Chapter Twenty Six: The Truth Unveils

1K 17 5
                                    

                                        LETHALLY LETHAL CHAPTER

Quote to Remember:

"I am already involved- Tita. And I sincerely want to get involved."

Cassandra Jilonan's

Pumanaog si Cassandra ng hagdan ilang minuto matapos siyang magising mula sa mahimbing na pagkakatulog dahil sa sobrang pagod. Inikot kasi nila ni Jethro ang buong espasyo ng King size bed. Umabot pa sa puntong naghahabulan sila hanggang sa banyo dahil ramdam pa niya ang mamasa-masang undergarments niya sa katawan. Although hindi iyon ang unang beses na makasiping niya ang lalaki ay hindi niya maiwasang makaramdam ng kakaibang emosyon. Tila kumulo ang lahat ng veins niya sa katawan at nagsitaasan ang kanyang mga balahibo. Jethro's rendition of sex is very define, vivid and subtle. Bigay na bigay kung tawagin at todong-todo ang bawat galaw nito. Kahit na siya mismo ang nagdomina mostly ng ginawa nila kanina ay hindi pa rin niya mapigilan ang sarili na maanod sa kakaibang halik at pagbayo ni Jethro sa pagkababae niya. He was trail blazing like a hurricane in a chilly breeze of the December night. Three hours of rummaging their hearts out and sharing the same breath is a complete delight. Nawala ang pangangambang nabuo sa utak niya dahil sa pagsulpot ni Jillian. Ang hapong naramdaman niya in the end ay hindi isang malaking regret kundi isang malaking satisfaction. She felt Jethro's heart completely hers, she felt Jethro's love for her and his need to touch her. Iyon rin ang naramdaman niya. She's laying everything off on the sheets and gave all her damn dahil alam at ramdam niya ang totoong damdamin ng binata para sa kanya- atleast that's what she believes in.

Nitong mga nakalipas na araw ay hindi nagging payapa ang isipan ni Cassandra. Hindi siya nakatulog nag maayos sa pag-aalalang totoo ang mga sinabi ni Jillian sa kanya. Subalit ng makapag-usap sila ni Jethro kanina ay tila bumalik ang kapayapaan sa utak niya. Kaya pala hindi nagpakita ang lalaki sa kanya ng nitong mga nagdaang araw dahil nabisi ito sa pag-aasikaso ng negosyo. Hindi rin nito nagawang tumawag dahil nasa isang conference ito sa Cebu. Marapatin man raw nitong tumawag ay hindi raw nito maisingit dahil sa dami ng mga dapat gawin at asikasuhin.

Nagmasid si Cassandra. Maganda ang mansiyon ng mga Silvestre, The paintings on the wall are antique pero dahil sa regular na paglilinis ay mukha pa rin iyong bago. Kahit hindi iyon ang unang beses na nagtungo o dinala siya ni Jethro sa mansiyon ay ito ang unang beses na nagkaroon siya ng pagkakataon upang pagmasdan ang kabuuan ng bahay, Hindi mawala-wala sa bawat sulok ng kwarto ang samu't saring kulay ng mga bulaklak na naka-adorno sa malalaking mga antique Chinese engraved vases. Kaakibat rin sa mga painting ay ang mga palamuting kahoy tulad ng mga wood carved na ulo ng raindeers, mga baril na nakasilid sa malaking thick glass at inilagay sa magandang hulma ng frame. Tumuloy si Cassandra sa pagpanaog, nadatnan niya ang isa sa mga katulong na nagpupunas ng malaking salaset. Tumingala ito sa kanya sa baitang at ngumiti kuwa'y ipinagpatuloy muli ang ginagawa. Mula sa paarkong makintab na French decored stairs na kinatatayuan niya ay kita niya ang dalawang malalaking painting ni Don Fructoso na nakasabit sa magkabilang gilid. Ang isa ay kung saan naka business suit ang Don at nakahawak sa sariling baba, kunot ang noo at tila aburido ng kinunan sa naturang litrato. The second picture was more calm, hindi iyong parang napilitan lamang na magpa-picture. Masyado rin siyang bata sa pangalawang picture, siguro nasa mid-30's pa lamang ng kinunan, wala pang kulubot ang balat at noon pa ma'y hindi maitatangging may ipinagmamalaki ring kagwapuhan. Namumukod-tangi ang litratong iyon lalo pa't ito lamang ang nag-iisang litratong nakasabit sa dingding- ang malaking ipinagtataka ni Cassandra. Wala man lang kasi siyang nakitang kahit ni isang larawan nilang magpamilya. Tila ba wala silang koneksiyon sa isa't isa, ni minsan ay hindi rin niya nakita sa iisang lugar ang mag-amang Don, tanging si Donya Trinidad lamang at Don Fructoso ang nakikita niya sa tuwing lalabas ito ng mansiyon upang um-attend ng mga gatherings at kung anu-ano pa. Kahit sa mg tabloids at pamprobinsiyang magasin lamang niya nakikita ang larawan ng mga ito ay wala pa sa hinagap na nakita niyang naghawak ng kamay ang mag-asawa.

Mistresses Badge Club One: Cassandra, The Engagement WreckerWhere stories live. Discover now