Chapter 23

17.2K 536 23
                                    

Habang hinihintay ang inorder kong flower para kay Alonah napatingin ako sa dalawang bulto sa may di kalayuan ng flower shop.

Napatitig ako sa lalaki at sa isang nakatalikod na babae. May isa pang lalaki ang nandoon na nasa tabi ng babae hawak nito ang braso.

Ayoko sana pagtuunan ng pansin pero napadako ang mukha ng babae sa gawi ko.

Umiiyak ito habang hawak ng lalaki walang iba kung hindi si Redentor Dimasalang ang kaibigan ni Kuya Alex. Habang ang isa ay pinipigilan nitong hilahin si Amanda.

Kaya ang beauty ko to the rescue. Walang karapatan ang Dimasalang na ito saktan ang kaibigan ko. Nasa kabilang kalsada sila kaya tumawid pa ang beklash. Gusto ko sanang kumendeng kendeng pero nasa mataong lugar ang lola niyo kaya macho gwapito ang peg ko ngayon.

Pagkarating ko doon humarang ang beauty ko sa gitna nila. Nagulat si Dimasalang ng makita niya ako. Nagsalubong ang kilay nito sa akin.

" Wala kang karapatang manakit ng babae!" Dumagundong ang boses ng bakla. Buti na lamang lalaking lalaki ang boses ko. Mapapa beklash sana ako maalala ko nasa public place ang beauty ko.

Napalingon ako ng maramdaman kong hinawakan ni Amanda ang braso ko. Naawa ako sa hitsura nito halos puno na ng luha ang maganda nitong mukha. Gusto ko sanang hugutin ang panyo kong color pink na bulaklakin kaso nahiya naman ako.

" Huwag kang makialam dito Stefano! Away namin ito umalis ka diyan!" Sabi ni Dimasalang sa akin. Sasagot na sana ako ng sumingit ang isa pang macho at guwapong nilalang. Kaya napasipat ako ng lihim.

" Amanda halika na! Hindi mo kailangan sumama sa walang kuwentang lalaking iyan! You don't deserve this treatment Maawa ka naman sa sarili mo!" sigaw ng poging lalaki.

Napabaling ang ulo ko kay Amanda ng magsalita ito habang umiiyak. Hinawakan ko ang kamay nito na nanginginig.

" Please huwag na kayong mag-away." Napabaling si Amanda kay Redentor. "Wala kaming ginagawang masama ng kapatid mo. Huwag mo naman bigyang malisya ang pagkakaibigan namin" paliwanag ni Amanda kay Redentor.

Kapatid pala ito ni Redentor. Kaya pala pogi din. Oh, di ba makapogi ang beklash.

" Ako pa lolokohin niyo! Alam kong may relasyon na kayo! Iniiputan mo ang ulo kong babae ka! You bitch!" Parang naging macho ang pakiramdam ko dahil sa narinig kong bitch! Nag-init ang ulo ko sa taas hindi sa baba.

Lumanding ang kamao ko sa mukha ni Redentor sapol ang panga nito. Hindi nagkakalayo ang tangkad namin kaya masasapol ko talaga siya sa panga. Gusto ko sana mapa ouch kaso lalaki nga akwo!

Napaupo ito habang sapo sapo ang panga na sinuntok ko.

" Gago! Wala kang karapatan sabihan ng ganyan si Amanda dahil hindi siya ganyang klaseng babae! Tangina nito!" Galit na sigaw ko sa buwisit na lalaki na ito. Sa inis ko napamura akong tuluyan. Ang yabang ng asta ko ngayon. Alonah will be proud of me kapag nalaman niya ito.

Hinila ko si Amanda paalis sa lugar na iyon. Narinig kong tinatawag nila si Amanda. Kahit lumabas pa ang mga litid niyo mga buwisit kayo.

" Stefano bakit mo sinuntok si Reden. Hindi mo dapat ginawa iyon" Wika ni Amanda habang naglalakad kami papunta sa sasakyan ko. Napahinto ako at humarap sa kanya.

" Papaanong hindi ko masusuntok ang gagong iyon. Tinawag kang bitch. Hindi naman totoo iyon. Alam mo iyan. Hindi mo dapat pinapayagang gawin sa iyo ni Dimasalang iyan." Iyak lang tugon nito sa sinabi ko. Yinakap ko siya habang hinahaplos ang likod niya.

" C'mon sumama ka muna sa akin." sabi ko. Tumango naman siya.

" Baby I'm home!" sigaw ko kay Alonah nang makauwi na ako sa bahay. Nakanguso itong bumungad habang gulo gulo ang buhok. Para siyang si Sisa.

Pumameywang ako at tiningnan ito ng anong nangyari sa iyo look?

" Oh ano nahanap mo na ba si Bacillo at Crispin ang mga anak mong nawawala?" Pagbibiro kong sabi. Napaupo ito sa sofa at itinaas ang paa kahit ang laki na ng tiyan. Lumapit ako para ibaba ang paa niya.

" Alonah buntis ka hindi mo na dapat ginagawa ang pataas taas mo ng paa. Baka naman feeling mo nakalunok ka ng pakwan kaya okay lang sa iyo" Pagsesermon ko.

" Ang tagal mo kasing dumating. Nasaan na iyong pinabibili kong flower?" Napabuntong hininga ako.

Hindi lang ito loka loka siraulo din. Ewan ko kakaiba ang mga trip niya sa buhay. Dahil sa teynga ko ilalagay niya ang bulaklak na bibilhin ko. Tuwang tuwang pa ang loka loka habang ginagawa niya iyon.

Tapos minsan nagpabili ng manggang hilaw isang kilo. Aba akala ko siya lalamon ako naman pala. Kaya ang bakla sumakit ang tiyan at isang araw na pumururot.

" Sorry baby hindi ko nabili may nangyari kasi" Naupo ako sa tabi niya at inakbayan siya. Inamoy amoy ko ang pisngi nito.

" Anong nangyari?! May nangholdap sa iyo?! Nasaksak ka!" Sinipat niya ang kili kili ko at itinaas pa ang damit ko. Napatirik ako ng mata. Ako nasaksak? Eh di sana hindi na niya ako nakausap. Siraulo din eh. Heto na naman kami.

Pinigilan ko ang kamay nito ng sinimulan na niyang baklasin ang sinturon ko. Aariba na naman ang babaeng ito. Mapapagod na naman ang beauty ko.

" Alonah walang masamang nangyari sa akin okay. Huwag ka ngang OA diyan" Wika ko. Hinalikan ko ang labi niya para tumigil na siya.

" Ehh.. Hindi mo naman kasi nililinaw. Duh." Tumirik ang mata ko.

" Kasi nakita ko si Amanda sinasaktan siya ng nobyo niyang si Redentor. Naawa ako sa kanya hindi niya deserve ang tawaging bitch. Kaya sa sobrang inis ko sinapak ko ang gago" Nanlaki ang mata ni Alonah sa kuwento ko.

" Talaga sweety pie sinapak mo ang walanghiyang iyon?! Tama lang sa kanya iyon. Kung bakit kasi pinagtitiyagaan ni Amanda ang lalaking iyon" Yumakap sa akin ang baby ko. "Alam mo sweety pie ko napakaswerte ko sa iyo kasi bukod sa pogi ka sobrang bait pa." Hinagkan ko ang buhok nito. Hinaplos haplos ang braso nito at tinapik tapik.

Napangiti ako. Masuwerte din naman ako kay Alonah dahil bukod sa maganda ito mahal na mahal niya ako mula noon hanggang ngayon. She deserve to be loved.

" I love you so much baby" Sambit ko sa kanya. Napatingin ako kay Alonah. Nakanganga na. Nakatulog na ang lola niyo. Humihilik pa ang buntis na sawa.

Binuhat ko na ito at pinasok sa silid namin.

Iniisip ko ang kalagayan ni Amanda. Sana naman mapag-isipan niya ang sinabi ko. Pero parang hindi naman niya ito susundin dahil mahal na mahal niya si Dimasalang.

Ang pag-ibig nga naman. Napatingin ako kay Alonah. Example na lang kami. Hindi ko aakalaing maiinlove ako sa babaeng ito. Hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko. Parang ikamamatay ko iyon. Wow ang bakla inlababo na. Yes, I am so much in love with her.

Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13

BARAKO SERIES: #2  Seduce Me  (Stefano Dela Costa Story) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon