Chapter Twenty Four: Cassandra vs. Jillian (Intense Word Fight)

1.1K 26 10
                                    

                                   Cassandra: The Engagement Wrecker

Quote to Remember:

"Sa tingin mo ba'y hindi ko hinanda ang sarili ko sa ganoong mga bagay? Maghanap siya ng iba kung gusto niyang maghanap. What's more important is, ako ang sinasamba niya at sa akin pa rin siya uuwi."

Cassandra's...

Ilang araw matapos ang tagpong nasaksihan ni Cassandra sa mansiyon ay tila naging tahimik ang buong paligid niya. Walang mga balitang umasik sa hacie tungkol sa mga nangyari, she predicted na minanipula na iyon ng mga Silvestre. Alam na niya ang galawan ng mga ito. Wala pang isang salita ang lumalabas ukol sa pakikipaglapit niya kay Jethro sa press. At kung meron man ay balitang-asyenda lamang iyon at hindi na lumalabas pa ng sakahan ang impormasyon.

Walang Jillian ang bumulabog sa kanya. Ang buong akala niya ay susundan agad siya ni Jillian. Upang punan ang kanilang bangayan three days ago sa mansiyon. Hindi niya alam kung ano ang binabalak ni Jillian sa pagha-hibernate ng tatlong araw ng pang-aasik sa kanya. Subalit, natitiyak niyang may malaking pasabog itong inihanda kapag gustuhin na nitong makipagbalitaktakan uli sa kanya.

And finally, walang Jethro ang nagpaparamdam sa kanya ng tatlong araw. Puno ng pangangamba ang dibdib ni Cassandra na hindi na ito magbalik dahil piniling pakasalan si Jillian. Pero sa isang bahagi ng utak niya ay malaki ang kumpiyansa niyang hindi iyon magagawa ni Jethro sa kanya. Judging from how Jethro responds to his father's will, hindi magagawa ni Jethro na pakasalan si Jillian.

But three days, made her worry much. Ang tatlong araw na katahimikan sa buhay niya ay tila mas lalong nagpadagdag ng kaba na kanyang nararamdaman. Para sa kanya'y sapat na ang dalawang araw na sinabi niya sa binata na pagpapahinga. Sa loob ng tatlong araw ay na-miss niya ang binatang Silvestre. Ang mukha nito. Ang kanyang mga matang nakatitig ng malamlam sa kanya at maging ang haplos ng mga kamay nito sa tuwing inaagakay ang kanyang magkabilang pisngi upang halikan. Syetta! Na-miss niya ito ng sobra.

Natauhan si Cassandra sa sunod-sunod na pagkatok mula sa pintuan. Nasa palengke ang kanyang ina upang ibenta ang kanilang mga naaning gulay mula sa hardin sa likod. Ang kanyang kapatid na si Carlos naman ay maagang pumasok ng paaralan. Naiwan siyang nagtutupi ng mga damit habang nakatingin sa kawalan. At kung hindi pa siguro siya sinundot ng realidad ay hindi siya matatauhan at isang oras pa sanang tutunganga .

Nagtungo si Cassandra sa tarangkahan upang pagbuksan ang sinuman. Alas onse na ng tanghali siguro'y ang ina na niya iyon. Nakabalik na at naibenta na ang lahat ng mga paninda.

"Na'y bakit ang—" naputol ang nais iwika ni Cassandra. Si Jillian ang nakatayo sa harapa ng pintuan. Nakapaskil sa mg labi nito ang primadonang ngiti. Ineksamina nito ang kanyang suot mula ulo hanggang paa bago ibinalik sa pagsuot ang sunglasses.

Kahit saang anggulo tignan ay nandoon ang pagkadismaya at pangingibabaw ng salitang "disgust" sa mga mata nito.

"Hindi mo ba ako papapasukin dito sa kuweba mo?"

"Why should I? Hindi ba ayaw mo naman sa mga katulad kong hampaslupa." She persisted.

"Save your adjectives Cassandra. Kaya ko namang makipagplastikan. As far as you can see, hindi ako pupunta rito kung hindi ko hinanda ang sikmura ko sa ganitong mga bagay na makikita ko."

"If you're here to make fun of my situation then makakaalis ka na." Walang balak si Cassandra na papasukin si Jillian. More so, wala rin siyang balak na makipag-usap rito. Alam rin naman niyang narito lamang ang babae upang takutin at pagtawanan siya. At hindi siya makakapayag na ganoon ang mangyari. Wala siyang gana, o mas tamang sabihing nawalan siya ng gana dahil hindi nagpakita sa kanya si Jethro.

Mistresses Badge Club One: Cassandra, The Engagement WreckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon