Chapter 8

17K 535 29
                                    

" Anak nasa baba ang masugid mong manliligaw" wika ng Mommy ko. Napabuntong hininga ako. Ang kulit talaga ng lalaking iyon. Ilang beses ko ng sinabihan na may boyfriend na ako pero walang effect.

" Sige po Mom" Inayos ko lang ang damit ko hindi na ako nagbihis nang iba. Pangbahay lang itong suot ko. Pagbaba ko ng hagdan nakita ko na ang pogi at macho kong manliligaw. Kahit naman nakukulitan ako sa kanya naging kaibigan ko na siya.

" Hi Tom!" Bati ko sa kanya. Tumayo ito para bigyan ako ng halik sa pisngi ko. Umupo kami pareho sa sofa. Ibinigay niya sa akin ang bulaklak na favorite ko ang ilang ilang. Oh, di ba unique. Ilalagay ko sa room ko para mabango.

" Thank you." Nakangiting sabi ko inamoy ko ang bulaklak. Nakaka relax ang amoy ng ilang ilang.

" I want to invite you to have dinner later? If it's okay to you?" Napaisip ako kung papayag ako. Aba malilibre ako ng pagkain. Naiinis ako kay Stefano ngayon kaya kailangan ko mag-unwind. Nagkakawrinkles ako sa baklang iyon. Ang landi landi niya. Sarap sapakin ng halik at bugbugin ng himas. Kainis naman kasi. Para maibasan naman ang negative vibes na bumabalot sa buong pagkatao ko. Kailangan kumain ng libre. 

" Sige ba hindi ako humuhindi sa pagkain. Aba bawal tanggihan ang grasya." Napangiti si Tom sa pagpayag ko.

" Mga 6:00 susunduin kita dito. " Nakangiting wika nito.

Nagpaalam na din kaagad si Tom dahil may ka meeting pa daw siya. Bago umalis hinagkan niya ang noo ko. Kailangan ko muna magpa-beauty rest. Matutulog muna ang mayora niyo.

Nakipagkamay si Stefano sa ka deal niya ngayon na si Mr. Demetrio.

" Thank you Mr. Demetrio for this great deal. Makakaasa kayo na hindi niyo pagsisihan ang pagkuha sa amin" Wika ko.

" I'm looking forward Mr. Dela Costa."

Nagpaalam na din ito kasama ang Secretary nito na kanina pa kindat ng kindat sa akin. Gusto ko ng sabunutan ang babae. Ang landi landi niya. Alam niyang nasa meeting kami ng boss niya kung makapagseduce wagas. Mukha siyang dancer kung makayuko kita na ang cleavage. Hindi ko na lamang pinansin dahil naiimbiyerna ako sa kalandian niya.

Nagutom ako kaya nag-order na ako sa waiter ng makakain ko. Habang naghihintay nagpalinga linga ako. Wala lang para lang may magawa ang leeg ko. Napatingin ako bigla sa dalagang nilalang na pumasok. Nagsalubong ang makakapal kong kilay. Si Alonah iyon at may lalaki itong kasama. Matangkad at guwapo ang kasama nito. Nakahawak sa beywang ni Alonah ang lalaki. Ang hitad naman parang tuwang tuwa pa na may humahawak sa beywang niya.

Para akong nainis sa nasaksihan ko. Naupo ito sa malapit sa kinauupuan ko. Hindi nila ako napansin kaya pinagpatuloy ko lang ang pagmamasid sa kanila. Nag-order ng pagkain ang lalaki. Nang dumating na ang pagkain gorabels agad si Alonah na kumain. Ngingiti ngiti ang lalaki kay Alonah. Nainis ako sa nakikita ko.

Namalayan ko na lamang naglakad ako palapit sa kinaroroonan nila.

" Hi Ms. Alonah." Bati ko sa kanya. Napaangat ng tingin si Alonah. Expected kong pupulupot sa akin pero hindi niya ginawa. Inisnab ang beauty ko. Aba himala?

" Do you know this guy?'Tanong ng kasama nitong lalaki.

Napatingin ulit sa akin si Alonah na parang bakit nandito ka look. Tinaasan ko siya ng kilay.

" Oo. He is my boss" Tipid na sabi nito at pinagpatuloy ang paglamon. Hanggang ngayon masiba pa din siya kumain. Yun nga lang hindi na siya mataba.

" Oh, you must be Mr. Stefano Dela Costa. Nice meeting you." Tumayo ang lalaki at nakipagkamay na lugod ko namang tinanggap. Buti pa itong isa okay naman pala siya.

BARAKO SERIES: #2  Seduce Me  (Stefano Dela Costa Story) COMPLETEDWhere stories live. Discover now