Chapter Four: The Deal She's On

1.7K 30 0
                                    

Note: Flesh-quaking scenes ahead. Reading is like jumping into the fire.

Parang mangingibang bansa silang dalawa ni Margarita sa dami at bigat ng mga bitbit na stroller bag. Her friend insisted na magdala sila ng maraming damit in case na magkayayaang mamasyal pagdating doon. She was carrying her travel backpack na kasingdami ang laman ng kay Dora. Naroon na ang kanyang hygiene kits, two-piece na puwersahang ipinasok ng kaibigan sa loob at iilan sa kanyang mga mahahalagang gamit. On the other hand, her friend is the most excited of them. Kaninang umaga pa ito hindi mapakali sa ginagawang paglilista ng mga kulang. Looking at the three stroller bags and a backpack parang bitbit na nito ang buong apartment.

Isinantabi na muna niya ang matinding paghihinagpis, she won't let her downgraded heartbreak to eat her whole. Ipinokus na muna ni Cassandra ang atensyon sa mga mangyayari sa kanila ng kaibigan pagdating. Apparently, she's enjoying herself to the mood of travelling habang nakikinig sa music.

Napadilat siya ng mata ng umalingawngaw ang boses ng konduktor. Nakapilig ang ulo ng kaibigab sa balikat niya at latang-lata sa pagtulog, siguro ay napagod ito sa kaka-picture kanina gamit ang dala nitong monopad.

Cassandra rub her eyes and strode her sight off the bus. Nabungaran niya ang malaking signage na nagsasabing nasa Sorsogon na sila. Pinukaw agad niya ang kaibigan, iingos-ingos pa ito halatang nabulabog sa ginawa niya.

"Were here Margarita." Ngumuso siya sa signange. Kagyat lang at nabuhayan agad ng loob ang kaibigan niya. Kung kanina ay para itong latang gulay ngayon ay inisang hakbang lang nito ang hagdan pababa. Naroon ng nakatambak ang kanilang mga gamit.

"Eto na po ba lahat?" Tanong ng konduktor sa kanya. Tumango lamang siya. Ang kaibigan ang inismiran niya ng makitang wala itong pakialam sa mga gamit, nauna pa itong nag-inat at malapad pa sa sinkhole ang pagkakangiti. Siguro nga ay excited ito.

"Were here Cas, I am really excited for this. Kay sarap talaga ng hangin dito, tastes like Baguio." Sumingap pa ito at naginat-inat  uli.

"Really Marga? Hindi halatang excited ka." Sarakastikong sagot niya at kinuha ang backpack mula sa pagkakatambak. But Margarita was right. Sorsogon is a place not to be reckoned with. Malamig pa sa ihip ng North pole ang hangin, mabuti na lamang at nagsuot siya ng makapal na jacket dahil kung hindi ay tiyak niyang mangingigkig siya sa ginaw.

"Come on Marga let's go anong oras na." She was too impatient to wait gusto na niyang magpahinga mula sa malayong biyahe. Kailangan niyang magrelax dahil kanina pa umaanghang ang puwit niya sa kakaupo sa bus.

"Relax Cas may susundo sa'tin." Komportableng sagot ng kaibigan niya. Umusog sila patungo sa sakayan kung saan naroong maraming nakaparadang mga taxi at V-hire. Maingay iyon dahil sa naghahalong sigawan ng mga konduktor na nagtatawag ng mga pasahero.

Ilang minuto ay may huminto sa tapat nilang puting van. Binasa niya ang tatak at nakita niya ang signage na Pamela's Paradise. Pinagbuksan sila ng pintuan ng drayber at isinakay sa likod ang kanilang mga gamit bago tuluyang umalis.

"Ang sakit ng puwet ko kanina." Pagsisimula ng kaibigan niya. She wasn't paying attention to what Marga is talking all about mas tuon ang pansin niya sa mga subdivision na nadadaanan nila.

It was really peaceful she thought. Malayong-malayo iyon sa Maynila kung saan hindi siya nakakatulog ng maayos dahil sa basag na boses ng kapitbahay na mahilig sa videoke. Idagdag pa ang bigla-biglang pagsigaw ng kung sinuman kahit madaling araw dahil na-isnatchan ng bag o di kaya'y mamahaling hikaw. Walang palya rin sa balitaktakan ang mga kapitbahay na walang alam gawin kundi pagpiyestahan ng pamumuraot ang isa't isa na tila mga bubuyog. And finally, walang Julius sa Sorsogon. Malayo siya sa taong mahal niya na naging dahilan ng pagkadurog ng kanyang puso.

Mistresses Badge Club One: Cassandra, The Engagement WreckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon