Chapter Fifteen: "I Will be Involved by You"

1.4K 20 0
                                    


Note: Makamandag na Eksena. Hindi pwede sa mga virgin at konserbatibo. Maaaring maging dahilan ng sekswal na paninigas.

Cassandra Jilonan...

Kinapa niya ang sariling dibdib. May kung anong kutsilyo ang humiwa niyon na naging dahilan ng pagkirot. Alam ni Cassandra na sa simula pa lamang ay magiging pangalawang babae lamang siya sa buhay ni Jethro. Second to his fiance. Sa simula pa lamang ay wala naman kasi siyang intensyong manatili sa buhay nito. Ang orihinal na pakay lamang niya ay ang makisawsaw sa buhay nito upang mapigilan ang kasal nito at hindi maibenta ang lupang puno ng alaala sa kanya. Using Jethro ay gusto rin niyang ma-divert ang atensyon upang makalimutan ang balugang ex. Pero habang tumatagal ay hindi niya inaasahan na may uusbong na ibang damdamin sa kanyang puso. Hindi pa ito klaro ngayon. Pero hindi siya bobo upang hindi iyon malaman.

She is now starting to care for the man. She is starting to get hurt and be happy kapag nakakasama at nakikita ito. Minsan nga ay nakakalimutan na niya ang mga plano habang kasalo ito sa mga yakap at halik. Cassandra is slowly attach to Jethro at sa sandaling panahon na nagkasama sila ay nabuhay muli ang kanyang damdaming ipinukol lamang kay Julius noon. He is starting to like Jethro with no grounds at all. Kahit pa sa mga balitang naririnig niya ukol sa pagkatao ng lalaki ay tila mas nais niyang mapalapit ng lubos rito. Gusto niyang malaman ang buhay ni Jethro. Hindi man iyon parte ng kanyang orihinal na plano ngunit alam niyang iyon ang nararapat. Hindi siya habang buhay na magtatago sa hacienda upang dalaw-dalawin lamang ni Jethro sa tuwing may pangangailangan ito sa kanya. Gusto niyang personal na kilalanin ang lalaki, gusto niyang makilala ito ng lubos at malaman ang totoong kwento ng buhay nito.

Wala sa isip na natisod si Cassandra sa bato. Kamuntikan na siyang madapa kung hindi lamang siya nakabalanse. Naupo na lamang si Cassandra. Tila nawalan siya ng gana sa paglalakad, lumilipad ang isipan niya sa pag-uusap nito at ni Jillian kanina. Although hindi pa niya nakikilala ng personal ang fiance nito ay halatang istrikta ito at may ipinagmamalaki ang pamilya. Judging from the way she heared kanina ay halatang respetado ang nagngangalang Jillian. Pero bakit nga ba ganoon na lamang ang coldness na nafe-feel niya habang kausap ito ni Jethro. Simula pa noong ayain siya nitong kumain sa labas ay napansin na niyang hindi ito palaging nagkukuwento tungkol sa fiance nito. Besides, palagi ring mainit ang ulo nito kung ang patungkol sa babae na ang pinag-uusapan.

Is their wedding a bribe? Katulad rin ba iyon ng mga napapanood niya sa mga teleserye na ipinagkakasundo ng mga magulang ang anak sa anak ng isang mayamang pamilya? Pero bakit? Kung dahil naman sa pera ay napakababaw na rason niyon. Alam niyang maraming property ang mga Silvestre sa buong probinsiya ng Negros, at hindi sila babansagang business elites ng probinsiya kung hindi successful ang mga negosyo nito. Pero tila may mali talaga sa lahat. From it's sudden announcement to sell the land hanggang sa pagka-engage nito gayong tatlong buwan pa lamang ito rito sa Pilipinas mula sa States. Kaybilis naman ata nilang nagkamabutihan ng Jillian na yun at sa loob ng tatlong buwan magde-decide agad na magpapakasal? Kunsabagay, sila nga ni Jethro na dalawang linggo pa lamang magkakilala ay nagsalo na ng halik sa isa't isa. Pero kahit na. The other side of her head tells her na may kakaiba talagang nangyayari.

She can't let go of the doubt kung talagang mahal nila ang isa't isa, because if Jethro loves her fiance, hindi sana ito maghahanap ng ibang putaheng katulad niya. It's clearer to her na tila hindi nagkakatugma ang estorya. The more reason for her to chase the man, baka may maitulong pa ang mga malalaman niya upang huwag ng maibenta ang lupa and eventually stop their wedding for good.

Nadatnan ni Cassandra ang kanyang inang malungkot na naka-upo sa maliit nilang upuang yari sa rattan. Napansin niya ang paghagod nito ng mata ng maramdaman ang kanyang presensiya bago ito nagtaas ng tingin.

Mistresses Badge Club One: Cassandra, The Engagement WreckerWhere stories live. Discover now