Chapter 21

18.1K 543 21
                                    

Hinilot ko ang batok ko feeling ko magkaka stiff neck ako. Sobrang dami kong pipirmahan ngayong araw. Halos buong araw ko yata gagawin ang pagpirma at pagbabasa ng mga papeles.

" Sweety pie kumain ka na pinagluto kita ng lunch mo!" Napangiti ako ng makita ko si Alonah. May dala itong basket na malaki naglalaman ng mga pagkain. Para lang siyang magpi-picnic. Ang dami naman yatang niluto nito kami lang naman ang kakain. Oo nga pala masiba ang isang ito. Tumayo ako para salubungin ng yakap ang girlfriend ko. We are officially in a relationship na.,Kinuha ko ang basket at inilipag sa table ko. Tsaka ko siya niyakap ng buong higpit.

" Baby I miss you" Totoo naman na-miss ko si Alonah. Ewan ko ba hindi buo ang araw ko kapag hindi ko siya nakikita. Parang may kulang.

" Ano ka ba sweety pie magkasama lang tayo kagabi para namang isang taon naman na hindi tayo nagkita. Gravity, huh?" Nangingiting wika nito. Hinagkan ko ang tungki ng ilong niya. Napangiti ako.

" Because I love you" Kinurot niya ako tagiliran kaya napalayo ako sa kanya. Halos mamula na ang pisngi ni Alonah sa sinabi ko.

" Ikaw talaga ang clingy mo." Napanguso ito. Pinasandal ko siya sa dibdib ko. Nasa ganoong tagpo kami ng pumasok  ang mga barako kong pinsan. Ano na naman kailangan ng mga ito?Napatingin kami pareho ni Alonah.

" Oh? Nadistorbo yata namin ang moment niyo?" Sabi ni Noah. Ang lalaking mas tigang pa sa El niño.

" Mukhang ayos na ang buto buto ah?!" Segunda naman ni Isaac ang lalaking habulin ng babaeng siraulo. Nagkatawanan pa sila. Parang gusto kong pag-umpugin ang mga walanghiya!

" So peace na kayong dalawa? Kailan ang kasal?" Tanong naman ni Logan ang lalaking torpe kahit ang laki ng katawan.

"Honeymoon stage na ba?" Wika naman ni Jacob ang lalaking siraulo din. Hindi makaporma sa asawa. Naupo ang mga pinsan ko. Aba wala yata ang dalawang pinakamatanda?

Bigla kaming napatingin ng bumungad ang dalawang matanda. Si Kuya Mikael at Kuya Alexandro. Napairap ako.

" Alonah ikaw pala iyan. Oh, good thing okay na kayo ni Stefano. Hindi halata ah?" Biro ni Kuya Kael.

" Aariba na ang kapatid ko. Good job bro" Ito naman mukhang ariba. Hindi naman niya kayang umariba kay Melissa.

"Ano'ng ginagawa niyo dito?!" Singhal ko sa kanila.

" Aba huwag kaming tanungin mo. Ininvite kami ni Alonah dito kaya nandito kami." Sabi ni Kuya Kael. Napatingin ako kay Alonah napa-peace sign pa ito.

" Dahil nandito na kayong lahat I have a special announcement." Napakunot noo ako sinabi ni Alonah na special announcement. Ano na naman bang balak nito?

" Wow engaged na kayo?!" Tanong ni Isaac. Kailan naman ako nagpropose. Kahit nga sa panaginip hindi ko pa nagagawa.

Umiling iling lang si Alonah. Napatingin ako sa mga pinsan at Kuya ko mukha silang mga abnormal na nakatunghay sa amin ni Alonah.

May kinuhang bagay si Alonah sa bulsa nito at pinakita sa kanila. Nagsalubong ang kilay ko sa hawak.

Nanlaki ang mga mata ng pinsan ko. Nagtataka naman akong napatingin sa kanila. Ano ba kasing itong ginagawa ni Alonah.
Napaharap sa akin ang baby ko.

"Sweety pie you're going to be a Daddy. I am two months pregnant!" Nakangiting anunsyo nito. Buntis lang pala akala ko naman.. Bigla akong napatulala ng marealize ko kung anong ibig sabihin ni Alonah. Dahil sa nalaman ko biglang nagdilim ang paningin ko. Nahimatay ang beklash. Isang malakas na tapik ang nagpagising sa mahaba kong pagkakatulog.

" Hoy, baks grabe ka mahimatay ah buong araw! Hindi ko keribels" Sabi ni City. Nakaupo siya sa gilid ng kama na kinahihigaan ko. It means inuwi nila akong tulog ang beauty ko.

Sino naman kasi ang hindi mahihimatay sa balita. Magiging Daddy na ang bakla. Oh, hindi ba nakakahimatay iyon.

" Na bigla ako sa sinabi ni Alonah." Ang bilis ko naman nakabuo? Isang beses lang iyon. Isang beses ba? Nakailang round pala kami.

" Hoy, baks magiging Daddy ka na! Naku hindi ka na bakla!" Sigaw ni City. Tinakpan ko ang bunganga niya ng biglang bumukas ang pinto at nagsipasukan ang mga pinsan kong mga macho.

" Gising na pala ang new Daddy!" Sabi ni Kuya Kael. Napatayo si City at pinuntahan ang asawa. Napaismid ako ng maghalikan sa harapan namin ang mag-asawa. Ang landi huh?

" Sa bahay niyo na iyan ituloy!" reklamo ni Noah. Kaya natawa kami sa kanya. Tigang kasi.
Napairap si City sa amin.

" Inggit lang kayo!" Masungit na sabi nito. Mukhang buntis na naman ang gaga. Ang sungit at konting dikit lang kay Kuya Kael parang may magnet. Ayaw ng kumawala.

" Congrats Stefano magkakaanak ka na." Napangiti ako kay Kuya Logan.

" Salamat"

"Sweety pie tabi tayo matulog huh? " Yumakap ito sa beywang ko. Hinaplos ko ang pisngi nito. Nagpasya kaming magsama na ni Alonah habang pinagbubuntis niya ang panganay namin. Para maalagaan ko na din siya.

Hanggang ngayon hindi ko pa din mapaniwalaan na mapapamahal ako sa babaeng ito.

Walang ginawa si Alonah kung hindi iseduce ako. Pero nagtagumapay naman ang sawa. Dahil ngayon nag-uumapaw na ang nararamdman kong pagmamahal para sa kanya.

" Of course baby" Hinalikan ko ang kanyang labi.

" I love you sweety pie ko." Sabi nito.

" I love you too baby" tugon ko sa kanya.

" Magkakaapo na ako! Sana naman babae ang magiging anak niyo para naman mayroon akong inaayusang apo." sabi ni Mame.

Inakbayan ko ito at hinalikan sa noo.

" Malay niyo Mame babae ang baby namin."sabi ko.

"Kailangan niyo ng magpakasal! Hindi puwedeng malaki na ang tiyan ni Alonah eh wala ka pang plano sa kasal?!" Napabuntong hininga ako. Balak namin kapag nanganak tsaka kami magpapakasal. Ayaw ko naman mastress si Alonah sa paghahanda sa kasal.

" Mame ayokong maapektuhan ang baby namin sa pag-aayos sa kasal namin. Rember Mame first apo niyo iyon." Wika ko .Para naman narealized ni Mame ang punto ko.

" Okay anak para sa ikabubuti ng apo ko. Excited na ako anak sa magiging apo ko!" Nakangiting sabi ni Mame. Ako din naman I'm so excited sa baby namin ni Alonah. Magiging mabuti akong ama. Kahit na ganito ako gagampanan ko ang pagiging tatay sa anak ko.

(A/N: Merry Christmas to all of you! Sensya na maikli ang update ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


(A/N: Merry Christmas to all of you! Sensya na maikli ang update ko.  Puyat at pagod ang lola niyo. Bawi ako next time.)

Copyright©2018
All RightsReserved
By coalchmber13

BARAKO SERIES: #2  Seduce Me  (Stefano Dela Costa Story) COMPLETEDWhere stories live. Discover now