Chapter Twenty: Knowing and Owning Him

963 26 5
                                    

Note: The title of this chapter itself is a warning. Go beyond the chapter and you'll read wilder things. Virgins keep out!!

Line to Remember:

"Own me Jethro. Make me believe in your sincerity".

Cassandra's

Alam niyang nagulat si Jethro sa ginawa niya. Out of the flying saucer, bigla-bigla na lamang kasi niya itong itinulak palayo. Masisi ba niya ang sarili kung maging siya ay nagulat rin ng biglang sumulpot si Donya Trinidad.

"Anak kanina ka pa ba naka-uwi? I didn't heard you're car came in, o masyado lamang akong naabala sa pag-aarange ng mga bulaklak sa itaas." bungad nito. Hindi na ito sa kanya nakatingin ngayon. Papalapit ito kay Jethro na nakatalikod sa gawi nito. Nang marinig ang boses ng ina ay hindi man lang nilandasan ng kaunting pag-aalala ang mukha ng binata. Compose na compose itong humarap sa ina at ngumingiting yumakap rito.

"Iyong Chevrolet niyo ang ginamit ko Mom. Matagal na rin kasing nakatengga iyan sa garahe. I just did a test run." Tumabi ito pabalik sa kanya. Naupo naman ang ginang sa harapan nila. Naiilang si Cassandra habang nakaharap rito. Gusto niyang magpalamon sa sofa. Kung kanina pa nakatayo ang ginang sa may hagdan ay tiyak niyang narinig at nakita nito ang ginagawa nilang dalawa ni Jethro. Wala siyang mukhang maihaharap rito.

"Oh how rude of me Mom. I want you to meet, the loveliest lady I have here... Cassandra Jilonan." Lumipat ang tingin niya sa ina ng lalaki. Ang buong akala niya ay sisimangutan siya nito, yet the exact opposite to it. Wide smile painted on it's taughty red lips habang isinasahod ang mga  palad sa kanya.

"Hello hija nice to meet you. My son really knows how to choose beauty."

Nag-aalinlangan siyang ngumiti at tinanggap ang kamay nito. "H-hi po. Magandang araw p-po." with a bow.

"Drop the formalities hija. Masyado kang pormal, hindi pa naman ako matandang matanda. I am still on my forties may plus nga lang." Gumaralgal ito ng kaunting tawa. Somewhat, she like her. Magaan kausap si Donya Trinidad. Bagets na bagets kung makipagtalastasan. At hindi niya ito nakitaan nang kaunting gaspang ng ugali. She was very natural on all corners.

Kahit nasa forty plus na ito gaya ng naunang sinabi. Tila mas bata ito ng isang dekada kumpara sa Mama niya na magkasing linya lamang ang mga edad. Maputi ang balat nito at pormal na pormal ang pananalita at tindig. Although she could see a few wrinkles ay hindi natabunan nito ang alindog ng kabataan nito. She could see the resemblance of her face to Jethro's physicale. Namana nito ang mapungay na mata at maging ang matangos na ilong. She could see that their heredity were born pretty and attractive. 

"'Di mo sinabi na darating pala ang bisita mo Jethro. I should have prepared something for her."

"Ay. It's okay po. Hindi na po kailangan iyon Maam." aniya sa nahihiya at namamaos na boses.

"I said drop the formalities hija. You can call me Tita..." lumuwang ang ngiti sa mga labi nito at inabot ang kaliwang kamay niya upang hapuhapin. "Anak, bakit hindi mo sinabi na may darating ka palang bisita. Kung sinabi'y mo'y nakapagpapitas sana ako kay Satur ng mga prutas at bulaklak."

"It's my surprise to you Ma. At isa pa sinabihan ko na si Amboy na pumitas ng mga prutas at bulaklak at ipadala kay Satur rito sa mansiyon."

"I see." Bumalik ang tingin ng ginang sa kanya. Siya lang ba ang nakapansin o nakita niyang kumislap ang mata nito.

"She must be special anak. Ngayon ko lang siya nakita at napansing kasama mo. You haven't mentioned and bought any woman in front of me before."

Nahinto saglit ng dumating ang tatlong katulong. They are serving much sweets than before. Custard rolls and latte at may kasama pa iyong malaking Special Dairy Caucasian Cake.

Mistresses Badge Club One: Cassandra, The Engagement WreckerWhere stories live. Discover now