Chapter 11

17K 470 12
                                    

Sobrang saya ko dahil paunti unti ko nang nakukuha ang loob ng mahal kong si Stefano. Sa pagtitiyaga ko makukuha ko na din ang matamis niyang oo.

Sinipat ko ang damit ko sa salamin. I am hot and sexy with this dress. Si Stefano ang pumili nito.

Kinikilig ako.

Ngayon ang kasal ni Felicity at Kuya Mikael invited kami ni Stefano.

" Oh nak ang ganda natin huh? Sigurado madami ang magkakagusto niyan sa iyo. Kailangan pag-uwi mo may jowa ka na!" Napangiwi naman ako sa sinabi ni Mommy.

" Mom! Hindi ako pupunta doon para lang mag-boyfriend hunting. Aattend po ako ng kasal hindi po ako manlalandi" Napanguso ako sa sinabi ni Mommy.

" Hoy, Alonah hindi ka na bumabata para mag-inarte pa. Wala ka man lang pinakilalang jowa mula noon hanggang ngayon? Aba anak tumatanda na ang Mommy mo wala pa akong apo. Kailangan mo nang mag-asawa. Maayos naman na ang takbo ng career mo. At hindi ka na din naman bumabata. Nasa right age ka na para lumagay sa tahimik." Wika na Mommy. Ibang klase din itong Nanay ko kung itaboy ako para mag-asawa lang. Napapailing ako sa kanya.

" Aalis na ako Mommy." Paalam ko. Hinagkan ko na kaagad ang pisngi para hindi na makapagsalita si Mommy.

Pagkabungad sa entrance sobrang namangha ako sa venue ng kasal. Para ngang pinaghandaan pero sabi ni Stefano biglaan lang daw ang kasal. Ang galing.

Pumasok na ako sa loob nakita kong may mga bisita na. Pero nairita ang eyes ko dahil madaming bisitang babae. Nasaan na ba ang sweety pie ko baka nilalandi na naman iyon? Kailangan kong hadlangan kung sino mang lilingkis sa kanya.

" Hi Alonah!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Binati ako ni Kuya Alexandro may mga kasama siyang mga nagkikiaigang mga lalaki. Gravity mabubusog ang mga mata ko sa mga abs nila.

" Hi Kuya Alex. Nakita mo ba si Stefano?" Tanong ko sa kanya. Habang palihim kong pinasadahan ng tingin ang anim na hot men na nasa harapan ko. Nakangiti sila sa akin na para akong pagkain sa paningin nila. Pero sorry na lang sila dahil para kay Stefano lang ako exclusively.

" Oh, nakita ko siya doon may kayakap na sexy girl" Wika ni Kuya Alex. Biglang sumulak sa akin ang inis. Itinaas ko ang gown ko na may slit pa kaya nakita ang legs ko. Napadako lahat doon ang mga mata ng friends ni Kuya Alexandro.

Bigla akong yumukod para alisin ang takong ko hindi ako makakalakad ng mabilis kapag nakasuot ako ng takong. Napatingin sila sabay sabay sa cleavage ko na lumuwa. Dahil tube ang style ng gown ko. Napatayo ako nang naalis ko na ang heels ko. Binitbit ko na lamang at iniwan silang nakatulala. Napanguso ako at inirapan ko silang lahat. Sabay sabay silang napakamot ng ulo. Mga maniac ang mga walanghiya.

Hindi ko akalain na ikakasal na ang bestfriend kong si Felicity. Parang kailan lang problemado sa love life nito dahil puro mga palpak ang mga nagiging boyfriend.

Tumayo ako para abangan ang babaeng sawa. Bakit wala pa iyon sabi ko agahan niya. Baka kung saan saan na naman sumusuot.

Kumuha ako ng wine at nilagok ko iyon. Panaka naka akong napapatingin sa mga dumarating. Mga close friend lang ng pamilya ang dumalo. Namataan ko kanina ang mga kaibigan ni Kuya Alexandro. Ang mga lalaking walang pahinga. Napailing ako kasi kasama doon ang Kuya niyang walang pahinga din ariba ng ariba dahil super babaero. Silang lahat na magkakaibigan mga superman.

" Kuya Stefano kanina ka pa hinahanap ni ate Alonah. Lagot ka parang galit na galit na sa iyo." Sabi ng kapatid kong bunso si Mikaelo. Kasama nito ang bestfriend na si Melissa.

Siniko ni Melissa si Mikaelo. Napangiwi amg kapatid ko.

" Naku Kuya Stefano niloloko ka lang nito." Sabi ni Melissa.

" Baka gusto mong kumain ng bala" Pagbabanta ko sa kapatid ko. Napamake face lang siya sa akin.

" Oh, hayan na pala siya." Inginuso ni Mikaelo si Alonah na nakapaa at nakataas na ang gown na halos kita na ang singit. Nagsalubong ang kilay ko dahil lahat ng lalaki na bisita ay nakatingin kay Alonah. Hindi naman sa mukha mga nakatingin sa singit nito na sumisilip ang panty!

Sinalubong ko na ito kaagad para maibaba na ang saya niya. 

" Alonah what are you doing? Look at yourself nakikitaan ka na!" Sabi ko sa mahinang boses. Binaba ko ang nakataas niyang mahabang gown. " What the hell nakikita na ang pekpek mo!" Singhal ko sa kanya. Hindi niya pinansin ang sinabi ko.

" Nasaan na iyong kalampungan mo!" Tumaas ang kilay ko.

"Sinong kalampungan?!" Naiirita na tanong ko. Wala naman akong kalampungan dito. Tsk!

" Sabi ni Kuya Alexandro may kausap ka daw na babae at magkayakap pa daw kayo!" Tumatawa ang dalawang katabi ko. Pinanlakihan ko sila ng mata.

" Ate Alonah wala naman kalampungan si Kuya Stefano eh. May kausap lang siyang babae kanina" Sabi ni Melissa sa kanya. Pinanlakihan ko na naman ito ng mata.

" Sabi ko nga wala siyang kausap kami lang kaya? Hindi ba Elo?" Siniko nito si Mikaelo na kumakain ng lumpia hindi ko alam kung saan niya kinuha. Bakit may pagkain na dito akala ko venue lang ito ng ikakasal.

" May nakikita ka bang kausap at kayakap kong babae? Si Mikaelo at Melissa lang ang kausap ko. Naniwala ka naman doon kay Kuya Alex" tsk. Napaka mapaniwalain talaga itong sawa na ito. Ihahagis ko talaga ito sa bulkan na may lava.

Yumapos ito kaagad sa beywang ko. Napatirik ako ng mata. Heto na nama ang anaconda.

" Sorry na po akala ko talaga may kalampungan ka na. Humanda talaga kung sino man hahawak sa iyo" Naka nguso pa ang labi niya.

Napabuntong hininga ako. Nastress ang beauty ko sa babaeng ito. Kung makabakod wagas. Feeling ko semento ang pagkakabakod niya sa akin walang kawala.

" Wala nga di ba?!" Inis na sabi ko. Hinawakan ko na ang kamay niya dahil magstart na ang kasal.

" Congratulation Kuya Kael. Best wishes Felicity" bati ko sa mag-asawa. Natapos na din ang kasal. Nagman hug kami ng pinsan ko. Nagyakapan naman kami ni Felicity.

Napakaganda ng wedding gown ng bestfriend. Kita ang likod.

" Salamat baks" Sabi nito. Mamimiss ko ang bestfriend ko. Ayaw na kasi niyang pagtrabahuin ni Kuya Kael si City. Sa bahay na lang daw ito at aanakan niya lang daw taon taon. Siraulo talaga.

" Enjoy your honeymoon newlyweds. Tinatawag na kayo ni Granny" Sabi ko. Tinapik ni Kuya Kael ang balikat ko. Tinanguan ko siya.

Hinarap ko naman ang anaconda na nakahapit na naman sa beywang ko. May pasandal sandal pa sa balikat ko. Ginawa pa akong sandalan.

" Umalis ka nga muna sa tabi ko ang init init dikit ka pa ng dikit sa akin!" Reklamo ko. Ang init naman kasi ng suot ko tapos mas lalo pang uminit kung makalingkis itong isa akala mo nasa winter land kami.

Bigla niya akong itinulak. Nagwalkout ang lola niyo. Sinaniban na naman ng topak. Nakita kong lumapit sa table nila Kuya Alexandro na puro lalaki ang kasama. Tuwang tuwa naman ang mga mokong. Bahala siya doon akala naman susuyuin ko siya doon at susundan?

Duh, no way!

Naglakad ako nang may nakita akong kakilala. Para akong natulos sa kinalalagyan ko. Napahinto ako ng makita ko ang babaeng matagal ko ng hindi nakikita.

Napalingon ito sa akin.

Parang ang inog ng mundo ko ay huminto ng magtama ang mga mata namin.

Copyright©2018All Rights ReservedBy coalchamber13

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13

BARAKO SERIES: #2  Seduce Me  (Stefano Dela Costa Story) COMPLETEDWhere stories live. Discover now