Chapter Twelve: The Diva, Jillian Elverio

1.3K 24 0
                                    

Note: Beware!! 

Tinawagan niya si Marga apat na araw makalipas ang kanilang mainit na dinner ni Jethro. Alam na ng kaibigan niya ang sitwasyong pinasok niya. Sinabi niya iyon kay Marga two days after niyang maka-uwi ng Libertad Dos. Noong una ay naghe-hesterical ang kaibigan niya at nais siyang sugurin upang tulungan. Pero nag-insist siya na huwag na nang sinabi niyang nakahanap na siya ng kanyang target para sa initiation na pinirmahan nila ng kaibigan sa Camp Move On. Nagulat pa ito dahil kay bilis raw niyang nakahanap ng target gayong ito'y wala pa. The next thing she know ay ito na ang hinihingan niya ng tulong at advices kung ano ang susunod na galaw niya.

Ngayo'y nakadikit ang tenga niya sa cellphone. Nasa kabilang bahagi si Marga. Anito'y nagba-browse ito sa internet ng mga possible na target rin.

"Sureness?" natawa ang kaibigan niya sa kabilang linya ng cellphone.

"Hindi ka man lang ba nagulat sa ginawa ko Marga. Alam kong napaka-reckless niyon." kunot-noong sagot niya habang nagtutupi ng mga damit.

"Hindi na ako nagulat Cas. The moment you called me ay alam ko na ang ibabalita mo. You bite my suggestion at kahit naman pigilan kita ay hindi ka pa rin paaawat. Napaka-stubborn mo." Narinig niya ang mahinang pagtawa nito.

"Ano na ang susunod na gagawin ko Marga? Mukhang naka-ugat na ang lalaki sakin at alam kong babalikan ako niyon."

"Kasalanan mo rin kasi yun. Talagang on point ang aktingan mo at nadala ang lalaki sayo."

"Which is the good thing di ba?" Sabat niya rito.

"You're right, mukhang tinablan ang guwapong tycoon sa'yo." Marga knows how Jethro looks like. Isenend kasi niya ang picture nito.

"Anyway, ang bilis umusad ng mga taktika mo Cassandra. Why not gumawa ka na ng hakbang upang ilagay ang sarili mo sa spotlight. Pasukin mo na ang mundo niya and stop that wedding."

"What do you mean? Ang ibig mo bang sabihin ay magpapakilala na ako sa lahat?"

"I'm not saying na lumantad ka sa press- judging na napakasikat ng kinakalantari mo ay tiyak na pagpipiyestahan ka ng local reporters. Baka ikaw pa nga ang pagpipiyestahan ng mga netizens. For now tama iyang ginagawa ninyo na medyo pa-discreet mo siyang tatagpuin. Pero hindi pwedeng mananatili na lamang yan sa ganyang estado. If you really wanted to save that land ay kailangan mong ihanda ang sarili mo na makaladkad sa pinakamalaking scandal."

"Handa ako Marga. Nang pinirmahan ko yung deal at sinabing kakalimutan ko si Julius ay buo na ang loob ko sa kahit na anumang mangyari." bumigat ang pakiramdam niya.

"Kahit pa makaladkad ang Mama at kapatid mo sa sitwasyon?" Natauhan siya. Tama ito, hindi niya naisip iyon noong una.

"Marga, I never wished any of this. Pero nandito na ako. Hindi na ako pupwedeng umatras. At isa pa, hindi ko lang to ginagawa dahil wala kaming matatakbuhan, ginagawa ko ang lahat ng ito upang protektahan ang mga alaala ni Tatay sa lupaing iyon."

"That's the spirit of a Cassandra I know. Mukhang desidido ka talaga sa gagawin mo."

"But Jethro is very unpredictable Marga. Hindi ko alam kung magsu-survive ba ako sa mga kamay niya. He was violent and very harsh. Mukhang mahirap siyang utuin."

"Is it still forgetting about Julius o gusto mo na talagang akuin iyang si Jethro. Mukhang gusto mo na atang pumalit sa fiance niya."sita ng kaibigan niya sa kanya.

"Baliw!" Nag-pause siya saglit. Ipinatong muna niya ang cellphone sa estante upang isilid ang mga natuping damit sa drawer.

"Sorry to say this Cas ha. Pero napaka-reckless mo rin kasi. Bakit hindi mo muna inalam yang target mo." Naisingit pa nito ang panenermon sa kanya.

Mistresses Badge Club One: Cassandra, The Engagement WreckerWhere stories live. Discover now