Chapter Twenty Eight: Jethro in Panic

1.4K 21 4
                                    

Note: Go beyond the Chapter and you will burn in anticipation and shock. A lethally lethal episode, beware! 

Quote to Remember:

"Gusto kong isiping mahal pa rin kita. Gusto kong isiping okay pa rin ang lahat pagkatapos ng nangyari. Pero ewan ko at bakit iba na ang tinitibok nitong puso."

Cassandra Jilonan's

Hindi maayos na nakatulog si Cassandra. Buong gabi siyang namanata sa mga sinabi ni Jillian. Nag-isip-isip. Hindi pa rin niya lubos maisip kung bakit naglihim sa kanya si Julius. Sinabi nito sa kanya na wala itong pamilya. Sa tatlong taong naging karelasyon niya ang lalaki ay wala itong binanggit tungkol sa mga kamag-anak nito. Kaya ng sabihin ni Jillian sa kanya na ang tunay na ama nito ay si Don Fructoso ay mas lalo siyang nagulat. The revelation struck her, para siyang ipinako. Idagdag pa ang mga sinabi ni Jillian tungkol sa tunay na pagkatao ni Jethro. Gusto niyang paniwalain ang sarili na hindi totoo ang lahat. Na ginagawa lamang iyon ni Jillian upang lumayo siya sa binata. But after examining all the papers and documents Jillian presented to her, malaki ang paniniwala niyang nagsasabi ng totoo ang babae. Hindi lamang ito gumagawa ng kuwento.

Hindi naging maayos ang hapunan ni Cassandra ng gabi ring iyon. Maaga siyang pumasok sa sariling silid at nagkulong buong magdamag, pinilit niya ang sariling matulog, hayaang kalimutan ang lahat ng nangyari at ipayapa ang sarili. But she couldn't. the words were blinding her. Nilalason nito ang kanyang utak. Madaling araw na lamang ngunit nanatiling dilat pa rin ang kanyang mga mata. Sa tuwing naiisip niya ang lahat ay gustong magtubig ng kanyang mga mata. Naiiyak siya, hindi dahil sa dami ng problema kundi dahil sa awa sa sarili. The matter is all her fault, ang sariling desisyon niya na makipaglapit sa binata ang nagtulak sa sariling pamilya niya upang mapahamak.

Nagdesisyon si Cassandra na magpahangin sa labas. Alas tres na ng madaling araw. Sinilip niya ang kwarto ng kanyang kapatid at ina. Mahimbing na natutulog ang dalawa. Naaawa siya habang pinagmamasdan ang mga ito. She couldn't help but to feel worried sa mga susunod na mangyayari.

Nagtungo siya sa paborito niyang batuhan. Malamig ang mahinang simoy ng hangin. Tanging mga kuliglig lamang mula sa mga puno ng mangga ang nagpapaingay sa tahimik na gabi. Niyayakap ng dangiig ng buwan ang kadilim sapat upang bahagya niyang makita ang paligid. Tinanaw ni Cassandra ang malawak na kawalan. The city lights were sirene, calm and vivid. Nagsimula ng magtilaukan ang mga manok ngunit siya ay hindi pa rin dinadalaw ng antok.

Hinayaan niyang dumaloy ang luha sa kanyang mga mata. She cried in silence. Her tears were a testimony to the agony she felt and the need to think as urgent as possible. Kailangan na niyang magdesisyon, before everything crumbles.

Jethro Silvestre's

Ilang araw at ilang daang beses na siyang tumatawag kay Cassandra ngunit ni isang response mula rito ay wala siyang natanggap. Pagkatapos ng gabing sagutin niya ang ama ay hindi na nagpakita sa kanya ang dalaga. Hindi rin ito nagpaalam sa kanya ng gabing iyon na uuwi. Siguro ay narinig nito ang ginawang pagtatalo nila kaya hindi na nito nagawang kausapin siya. Gusto niya sanang sadyain ito sa hacienda ngunit hindi rin siya nakaligtas sa pagpigil ng ina sa kanya. Anito ay hayaan na lang muna nito ang dalaga na makapag-isip-isip.

Sa loob ng ilang araw ay binuhos ni Jethro ang atensyon sa negosyo. Isinisingit na tawagan si Cassandra upang kausapin, ngunit katulad ng mga nagdaang araw ay hindi siya nito sinasagot. Nagri-ring lang ang telepono ngunit hindi iyon pini-pick up.

"Son, you have to relax. I explained everything to her at alam kong naiintindihan niya ang sitwasyon. I know she's a very considerate woman." Hinawakan ng kanyang ina ang braso niya upang pigilan siyang magtungo sa hacienda.

Mistresses Badge Club One: Cassandra, The Engagement WreckerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon