Chapter Three: Camp Move On, A Healing Place

1.9K 42 2
                                    

Note: Read at your own risk

The cloud once turned into blue and all the flowers bloom in beautiful hues, then there's the storm, the cloud turns gray and now flowers have thorns you will see.

Cassandra looks like a corpse in the casket. Her whole presence was completely disorganized. Four days of unbathed body and soul, uncombed frizzy hair strands, scattering like a bush.  Her pink tee-shirt who looks like a rag ambled with her dusty maongs. And her very eyelids shadowed as dark as the unstarry nights of cloudy season. She looks worser than a zombie.

Ten minutes ago she was crying and for the nth time she was crying again non-stop. For the record, hindi na mabilang ng mga daliri niya sa kamay at paa kung ilang beses na ba siyang umiyak. The night after the painful confrontation with Julius made her tears burst without refrains. She was just acting and pretending that she's okay, but no she's not. Cassandra isn't a type of woman who forgets things easily, especially those who have great value. Oo, palaban siyang babae pero pagdating sa mga taong mahal niya ay nalulusaw iyon.

Iwinaksi niya ang kurtina sa tinutuluyang apartment para makapasok ang ilaw. Naningkit ang kanyang mga mata sa liwanag na nasamid. Her eyes were heavy, parang singkwenta kilos ang eyebags niya. Nagtungo siya sa refrigerator upang magsalok ng tubig. Sa nakalipas na limang araw ay tubig ang naging pagkain ni Cassandra. She was too tired to cook and do anything, naka-stock ang lahat ng pagkain niya sa ref ngunit tinatamad siyang magluto. Her body wouldn't do anything other than to lay at magdamag na umiyak. For five days she had lost contact with the outside world, para siyang naging isang monghe sa ginawa niya. No phones. No Social Media's at kung anu-ano pa. Even her friend who calls her non-stop declines in the end, hindi niya ito sinasagot.

Ganito ba ang way ng pagmo-move on? She once asked herself. Kung ganito naman pala ang mararanasan niya ay sana hindi na siya pumasok sa isang relasyon. The hell with Julius, hindi niya matanggap-tanggap na magagawa sa kanya ng tipaklong na yun ang ganitong bagay. Akala pa naman niya ay papunta na sa altar ang lahat. But she doesn't realize that she's expecting too much. Ngayo'y eto siya, mukhang muntanga sa ginagawang pagluluksa sa haliparot na lalaking gumunting ng pagsinta niya.

Saglit lamang na humupa ang pag-iyak ni Cassandra, the moment her eyes were glued on the black trash bags kung saan nakasilid ang lahat ng mga gamit ni Julius ay nagsimula na namang mag-alpasan sa pagtulo ang luha sa kanyang mga mata. She couldn't bear to watch how she will throw the things out. Hindi niya ma-contain ang sariling umiyak habang iniisip na kalimutan ang tatlong taong relationship nila ni Julius. Initsa niya sa sink ang baso, wala na siyang panahon pa para maglinis, para ano pa ba ang gagawin niyang pag-aayos kung hindi din lang naman babalik si Julius sa kanya. That would be useless.

Umupo siya katabi ng mga trash bag. Isinilid niya ang huling picture frames ng mukha ni Julius na ginuhitan niya ng sungay. She was determined to throw all the things. Pati ang mga teddy bears na regalo sa kanya ng lalaki ay iba na ang tingin niya, kung noon ay ito ang humehele sa kanya upang makatulog ngayon ay ito ang dahilan ng kanyang sleepless nights.

Nakasilid na ang lahat ng mga gamit na bigay ni Julius, ready to be thrown. The room was empty, ngayon lamang niya napagtanto na ang memorabilya ng ex lamang pala ang nagpaparami ng mga gamit niya sa loob. Yung mga gabanderitas na human size picture nilang dalawa ng huli, mga larawan na sinadya niyang ipasilid noon sa gadambuhalang frames, laminated pick-up lines na idinikit niya sa tatlong makakapal na albums at mga pagku-cute na stuff toys na ngayo'y tingin niya'y de malas ang laman ng apat na trash bags.

Nagpagpag siya ng sarili matapos maglibot ng tingin upang siguruhing wala na talagang gamit na naiwang nakasabit o nakasukok sa saang sulok ng magulo at di nasisinagan niyang kwarto.

Mistresses Badge Club One: Cassandra, The Engagement WreckerWhere stories live. Discover now