Chapter Twenty Seven: The Heir

1.4K 19 4
                                    

                                 LETHALLY SHOCKING CHAPTER

Quote to Remember:

"...This is war then, I just hope hindi ka magtatago sa pantalon ng Tatay mo and fight your own battles."  

Cassandra Jilonan's

"Ate magpapasko na pero yang mukha mo parang tira pa nung undas." Untag sa kanya ng kapatid habang magkaharap silang kumakain.

"Anak okay ka lang? Parang wala ka sa sarili mo nitong mga nagdaang araw," hawak ng ina niya sa kanang kamay niya.

"Yes Nay, okay lang ako. Papasok lang po ako sa kwarto ko. Mamaya na po ako kakain." aniya.

"Hindi mo ba nagustuhan ang ulam natin?"

"Oo nga ate, sarap kaya ng sardinas na isinahog ni Nanay sa gulay. "

"Sige kumain ka lang diyan bunso. Sige Na'y papasok ho muna ako. Tawagin niyo lang ako kung may kailangan kayo sa'kin."

Pagkapasok ay diretso siyang humilata sa kama. Matamlay ang buong katawan niya kahit wala siyang ginagawa buong umaga. Plano sana niyang tulungan ang ina sa paglalaba ngunit tila hindi kaya ng katawan niya ang kumilos. Bagabag ang isipan niya, para siyang lumulutang sa ere. Nag-iisip siya kung ano ang gagawin. Pero sa dalawang araw na nagdaan ay tila walang matinong desisyon ang pumasok sa isipan niya. All she could think of is to see Jethro, alam niyang kapag nakita niya ang binata ay siguradong kakalma siya. But how could she see and talk to him kung ang mga tawag nito ay hindi niya sinasagot. Isang daang missed calls ang natatanggap niya mula rito ngunit wala siyang lakas ng loob na sagutin ito. Natatakot siyang baka pag sinagot niya ang tawag ng lalaki ay isa na naming masamang balita ang nagbabadyang dumating. Natatakot siyang baka tumatawag ito upang ibalita sa kanya na pumayag na itong magpakasal kay Jillian. Shit! Her thoughts are killing her and making her paranoid.

Hindi niya namalayang nakatulog pala siya sa labis na pag-iisip. Nagising siya pasado alas tres na ng hapon. Tahimik ang buong bahay tanging ang lagaslas lang ng tubig mula sa gripo ang naririnig niya sa kusina na kaibayo ng kwarto niyang gawa sa kawayan ang bubong. In-on niya ang cellphone upang tignan kung tumawag bang muli si Jethro sa kanya. Three missed calls ang bumulaga sa kanya. Pinatay niyang muli ang aparato at inayos ang buhok sa salamin. Binungkos niya iyon, tinitgan ang sarili ng ilang saglit bago kumawala ang malalim na buntong-hininga sa bibig niya.

She's seeing a new personality on the reflection. Malayong-malayo sa Cassandra'ng nakilala ng lahat. Malayo sa nagging buhay niya sa Maynila na tanging ang problema at iniisip lamang ay ang kung paano mapunan ang pangangailangan nilang magpamilya. Isinuksok niya sa bulsa ang cellphone.

"Ate, may naghahanap sa'yo sa labas." Patid sa kanya ng kapatid sa may tarangkahan. Hindi na sumagot pa si Cassandra. Nagmdali siyang lumabas ng kwarto at tinungo ang sinumang tinutukoy nito. Malaki ang paniniwala niyang hindi nakatiis si Jethro na hindi siya makita at maka-usap ng personal kaya sinadya siya nito sa bahay. Gawain naman iyon ng lalaki ang i-sorpresa siya.

Pero hindi ang inaasahan niya ang prenteng naka-upo sa sofa. The excitement she felt washed away at napalitan ng pagkurba ng kanyang noon. Gusto niyang isiping nasorpresa nga siya pero sa paraang hindi niya gusto.

"You look so disappointed to see me, Cassandra. Are you expecting someone? Perhaps, Jethro?" Hindi siya sumagot. Diretso siyang naupo sa kaibayong rupuan nito. Ipinagkrus niya ang mga kamay at ipinasada ang tingin mula ulo hanggang paa kay Jillian.

"What, aren't you going to answer me? O baka napipi ka na after that incident at the mansion, sabihin mo lang, considerate naman akong tao. I could give you a favor." Nag-smirk ito sa kanya. As usual, bitbit ng babae ang kakaibang tatas ng pananalita na minsan or most probably always na nakapagpapatrigger sa kanya.

Mistresses Badge Club One: Cassandra, The Engagement WreckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon