon din!" galit na sabi ko kay Koya.

Napakamot ng ulo si Manong kaya wala ng nagawa at pinagbuksan niya ako ng kotse. Sisante lang pala ang panakot dito eh?

Buti hindi traffic nakarating kami sa opisina ni Stefano ng matiwasay. Pero ang kaloob looban ko ay hindi matiwasay.

Aalalayan pa sana ako ni Manong tinanggihan ko. Ano ako baldado kulang na lang isakay sa wheelchair. Baka siya ang pasakayin ko sa wheelchair.

Hinawi ko ang mga tao na nasa harapan ng elevator. Nagwangwang ako kaya napatingin sa akin ang mga tao na para bang tinubuan ako ng sampong ulo at may mga galamay pa.

" Dadaan ang buntis! Priority lane po! Senior Citizen! Student meal! Government official po! Etc. Etc. Etc.." Dahil nakatulala lang silang nakatingin  sa akin pinagsarhan ko sila ng pinto ng elevator. Oh di ba maganda talaga magwangwang priority ka talaga.

Lumabas na ako ng elevator narating ko na kasi ang dapat kong marating.

" Hi, Ma'am Alonah!" Bati sa akin ng Secretary ni Stefano.

" Nandiyan ba ang amo mong talipandas?!" Nagtataka naman itong napatingin sa akin.

Tumango tango ito. Hindi ko na siya hinintay na ibuka ang bibig nagdiretso na ako sa loob ng opisina ni Stefano.

Pabalya ko itong binuksan. Napaangat ng tingin si Stefano habang busy sa pagla laptop.

" Alonah why are you here? I told you hindi ka na puwedeng maglalabas kabuwanan mo na! My god!" Tumayo kaagad si Stefano para lapitan ako. Inalalayan niya akong umupo sa sofa.

BARAKO SERIES: #2  Seduce Me  (Stefano Dela Costa Story) COMPLETEDWhere stories live. Discover now