Chapter Seventeen: The Confession and His Offer

1.2K 26 9
                                    

Note: Just Read! I Think you Will enjoy! (Giggles)...

Jethro Silvestre...

"Sa susunod Jethro. Sabihan mo yang mga ikinakama mo na lumugar ng maayos. They should know their place bago nila ako banggain."

"Nawalan na ako ng gana Jillian. Let's continue this some other time." Aniya't nakangiti.

"W-what? Kailangan nating tapusin 'to."

"Jillian wag mong hayaang uminit ang ulo ko, let's stop this for now. Wala akong gana." Binulsa niya ang susi ng kotse.

"Shit that woman! At may pangiti-ngiti ka lang diyan. Do you have any idea how irritating that uneducated woman. At yun pa talaga ang ikinama mo! My gosh Jethro, I am very displeased."

"Go on do what you want! Wala akong pakialam. I already told you before na wala ka ng pakialam sa mga gagawin ko. And Cassandra is out of your business."

"Then, makakarating 'to kay Tito." Inismiran siya ng fiance.

"Tsk. Just do what you want." Walang-pakialam siyang naglakad palabas ng gusali. Narinig pa niya ang panggagalaiti ni Jillian habang naglalakad palayo. He had more important things to do. And what's much important other than his business is Cassandra. Mukhang kailangan niyang i-congratulate ang dalaga for ruining Jillian's day for the first time. He'll give Cassandra a deserving award for letting him escape Jillian's hands. When he said rewards, he mean it pleasurably.

Napahawak ng dibdib si Cassandra. Pagkarating niya ng bahay ay napaupo agad siya sa papag. Kinapa niya ang mabilis na tibok ng kanyang puso. Binura niya ang lipstik sa labi, pinahiran ng wet wipes ang mukha upang matanggal ang make-up. Nagbihis agad siya, kanina pa siya nakakaramdam ng pagkailang sa suot.

"Ate! Ate!" Saktong nakapagbihis siya ay bumukas ang pintuan ng kanyang maliit na kwarto. Dumukwang roon ang kapatid upang maipasok ang ulo sa maliit na pagkakabukas nito ng pinto.

"Oh Carlos, ba't ka biglang sumigaw?" Hindi sumagot ang kapatid bagkus ay ipinagalaw nito ang bibig na animo'y may tinutukoy.

"Bakit ka ba ngiwi ng ngiwi ha? Ano bang sinasabi mo diyan."

"Yung Mr. Pogi na nagpunta rito sa'tin nasa labas siya. Hinahanap ka niya." Nanlaki ang mata ni Cassandra. Sinasabi na nga ba't susundan siya ng lalaki. Hindi niyon palalagpasin ang kanyang ginawang pambubulabog kay Jillian.

"Sige na, sige na lalabas ako." Pagkasarado ng kapatid ng pinto ay nilipad ni Cassandra ang salaming nakapatong sa ibabaw ng drawer. Pinunasan niya ang natirang lipstik sa labi. Inayos niya ang buhok at bumuntong-hiningang humarap sa pintuan. Gosh, sa palagay niya ay lulukso ang puso niya sa sobrang kaba.

Unang sumalubong sa kanya ang gwapong presensiya ni Jethro. Naka-upo ito sa rattan at halatang siya talaga ang sadya nito. May hawak itong isang bouquet ng rosas. Hindi pa siya nakakalapit sa kinaroroonan nito ay tumayo na ang binata.

"Carlos, puntahan mo muna si Nanay kina Tiya Ising tulungan mo siya roon."

"B-bakit ate? Hindi pa po ako tapos sa project ko, sabi kasi ni Nanay tapusin ko raw muna 'to."

"Basta pumunta ka na lang muna do'n."

"O-okay." Kuwa'y umeskapo na ang kapatid palabas ng bahay.

"Sit down." Aniya. Nauna siyang naupo rito. Inabot nito sa kanya ang hawak na bulaklak.

"Here these are for you."

"For? Wala naman akong natatandaang nagpabili ako sa iyo ng mga bulaklak right? And besides baka pag-iisipan na naman ito ng masama ng fiance mo. You should spend time with her over me."

Mistresses Badge Club One: Cassandra, The Engagement WreckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon