Chapter 16

17.4K 509 37
                                    

Para akong stalker sa ginagawa ko. Nang malaman ko na nasa Cebu ang sawa kong Secretary nagpabook ako kaagad. Hindi dapat magsayang ng oras baka sa iba na siya lumambitin. Nakita kong palabas ng hotel ang dalawa. Kaya sinundan ko sila. Sumakay sila limo at ako naman sumakay sa sports car ko.

Habang sinundan ko ang dalawa hindi ko maiwasang magngitngit. Iniimagine ko ang ginagawa ng dalawa sa loob ng limo. Naiinis ako.

Napahinto ang limo sa isang restaurant. Bumaba na ang dalawa. Napaismid ako ng alalayan ng machong lalaki si Alonah. Nakasuot ito ng sexy na damit kita ang legs nito na kinainis ko.

Bumaba na din ako para sundan ang dalawa. Pagkababa ko ng sasakyan may nakasalubong akong magandang babae na super sexy ang kasuotan. Napatigil ito sa harapan ko. Pinasadahan niya ako ng tingin na ikinairita ko.

Here we are again. Not now.

" Oh, hi handsome boy. " Biglang kumunyapit sa beywang ko ang babae. Napatirik ako ng mata. Bakit ba ako lapitin ng mga pekpek?

" Wait Miss can you please remove your hand?" Pakiusap ko sa babaeng linta. My gosh ilang linta pa ba ang lalambitin sa katawang lupa ko?

Nagulat ako ng hilahin ako papasok ng restaurant. Walang nagawa ang beauty ko sa lakas ng babaeng linta. Bigla akong napatalikod nang mapadako ang tingin ni Alonah sa kinatatayuan namin ng babaeng linta na kasama ko.

" Doon tayo umupo" Utos ko sa babaeng hindi ko kilala para lang hindi ako makita ni Alonah.

" Okay handsome boy" Buti na lamang nakatalikod ang lola niyo kaya hindi ako mapapansin ni Alonah.

Umupo kami. Napangiwi ako ng maramdaman ko ang paa ng babae sa ibabaw ng pantalon ko. Parang gusto niyang paglaruan ang betlog ko. Ibinaba ko ang paa niya na nasa betlog ko na. Lalawlaw yata ito? Sinamaan ko ng tingin ang babae.

" Ibaba iyan kung ayaw mong mawalan ng paa." Pagbabanta ko sa babaeng linta na higad pa. Diyos ko bakit niyo po ako binibigyan ng mga ganitong klaseng mga babae.

Napaismid sa akin ang babae. Maganda naman siya. Para ngang hindi gagawa ng krimen ang walanghiya.

Pasimple akong napalingon sa kinaroroonan nila Alonah. Nanlaki ang mata ko ng hahalikan ng machong lalaki si Alonah kaya napatayo ako.

" You are so gentleman Mr. De Asis." Wika ko. Pinag-usog niya kasi ako ng chair. At inalalayan pang makaupo. " Thank you" kiming sabi ko.

" You should have treated, you right. Because you are a wonderful and beautiful woman" wika nito. Napangiti ako ng matamis.

" Ikaw naman binobola mo naman ako. Well thank you for the compliment"

Napadako ang tingin ko sa may pinto ng restaurant. May pumasok na babae. Napakunot ang noo ko ng may nahagip ang mata ko na pamilyar na pigura. Nakatalikod na ang lalaki kaya hindi ko masiguro kung siya nga iyon. Baka kamukha lang.

" Is there something wrong Ms. Alonah?" Napansin kasi nito na nakatingin ako sa may bungad ng restaurant.

" Nothing Mr. De Asis. Parang may nakita lang akong kakilala. Kamukha lang pala." Nag- umpisa na kaming kumain nang maiserve na ang inorder naming food.

Nadismaya ako sa mga food na nakahain. Parang pang malnourished ang serving nila. Mukhang kukulangin ako nito
Kailangan ko siguro na isa pang order. Sana may fiesta galore sila dito. Kagaya ng inorder ni bakla dati. Bakit ko ba naisip ang baklang fanot na iyon.

" Masarap ang food nila dito. That's why I bring you here" Sabi ni Mr. De Asis. Gusto kong mapangiwi kasi kakapiranggot na steak. Sarap na sarap siya sa ganoon. Kulang talaga ito sa akin.

BARAKO SERIES: #2  Seduce Me  (Stefano Dela Costa Story) COMPLETEDWhere stories live. Discover now