Chapter One: Why She Existed

4K 55 1
                                    

Note: Flesh-quaking Scenes ahead. Reading is like jumping into the fire.

Napahikbi na naman si Cassandra habang nakatangko sa mesa. Nakaharap sa kanya ang mug na may printa ng mukha ng hinayupak niyang ex-boyfriend na si Julius.  Ito ang walang-modong kasintahang tumastas ng puso niya ngayon.  Ang kasintahang minahal niya ng lubos at ang siyang naging prospect niya na magiging kabiyak sana. Itinuloy niya ang paghikbi habang pinandidilatan ang mug ng tingin.

"Oh sha eto, kape ka muna mukhang malamig pa sa bangkay ang tingin ko sayo." Pinuno ng kaibigan niyang si Margarita ang mug ng mainit na tubig. Nilagyan ng 3 in 1 coffee at saka naghila ng upuan sa harapan niya.

"Wala man lang bang creamer?" Napaayos siya ng upo at pinahid ng palad ang kanyang luhang namutawi sa mata.

"Wag ka ng maghanap ng creamer hindi ako nakapag-shopping. Mamayang alas nuebe pa ang bukas ng mall." Bumusangot ng husto ang mukha ni Cassandra.

"Pati ba naman sa kape bitter na rin." Walang ganang daing niya't malantang nilugay ng kutsarita ang laman ng mug.

"Bakit ba kasi ang hilig mong sumugod sa boarding house ng napakaaga. Nakapantulog pa ako oh." Ang kaibigan niya na halatang nabulabog sa biglaan niyang pagdating.

Kasalukuyan siyang naghahanap ng kadalamhati sa boarding house ng kaibigang si Margarita. Ito agad ang una niyang binalitaan tungkol sa paghihiwalay nila ni Julius isang linggo na ang nakakaraan. At siyempre dahil close nga silang dalawa ay labas-masok lamang siya sa boarding house nito nagpapasuyo kung ano ang nararapat niyang gawin.

"Hanggang ngayon ba naman Cassandra hindi pa rin nagsi-sink in diyan sa natsugi na utak mo na ipinagpalit ka na ng mukhang-ogre mong kasintahan." Pangaral ni Margarita sa kanya. She's a determined and strong woman alam iyon ni Marga kaya first time itong umiyak siya. The hell, sinong babae ba ang malakas kung one week pa lamang since the break-up. At ang masaklap pa ay sa taong inisip mo ng i-altar. 

Nakatangko uli siya at ngayo'y patulo na naman ang pabebeng luha sa mata.

"Eh masakit talaga eh. Alam mo namang totoong minahal ko si Julius di ba? Three years din kami at sa loob ng tatlong taon na yun ay hindi ako tumingin sa iba."

"Ayun! Hindi ka kasi tumitingin sa iba kaya masyado kang nabulag sa pagmamahal mo sa kanya. Alam mo ba yung kasabihang the more focus you are to that single thing the more vulnerable you are. Tingnan mo hindi mo namamalayang may iba na palang kabuteng gumapang sa takte mong ex." panunudya nito sa kanya saka buong nilagok ang laman ng mug.

"So ako pa ang may kulang ngayon Marga. Gosh, saan ba ako nagkulang ibinigay ko naman sa kanya ang lahat ah. Kulang pa ba ang pagmamahal ko sa hinayupak na yun." Lalong nagsingkit ang noo niya, lagkit siyang napahagod ng buhok at padaskol na nilagok ang mug.

"You know what. That's you're problem masyado mo kasing niluho si Julius sa love mo kaya ayun madaling nagsawa. You should not give your hundred percent to the man dahil iisipin ng mga iyan na sobrang attach ka na sa kanila kaya madali ka na lang nilang iwan. Dapat hindi lang ikaw ang nagco-contribute sa relasyon niyo, both parties should. Gets mo." Sinundan niya ng tingin ang kaibigan na nagtungo sa lababo bitbit ang mug nito.

"Is that why Oppa is still with you?" Pangusong tanong niya na may kasamang lumbay.  She saw a sudden flare of sadness sa mata ng kaibigan niya ngunit nawala rin agad iyon.

"Exactly, i didn't give them motives to find me boring. Dapat magbigay ka ng spice that is new to the man every now and then para hindi ka iwan." sumandal paharap sa kanya ng kaibigan sa lababo. "Tingnan mo kami ni Oppa, four years and counting na." Ang tinutukoy ng kaibigan niyang "Oppa" ay ang half korean nitong kasintahan.

Mistresses Badge Club One: Cassandra, The Engagement WreckerWhere stories live. Discover now