Chapter Eighteen: A Threat of A Diva

1K 39 10
                                    

            LETHALLY LETHAL CHAPTER

Rated 18

Quote to Remember:

"Mistresses are waterproof. Kahit anong bagyo at tsunami pa ang dumating they always survive. Kaya hindi sapat ang isang ambon na katulad mo para tibagin ako."

Cassandra found herself sitting on one of those empty chairs kaharap si Jillian. Nasa loob sila nang isang mamahaling private diner katabi ng boutique kung saan niya binulabog noong nakaraang araw ang ngayo'y nakasimangot na kaharap. Inispatan siya nito ng mata ngunit di siya nagpatinag sa ginawa nito. Cassandra just rolled her eyes over her, hinigpitan niya ang pagkaka-krus ng kamay sa dibdib.

Jillian's stare locking against her were very venomous. Para siyang tutuklawin nito anumang oras. Her eyes just signate an intense aura giving her a hint na seryosong bagay ang pag-uusapan nila ngayon.

She's wearing her most casual red dress na kita ang maluwang na bahagi ng kanyang cleavage. Her hair was braided at ini-rolyo paikot sa kanyang ulo na tila crown. Light make-up and her diva red lip charmer accented everything kakulay ng kanyang suot na 5 inches heel. Ang kanyang look ay pantapat kay Jillian.

Sinundo siya ni Jillian kanina sa bahay nila. Out of the blue, nagulat at hindi makapaniwala si Cassandra na magtutungo ito sa kanila wearing her cheek perfume, heels and plaided skirt na hindi bagay sa sakahan. More so, Cassandra fumbled ng malamang sinadya talaga siya nito upang maka-usap, and she bet it was about Jethro and her relationship. Sa ginawa niyang pambubulabog sa boutique noong nakaraang araw ay naisip niyang babawi si Jillian sa kanya. But Cassandra, was ready for that. Hinanda na niya ang sarili sa anumang mangyayari sa kanya. She had all the support from her family at kaibigan kaya wala ng rason upang mag-hold back siya.

Kanina habang nasa kotse sila ay hindi rin niya maintindihan ang sinadyang pananahimik ni Jillian sa kanya. But something was off, alam niyang may hinandang pambubuska ang babae sa kanya kaya't naghanda rin siya ng panangga. Hindi siya papayag na aapihin, she won't give up without a fight. Ipaglalaban niya ang poder niya sa buhay ni Jethro. Hindi dahil lamang sa lupaing gusto niyang isalba kundi dahil mahal na rin niya ang lalaking Silvestre. May kaunting kislot na pagnanasa na siyang naramdaman sa binata at hindi siya papayag na kumawala ang pagsintang iyon katulad ng nangyari kay Julius. Kung noong una ay dahil lamang gusto niyang makuha ang loob nito dahil sa lupa ngayon ay may kasama ng interes at iyon ay ang puso ng binata.

Kaya nga nag-request siya kay Jethro na imbes na sa condo siya itira ay sa mansiyon siya dalhin. One of her reasons ay ang mapalapit sa lalaki at ang makilala ang pamilya nito ng lubos. Gusto niyang malaman kung bakit ganoon na lamang ang paninibugho ni Jethro sa ama. Kaya kung magpapadala siya kay Jillian ay hindi niya iyon magagawa. So, kakapalan niya ng kaunti ang mukha.

Pagkalatag ng waiter sa napakaraming order sa mesa ay saka nagsimulang magsalita si Jillian.

"I guess this food is enough para sa katakawan mo. Don't worry ako ang magbabayad nito, I doubt you have some cash with you." pinaningkitan siya nito ng mata.

"Hindi naman ako namumulubi Jillian. I have some dignity if you say so."

"Good, dahil kailangan kong malaman kung saan mo inilagay ang dignity na yan sa pag-uusapan natin ngayon." dumakot ito ng ice cream sa dessert plate at ninamnam sa bibig bago uli nagsalita.

"Why aren't you eating, natatatakot ka bang lalasunin kita? Come on, Cassandra, kung gusto kitang patayin ay hindi ito ang gagawin ko. I have some other things much dreadful than that one." nag-chuckle si Jillian na animo'y nasisiyahan sa sinabi.

"Hindi ako natatakot Jillian. In fact, bitbit ko ang pinakamalakas na panangga. Sa tingin mo ba ganoon ako kadaling paurungin. I have some guts of mine." Inismiran niya ito.

Mistresses Badge Club One: Cassandra, The Engagement WreckerWhere stories live. Discover now