Chapter 5

16.4K 469 9
                                    

Naiirita ako sa bestfriend niyang si Felicity palagi na lang silang magkasama. Buti pa iyon nakakalapit ng bonggang bongga kay Stefano. Samantalang ako nasa paligid lang ako naiimbiyerna na siya sa beauty ko.

Ano ba'ng wala ako na mayroon ang ibang babae? Napaupo ako sa swivel chair ko. Inayos ko na lang ang schedule ng sweety pie ko. Madami dami ang aayusin ko. Kahit na ba ang trabahong ito ay hindi ko porte. I am an Architect pero ngayon nagtratrabaho ako bilang Secretary. Dahil sa pagmamahal gagawin ko lahat mapasa akin lang nang tuluyan si Stefano.

Napatingin ako sa paparating na lalaki. Napakunot ang noo ko. Sino naman ito? Napaka seryoso ng mukha. Para bang natatakot ang ngiti sa kanya. Lumapit ang lalaki sa table ko at tiningnan niya ako ng wala man lang kaemosyon emosyon. Nakasuot ito ng pangsundalo marine ang nakalagay na logo sa uniform nito. Diretsong diretsi ang pagkakatayo ng lalaki na para bang bawal ang kumuba.

" What can I do to you Sir?" Tanong ko sa lalaki. Nakakaintimidate naman tumingin ito grabe naman. Nakakatakot huh?

" Is Stefano there?" Seryosong tanong nito sa akin. My god hindi yata uso sa kanya ang ngiti. Pinaglihi yata ito sa sama ng loob ng Nanay niya. Napangiti ako ng tipid.

" Yes Sir. May I know who they are?" Tanong ko.

" I am Jacob Dela Costa" Oh, kamag-anak pala ni Stefano sweett pie ko.

Nakatitig ito sa akin. Feeling ko malulusaw ako sa pagkakatitig sa akin. Wala akong idea kung ano ang nasa isip niya. Gusto niya ba akong ibaon sa lupa o itapon sa labas.

" Wait lang po Sir Jacob." Tinawagan ko si sweety pie ko.

" Ah, Sir Jacob pumasok na po kayo. He's waiting for you." Napangiti ako akala ko ngingitian niya ako pero dedma lang ang beauty ko . Gusto kong ngumiwi kasi para akong kumakausap ng bato.

Ang tagal naman yata lumabas ng Mr. Jacob na ipinaglihi sa sama ng loob. Habang nag-eencode may tatlong babae na paparating. Ayoko man mag-init ng ulo at maghinala pero ito na nga nararamdaman ko na.

" Ano pong kailangan nila mga Miss.? Tanong ko. Napahagod ako ng tingin sa tatlo. Ang sesexy nila pero mas sexy ako no duh. Tapos ang tatangkad nila. Para silang mga bikini model.

" Is Stefano there?" Ano kaya sabihin kong wala. Para hindi na sila pumunta sa loob.

" Naku mga Miss wala po si Mr. Dela Costa may kameeting po siya. Lumabas po sila. " Gusto ko sanang mapakagat ng labi kasi I'm not good at lying.

Tiningnan ako ng isang babae na parang hindi siya naniniwala.

" Are you sure he isn't there?" Naninigurong tanong nito. Parang gusto kong sabunutan ang buhok nito. Hindi ba sinabi ko nga na wala?

" Yes, of course I'm really very sure." Naku po sana hindi lumabas si sweetie pie ko. Pero hindi nagdilang ang anghel ko lumabas ang hindi dapat lumabas. Unang lumabas ang pinsan nitong ipinaglihi sa sama ng loob sumunod si Stefano. Nanlaki ang mata nito ng makita ang tatlong pekpek na nasa tabi ko lang. Napalingon nang sabay sabay ang tatlong babae.

Napalunok ako ng laway ng  tiningnan nila ako ng masama. Napa peace sign ako.

" What are you doing here?" Tanong ni sweety pie ko sa tatlong pekpek na kung makatingin kay Stefano parang gusto nilang kainin ng buo.
Napapakagat pa ng labi ang tatlo.

" We' re here visiting you baby." Napatirik ako ng mata. Bakit baby ang tawag ng babaeng ito? Nanlaki ang mata ko ng lumapit ang isang pekpek kay Stefano. Binigyan niya ito ng halik sa labi. Sumunod ang isa pa at humalik din sa lips ni sweety pie ko. At ang huling pekpek ay ganoon din ang ginawa.

Nanlalaki ang mata ni Stefano sa gulat. Hindi kasi ito nakagalaw sa ginawa ng tatlong pekpek.

Napatingin ako kay Mr. Jacob. Nakatingin lang ito habang nakataas ang sulok ng labi nito.

Napakuyom ang kamao ko. Dahil naiinis ako bakit nila hinahalikan ang Stefano ko. Dapat ako lang ang hahalik sa kanya! Ako lang dapat!

Bigla kong itinulak ang tatlong pekpek.

" Hoy kayong mga babae kayo! Anong right niyo para halikan ang sweety pie ko?" Kinuha ko ang tissue at pinahid sa labi ni Stefano. 

" Naku sweety pie kailangan mong maghugas ng labi mo baka may mga rabist ang mga 'yan!" Saad ko. Napatingin ang tatlo sa akin. Masamang tingin ang pinukol nila sa akin.

Kinuha ko ang kamay ni Stefano. Inilayo ko siya sa mga babaeng makati pa sa higad. Hinila ko siya palayo sa kanila.

Copyright©2018All Rights ReservedBy coalchamber13

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.

Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13

BARAKO SERIES: #2  Seduce Me  (Stefano Dela Costa Story) COMPLETEDМесто, где живут истории. Откройте их для себя