Chapter 18

19.2K 575 39
                                    

" Tell me Stefano what is the real score between you and Alonah?" Tanong sa akin ni Kuya Mikael. Natutuyuan ako ng laway habang nakatunghay sila sa akin. Nandito sila sa opisina ko. Kanina tatlo lang sila. Aba ngayon kumpleto na ang mga pinsan ko. Kulang na lang si Mikaelo. Gravity para akong nililitis ngayon. Ako ang suspect at si Alonah ang victim. Ang tingin pa naman nila sa akin parang kakainin ng buhay.

" We're just friends" Tipid na sabi ko. " By the way what are you all doing here?!" Tanong ko sa kanila. Nagkanya kanya silang upo. Napaismid ako. Tiningnan lang nila akong lahat. Mga siraulo!

"Oh, really just a friend?" Parang hindi makapaniwala na sabi ni Isaac sa akin. Batukan ko ito eh. Akala mo naman makatanong hindi nakakagawa ng kabulastugan. Tinaasan ko ito ng kilay.

" Friends with benefits ang sabihin mo!" Sabay tawa naman ni Noah. Tadyakan ko kaya ang etits nitong tigang na tigang na. Inirapan ko siya.

" Kayo naman huwag ganoon? Friends lang sila pero nakita na nila ang kabuuan ng isa't isa" Sabi ni Logan. Tatawa tawa ang walanghiya. Ipasagasa ko kaya ito sa pison. Hindi kayang bugbugin ng dalawang tao sa laki ng katawan ni Kuya Logan. Baka tumalsik pa ang bubugbog sa kanya.

" Alonah is beautiful and very sexy kung ako sa iyo Stefano I will grab her ass and gigilingan ko siya sa harapan niya para mapasagot mo ng Ohhhh.Ohhhh" sabi ni Kuya Mikael na parang umaalulong na aso. Ang landi talaga isumbong ko ito kay City eh. Napamakeface ako.

" Bakit gigilingan pa. Tirahin mo pailalim iyon bang wala na siyang palag! Tangina." Wika naman ni Jacob. Ang lalaking suplado at napaka possessive. Makatangina naman ito akala mo hindi iniwanan ng babae. Sinimangutan ko siya.

" Wala naman kuwenta iyang pinagsasabi niyo! Mga galawang mahinhin naman mga iyan! Gayahin niyo ko galawang hokage ang banat ko. Sa sobrang banat! Banat na banat ang kaligayahan ko!" Sabay tawa ni Kuya Alexandro. Gago talaga. Ito naman pumapatol sa bata. Mukha tuloy siyang batang isip.

" Wala ba kayong gagawin dito kung hindi magmeddle sa lovelife ko?" Tanong ko sa anim na barako. Napatingin silang lahat sa akin.

Bigla silang nagsitayuan at isa isang lumabas ng opisina ko. Walang man lang nagpaalam. Mga siraulo nagpunta lang pala dito para asarin ako. Mga tarantado talaga.

Naalala ko ang cellphone kong itinapon sa basurahan. Hinalungkat ko doon. Napahinga ako ng makita kong hindi naman nasira. Kasalanan ng babaeng iyon.

×××

" Mr. De Asis malapit ng matapos ang bahay niyo. Makikita niyo na ang finish product within 2 weeks sabi ko.

Ang tagal ko din dito halos dalawang buwan. Buti mabilis ang construction ng bahay. Hindi naman kasi ganoon pangmalakihan.

" Yes, Ms. Alonah I'm so excited to see my new house. Thank you so much!" Nakangiti na wika nito. Ang pogi pogi niya at ang macho macho pa.

" It's my pleasure to work with you Mr. De Asis." Nakangiting wika ko.

" Can I invite you to have dinner with me?"

" Sure Mr. De Asis" Siyempre hindi na ako magpapakopot. Basta pagkain ang pinag-uusapan go lang ang beauty ko. "Mr. De Asis puwede pong magbigay ng suggestion?" Ayoko nang mangyari last time na hindi ako nasatisfy sa kinainan namin.

" Anong suggestion iyon?" Nakakunot ang noo nito.

" Suggest ko lang doon po tayo sa eat all you can. Naku sigurado magugustuhan niyo po ang food doon." Sana naman pumayag. Ayoko ng kumain sa restaurant na pinagkainan namin dati. Magkakasakit ako ng pagkabitin at sama ng kalooban.

" Oh sure Ms. Alonah kung saan ang gusto mo okay lang" Napahinga ako ng maluwag. Buti naman pumayag siya. Napangiti ako ng matamis. Hindi ako mabibitin sa kakainin ko ngayon.

BARAKO SERIES: #2  Seduce Me  (Stefano Dela Costa Story) COMPLETEDWhere stories live. Discover now