Chapter 22

17.2K 494 15
                                    

(3 months later)

Masaya ako dahil magkaka baby na kami ni bakla. Hindi ko akalain na makakabuo kami sa isang beses lang na may nangyari sa amin.

"Anak dapat hindi ka naistress dahil bawal sa buntis iyon. Ikaw pa naman ang selosa mong tao. Dapat iwasan mo na ang pagseselos kung wala naman batayan." Napanguso ako sa sinabi ni Mommy. Puwede ba iyon na hindi ako magseselos? Ang daming pekpek na nagkakandarapa sa kagandahan ni bakla. Kahit alam nilang beklash ito wala silang pakialam.

"Mom kung may humahalik kay Stefano eh talagang magseselos ako. Tsaka hindi ako papayag na may humahawak sa boyfriend ko." Wika ko sabay subo sa kinakain kong mansanas na pinabili ko pa kay Stefano. Siya ang pinaglilihian ko. Gusto kong lahat ng kakainin ko siya ang bibili. Kapag ibang tao hindi ko kinakain. Halimbawa na lang last time. Dumalaw si City dito kasama si Kuya Kael ang dami nilang dalang prutas pero hindi ko kinain. Kaya ang siste si City lang din ang kumain. Buntis din kasi ang bruha.

"Oh, Alonah iyong bilin ko huwag high blood baka pati iyang magiging apo ko ma-high blood din. First apo ko pa naman iyan!" Bilin sa akin ni Mommy.
Napangiti ako ng matamis.

"Opo Mommy iiwasan ko na pong magalit." Basta para sa anak namin ni Stefano gagawin ko ang lahat kahit mahirap maging santa.

"Mommy okay na po ba iyong dadalhin kong food ni Stefano? " Tanong ko.

"Okay na anak nilagay ko na sa paper bag. Mag-ingat ka sa pagdridrive buntis ka pa naman. Magtaxi ka na lang kaya? " Bilin sa akin ni Mommy.

"I can still drive Mommy." Wika ko hinagkan ko ang kanyang pisngi at nagpaalam na.

Nakarating ako sa office ni Stefano na hindi ako stress sa traffic. Wala naman masyadong sasakyan sa daan.

"Hi Manong guard" Nakangiti kong bati sa security guard na nasa lobby ng building.

" Hi, po Ma'am." Bati din ni Manong guard at ngumiti ng malapad.

Tinutupad ko lang ang bilin ni Mommy bawal ang mastress. Kumaway kaway pa ako na parang pang beauty queen. At naglakad ng pa lava walk kahit buntis. Halos pagtinginan ako ng mga tao sa lobby. Nginitian ko lamang sila. Bawal mastress umalingawngaw sa teynga ko ang boses ni Mommy.

Pumasok na ako sa elevator at madaming nagsipasukang mga empleyado. Kaya napadulo ang puwesto ko. Gusto ko sanang magreklamo pero kailangan kong kumalma para kay baby.

Kahit naiirita ako sa dami ng tao dito sa loob ng elevator kailangan kong huminahon.

Pagkalabas ko ng elevator inayos ko muna ang suot kong damit. Sinuklay ko ng kamay ang mahaba kong buhok. Lumapit ako sa table ng Secretary ni Stefano. Nagulat pa nga ito ng makita niya ako. Kaya nagtaka naman ako dahil madalas naman ako dito bakit ngayon magugulat siya. Para nga itong nakakita ng isang diyosa at ako iyon. 

"Nandiyan ba si sweety pie ko?" Tanong ko sa kanya.

"A-ano po Ma'am may bisita po si Sir Stefano." Nauutal na sabi nito. Biglang parang kinutuban ako ng masama. Hindi ko na siya hinintay pang magsalita ulit. Nagtuloy na ako sa loob.

Pagkabukas ng pinto nakita ko ang scene na ikakastress ng beauty ko at ng anak namin. May nakakandong kay sweety pie ko at hinahalikan niya ang labi nito. Sisigaw na sana ako nang biglang lumitaw sa balintataw ko si Mommy na nagbibilin. Huwag mastress remember.

Kahit umuusok na ang bunbunan ko sa galit I manage to be calm and cool. Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko. Tumikhim ako para madivert ang attention nila sa akin. Nanlaki ang mata ni Stefano ng makita niya ako. Bigla nitong naitulak ang babae kaya nahulog sa sahig ang babae. Parang pamilyar ang pagmumukha ng babaeng kalandian ni sweety pie ko ah?

BARAKO SERIES: #2  Seduce Me  (Stefano Dela Costa Story) COMPLETEDWhere stories live. Discover now