Wakas

29.1K 783 78
                                    

Matiwasay kong nailabas ang baby boy namin. Mukhang tanga lang si sweety pie manganganak na ako't lahat tsaka naman siya natulala.

Buti na lamang dumating si Mommy sinundan niya ako dahil nag-alala daw siya na baka mapano kami ni baby. Kaya siya ang nagdala sa akin sa hospital. Ang bakla naiwang nakatulala

Nakita kong nakatulog sa tabi ko si sweety pie ko. Hinaplos ko ang kanyang buhok. Nakakatuwa dahil kamukhang kamukha niya ang baby boy namin. Iyon naman ang wish ko.

Napaungol si sweety pie. Napadilat ito ng mata. Isang matamis na ngiti ang binigay niya sa akin na nakapagpakilig sa bagong panganak.

" Are you feeling okay baby?" Tumango ako. Napaayos ito ng pagkakaupo ginawaran niya ako ng isang halik sa labi.

" Thank you sweety pie for giving me a handsome baby boy." Sabi ko.

Hinawakan ko ang panga ni Stefano. Ang pogi pogi talaga nI sweety pie. Ano ba iyan parte pa din ba ito ng paglilihi nanganak naman na ako. 

" Ako dapat magpasalamat sa iyo baby. Dahil kahit ganito ako isang hamak na bakla minahal mo ako kagaya ng isang tunay na lalaki." sabi nito.

Noon pa man mahal na mahal ko na si Stefano. Kahit ng malaman kong bakla siya hindi nagbago ang nararamdaman ko para sa kanya.

" Wala naman sa akin kahit bakla ka pa. Hindi mahalaga iyon ang pinakamahalaga mhal kita at mahal mo ako. Ikaw ang kaligayahan ko sweety pie kung wala kahindi ako magiging masaya sa buhay." napayakap ako kay Stefano napaiyak ako dahil sa kasiyahan.

" Hush now baby hindi naman ako magbabago. Lalo pa ngayon may anak na tayo." tumigil siya sa pagsasalita napatitig ako sa guwapo nitong mukha. May kinuha sa bulsa nito-isang kahon at binuksan niya ito . Nakita ko ang laman isang singsing. Hindi ko alam kung maluluha ako or ngangawa ako.

Napatawa si Stefano ng ngumawa ako.

" Ito ang pinakahihintay natin baby. Sa lahat ng pinagdaan mo deserve mo ang mahalin ng totoo. I love you baby ikaw ang nagbigay ng liwanag sa buhay ko. Ikaw ang babaeng bumuo sa pagkalalaki ko at ikaw ang nagmahal ng totoo sa akin kahit nabubutas ang bulsa ko kapag nagugutom ka ay ayos lang basta mabusog ko lang ang pinakamamahal kong babae sa balat ng lupa. Baby.." nakita kong napapaluha na si Stefano habang nagspeech sa harapan ko. Ako naman ngumangawa habang nagpropose sa harapan ko. " Will you marry me?" tanong nito sa akin.

Hinampas ko si Stefano sa balikat.

" Aba oo naman! Yes of course! Sí! Ja! Hai!" iba ibang language na ang nasabi ko.

Natatawa na isinuot ni Stefano ang singsing. Nagulat kami ng may nagpalakpakan. Hindi namin nakita na nandito na pala sila Mommy at Tita kasama pati ang mga pinsan at kapatid ni Stefano.

" Congratulation!" bati sa amin ni Mommy. Napayakap ako sa kanya. Kaya napangawa na naman ako.

" Mommy ikakasal na ako!" iyak na wika ko.

❤❤❤

" Look sweety pie ang baby boy natin ang pogi pogi!" hinagkan ko ang maliit na noo nito. Ang tangos tangos ng ilong nito at ang hugis ng labi niya kagaya ng kay Stefano.

" Yeah he is so handsome." hinaplos niya ang ulo ng anak namin gamit ang daliri ni Stefano.

" Ano ipapangalan natin sa kanya sweety pie?" tanong ko. Napangiti ng malawak si Stefano.

" I want to name him Maximus. Meaning greatest maganda baby?" napaisip ako maganda nga. Manly ang tunog ng name.

" Oo, maganda sweety pie" napangiti ako. Napasulyap ako sa baby boy naming dumedede sa dibdib ko.

BARAKO SERIES: #2  Seduce Me  (Stefano Dela Costa Story) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon