Chapter Sixteen: How an Engagement Wrecker Move

1.1K 26 1
                                    


Note: Mapanlinlang! Ang mga eksenang napapaloob ay nagbabaga at sobrang init.

Nagtago si Cassandra sa bungkos ng mga tubo malapit kung saan nag-uusap si Jethro at ang sopistikada't magandang babaeng tinawag nitong Jillian. Now she sees her personally ay na-conclude niyang may maipagmamalaki nga ito. Bukod sa mayaman ay napaka-classy at ganda nitong tingnan. Those diamonds are shining like neon lights ng itapat sa balat nito. The woman's skin were soft and moist, malayo sa balat niyang batak sa trabaho at bilad sa araw.

Napasundot siya ng marinig ang pagtaas ng boses ni Jethro. Mas lalo niyang ikinubli ang sarili.

"Touch my Mom and I will fucking smash everyone's face." Yun ang narinig niya bago nito malakas na sinapak ang salamin ng sasakyan. Nakita ni Cassandra ang pagdatay ng dugo sa kamay nito. She could physically see Jethro's anguish face pero ramdam niya ang sakit na gumuhit sa mata nito. She couldn't help but wonder kung bakit ganoon na lamang ang reaksiyon ni Jethro ng pinag-usapan nito ang ina. Is there she has to know about Donya Trinidad?

"Don't fucking touch me Jillian. Baka magdilim ang paningin ko at makalimutan kong babae ka!" Umatras si Jillian rito. She could see the classy woman being afraid of Jethro's enraged aura.

"Okay...ayaw mo naman palang madamay ang ina mo sa sitwasyon. Then do what our parents say. Magkita tayo bukas sa Weds and Hearts gusto kong sabay nating kitain ang wedding planner para sa ating kasal."

"Are you insane?"

"Yes I am insane Jethro. I am completely insane because of you. Kaya you have only two choices ang pupunta ka o pupunta ka."

Yun ang klarong-klarong narinig ni Cassandra. The wedding is moved at isa iyong malaking problema para sa kanya. Makikipagtagpo na ang mga ito sa wedding planner bukas at hinding-hindi siya makakapayag na ibebenta na nito ang lupain. Kailangan na niyang kumilos. Hindi maaaring ibenta ang Hacie de Silvestre, his father's memories were there at hindi siya papayag na mawawalan ng tirahan at hanap-buhay ang mga magsasakang ilang taong naninilbihan sa lupain.

Bumuntong-hininga si Cassandra. Nag-iisip siya. Hindi siya mapakali habang naka-upo sa lilim ng mataas na tubo ng tubo. Kanina pa nakakaalis ang dalawa. May sumagi sa isip ni Cassandra. Hindi niya pinagdadalawang-isipan iyon. Wala na siyang ibang paraan kundi ang nabuong eksena sa utak niya.

Inisang hakbang ni Jethro ang maliit na pagitan ng hagdan papasok ng magarbong mansiyon. His mother was there when his eyes laid upon the french lounge. Naka-upo ang kanyang ina sa may hagdanan habang tumatagas ang luha sa mga mata nito. Nilapitan niya ang ina. Umaklas ito't niyakap siya at doon mahinang humikbi sa braso niya.

Kasunod niyang binalingan ng tingin ang ama na prenteng humihigop ng kape mula sa kusina hawak-hawak ang business tabloid. Pinaningkitan niya ito ng mata. His forehead waved habang kumukuyom ang kamao niya.

"Don't give me that look Jethro. I just want to wake your mother up na ako pa rin ang masusunod sa bahay na 'to." His father started, gustong magdilim ng paningin ni Jethro at gulpihin ang ama pero ayaw niyang mas lalong sumama ang loob ng kanyang ina.

"By doing what! By invading our personal life. Nais ko lang ipaalam sa'yo na hindi mo kami hawakm sa leeg. Mom and I aren't your puppet. Pamilya mo kami!" Humawak ang ina niya sa braso niya.

"Oh fuck! I almost forgot hindi mo pala kami tanggap bilang pamilya mo. We are just a bargain to you na handa mong ibenta kung kinakailangan. You're a worthless father!"

"Enough!" Napasundot ang Mommy niya sa likuran niya ngunit hindi nagpatinag sa sigaw ng Daddy niya si Jethro.

"Hindi kita pinalaking walang modo Jethro. Hindi ko ibinigay sayo ang mga luho just for you to scream on my face."

Mistresses Badge Club One: Cassandra, The Engagement WreckerWhere stories live. Discover now