Chapter 15

16.8K 534 35
                                    

Nakarating ako ng maayos sa Cebu. May tinuluyan akong hotel at ang kliyente ko ang nagbayad ng expenses ko dito hanggang sa matapos ang contract sa bahay na pinapagawa niya. Mayaman ang lolo niyo.

Ngayon kami magkikita ni Mr. David De Asis. Nameet ko na siya ng ilang beses. Hindi ko akalain na isang napaka guwapo at napaka hot na nilalang ang magiging kliyente ko. Akala ko matanda na malaki ang tiyan at kalbo ang buhok. Pang Manong naman kasi ang pangalan nito. Pero kabaligtaran ng naiisip ko.

Totoo pala ang kasabihang don't judge the book by its cover.
Umupo muna ako sa lounge area dito sa baba ng hotel. Dito ko hinintay ang client ko. Nagbasa basa muna ako ng news sa IG ko. Nakita kong may new post ang baklang fanot. Napaismid ako kasi parang nagdradrama ang bakla.

Ito eka..

"May mga taong di payag na mawala ka. Pero di naman gumagawa ng paraan para manatili ka."

Kalokang bakla ito. Pinaparinggan niya ba ako? Ako pa talaga ang gagawa ng way para magmakaawa na bumalik sa kanya? Ano ko ba siya?! Wala naman kaming relasyon ako lang naman itong naghahabol sa kaguwapuhan niya! Hindi na ako desperadang diyosa na maghahabol sa kanya! Magsama sila ng babaeng mabulbol na iyon.

Hindi ko pinusuan ang sinabi niya. Kung mayroon lang thumbs down. Iyon ang ilalagay ko. Makalog out na nga baka maimbiyerna lang ang beauty ko.

" Hi Ms. Alonah Madrigal." Napaangat ako ng tingin. Wow ang hot niya ngayon. Busog na busog ako sa kaguwapuhan ni Mr. De Asis.

Napangiti ako sa kanya. Tumayo ako para makipagkamay. Pero hindi ko inaasahang hahalikan niya ang kamay ko.

Ang sweet naman niya. Pogi na ang gentleman pa.

" I'm glad nakarating ka ng maayos dito sa Cebu. " Wika nito. Naupo ito sa katapat ko kaya kitang kita ang kanyang kaguwapuhan.

" Thank you Mr. De Asis sa pagbabayad ng lahat ng expenses ko dito sa hotel. Okay lang naman kung ako na lang ang nagbayad" Nahihiyang wika ko.

Hindi naman na niya sakop ang titirhan ko. Kaya ko naman mangupahan sa isang apartment or sa hindi naman kamahalan na hotel.

" It's okay Ms. Madrigal. Shall we proceed sa plano ng house na ipatatayo ko?" Tumango ako. Inilabas ko ang isang folder.
Ipinakita ko sa kanya ang mga design ko. Mayroon akong sampong sample ng design ng bahay.

Nabanggit nito na gusto niyang may indoor swimming pool ang ipapatayo nitong bahay. Kaya lahat ng sample ng design ko ay mayroon swimming pool.

Habang tinitingnan nito ang mga design ko. Hindi ko maiwasang pakatitigan ang mukha niya. Hindi naman sila nagkakalayo ng kaguwapuhan ni Stefano. Pareho silang matangkad may magandang pangangatawan. At higit sa lahat parehong hot.

Bakit ko ba naiisip ang baklang iyon. Kailangan ko na siyang kalimutan. Ipinagpalit na niya ako sa iba. Huwag na nating pilitin ang ayaw.

" I like this one Ms. Madrigal." Pinakita niya sa akin ang design. Napangiti ako dahil ito din ang nagustuhan kong design para sa kanya. Hindi ganoon kagarbo ang design. Simple lamang.

" Okay then ihahanda ko ng ayusin ang blueprint nito Mr. De Asis." Napangiti ng matamis ang lalaki sa akin.

Nagulat ako nang may natanggap akong email na nagsasabing ipapadala niya thru mail amg resignation letter. Tinawagan ko si Alonah para makausap ko siya dahil hindi na nagpakita magmula nang mahuli kami may ginagawang milgaro. Napalatak ako dahil hindi ko na macontact.

Sino bang hindi magagalit sa nakita. Kasalanan ko naman dahil naging mahina ako sa tukso. Nagpadala ako sa init ng katawan. Pinagsisihan ko na iyon. I need to talk to her. Tumayo ako para puntahan si Alonah sa bahay nila.

Umuwi akong lulugo lugo. Walang tao sa bahay nila Alonah. Sinabi ng kapitbahay nilang umalis si Alonah at may mga dalang gamit.

Saan naman kaya nagpunta iyon? Iniwan na niya akong lubusan. Napaupo ako sa sofa namin. Dito ako kila Mame umuwi dahil ayoko sa bahay ko nakakalungkot.

" Oh, Kuya Stefano bakit nandito ka?" Tanong ng kapatid kong bunso si Mikaelo.

" Bakit bawal ba akong umuwi dito?" Sarcastic na sabi ko.
Natawa ang kapatid ko sa sinabi ko.

" Sungit mo naman Kuya. Bakit binasted ka ba ni ate Alonah?" Pang-aasar nito sa akin.

" Tigilan mo ako baka gusto mong busalan kita ng kamao ko." Banta ko sa kapatid ko. Kita niyang wala ako sa mood mang-aasar pa. Pareho sila ni Kuya Alex na bully.

Ang walanghiyang kapatid ko napalatak pa habang nakatingin sa cellphone nito.

" Grabe Kuya Stefano may kapalit ka na oh? Ang pogi ng pinalit ni ate Alonah! Ang macho ha!" bigla akong napatayo at tiningnan ang cellphone ng kapatid ko.

Hinablot ko pa ito.

Halos lumabas sa eye sucket ko mata ko. Nakita kong naka bikini si Alonah at may kasama itong lalaki at macho nga. Parang gusto kong puntahan agad si Alonah kung saan mang lupalop ito naroon.

Kinuwelyuhan ko ang kapatid kong bunso.

" Tell me where is Alonah!" Singhal ko sa kapatid.

Muntanga lang akala mo naman alam ng kapatid ko kung saang lupalop ang sawa kong secretary.

Napataas ng kamay ang kapatid ko sa akin. Tsaka niya binaklas ang kamay kong nakahawak sa kuwelyo niya.

" Kuya Stefano hindi ko alam kung saan nagpunta si ate Alonah. Hindi ba Secretary mo iyan? Bakit sa akin mo tinatanong. Ayos ah?!" Napasimangot ang kapatid ko.

Hinablot niya sa akin ang cellphone nito. Natatawa sa akin ang kapatid ko. Mukha kasi akong pinagtaksilan ng tadhana sa hitsura ko.

" Akin na nga phone ko!" Singhal nito sa akin.

Ikaw ba naman makikita mong may kalambitin sa picture ang dating lumalambitin lang sa akin. Ano iyon nakahanap na ng puno? Ano siya unggoy? Anang isip ko.

" Nasa Cebu siya Kuya. Ito nakalagay sa may picture oh?" Pinakita ng kapatid ko ang cellphone nito. Nang makita ko bigla akong tumalikod at lumabas ng bahay.

Kailangan kong sundan ang Alonah na iyon. Hindi maaring basta na lamang niya akong iiwan.

Over my dead hot body.

Copyright©2018All Rights ReservedBy coalchamber13

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13

BARAKO SERIES: #2  Seduce Me  (Stefano Dela Costa Story) COMPLETEDWhere stories live. Discover now