Chapter Thirteen: That Wild Night Became a Habit

1.4K 27 0
                                    

Note: Flesh-quaking scenes ahead. Not for virgins and conservatives. Beware!

Cassandra Jilonan...

Maagang naligo si Cassandra ng umagang iyon. She felt the need to take a bath. Parang may nagtulak sa kanya na magpa-presko dahil may darating siyang bisita ngayong araw. For instance si Jethro.

"Ate...ate." Napalingon siya sa kapatid ng bigla itong sumigaw. Mula sa kanyang pagkakatiyad upang isampay sana ang kanyang panty na bagong laba ay napagawi ang tingin niya sa tinutukoy nito.

"Si kuya poging mayaman mukhang papunta sa'tin." Kani-kanina lang ay inisip niyang darating ito at natupad agad iyon.

Drop-dead gorgeous physique, perfectly glazed jaws at himalang naka-farmers attire ito ngayon malayo sa palaging sinusuot nitong tuxedo. Nang makarating na ito sa kanilang bakod ay nag-smile ito sa kanya. Nagtaas ito ng balikat hudyat na magpapasundo ito sa kanya. Pabebe muna niyang isinampay ang panty sa sampayan. Hinigpitan niya ang pagkaka-wrap ng tuwalya sa katawan bago ito pinuntahan.

"Naparito ka ata Mr. Silvestre. Is there anything I can offer?" tinanong pa rin niya ito kahit obviously ay siya ang sadya nito.

"I came here to see you. Prangka ba iyon? Sorry Cassandra but I missed you so much." Namula siya sa sinabi nito. Parang nanggigil ang kanyang kalamnan sa narinig.

"Wala ka bang trabaho sa opisina mo ngayon Mr. Silvestre? Mas ginugugol mo na ata ang oras mo sa haciendang ito." Sarkastikong tuya niya.

"Seeing you Cassandra isn't a waste of time. Mas lalo akong gaganahan sa trabaho kapag nakita ka. You're a profit already to my business." macopa-colored ang pisngi niya sa sinabi nito. Daig pa niya ang nakapagblush on ng sampung beses.

"I'm afraid this may affect your social lifestyle Mr. Silvestre. Ang pagpunta mo rito sa hacienda ay baka makakabawas sa pagiging tycoon mo. As you know may ilan na sa mga taga-rito ang nakakaalam na palagi kang pumupunta rito. In particular sa bahay namin."

"Masyado ka talagang pormal Cassandra, Jethro Silvestre for you is okay. At ang sinasabi mong social lifestyle, this is my lifestyle. I came to fetch different women day by day. Ang pagkakaiba lang, you are the only woman who exceed my record of one day meet." Pinigil ni Cassandra ang sarili na mamula ulit, baka kumbulsyunin pa siya sa harapan nito.

"Handa ka ba sa sasabihin ng mga tao? You're name will be tainted dahil sa pagdikit mo sa'kin."
"Worry not my dear. Ang inaalala ko ay ikaw. I already decided to stick around with you kaya handa ka bang madawit sa akin?" Napalunok siya ng laway. Kahit sinabi niya sa sariling handa na siyang makaladkad sa scandal na rr ay natatakot pa rin siya. Ang ina niya ang kanyang inaalala wala naman siyang pakialam sa sasabihin ng mga tao sa kanya. Pero pagdating sa kanyang ina at kapatid, ay nangangamba siya.

"Baka nagsasawa ka na Jeth?" Nasamid dila niya ng bigla-bigla niya itong tinawag ng ganoon.

"If you were the subject ay hindi ako magsasawa Cassandra. Of all things you are the ones who excite me the most."

"I'm blushing Jeth. I'm blushing." Aniya. Sinulot niya ang sarili. Totoo namang nambu-blush siya. Bawat salita ni Jethro ay sadyang may kasamang tamis at hagod sumusuot iyon sa katawan niya.

"Do I have to stand here all day. Hindi mo ba ako papapasukin?"

"Sorry, please come in." Nauna siyang naglakad rito papasok. Nakita niya ang kapatid na nagbibihis ng uniporme.

"Ate papasok na po ako." Ngiti nito sa kanya.

"Teka lang ito ang baon mo." Humugot siya ng trenta pesos sa bulsa ng kanyang pantalong nakatambak sa labahan at ibinigay iyon sa kapatid.

Mistresses Badge Club One: Cassandra, The Engagement WreckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon