Chapter Five: The Unexpected Target

1.6K 30 0
                                    

Note: Flesh-biting scenes ahead. Reading is like throwing rocks onto yourself.

Umagang-umaga ay binuraraan agad niya ang tahimik na kaibigan habang nagkakape. Walang palya ang kanyang pagtatanong tungkol sa estado ng relasyon nito at ni Oppa. Hindi niya kasi lubos akalain ang mga inamin nito kagabi sa harapan niya. Pinalagpas niya ito kagabi dahil alam niyang kapwa sila pagod at nag-iisip rin siya kung sino ang kanyang magiging target ngunit ngayon ay hindi na.

Kusa namang nagkuwento si Margarita sa kanya. At gaya ng pagkagulat niya kagabi ay marami pa pala itong hindi sinasabi sa kanya. Matagal na palang nasa bingit ng bangin ang relasyon ng dalawa at hindi lamang sinabi ng kaibigan sa kanya kahit ganoon sila ka-close dahil natatakot na maburaraan rin niya. Kaya pala sa tuwing tinatanong niya ito ay hindi agad iyon sasagot, kyeme rin ang pagbabago ng ekspresyon nito minsan kapag si Oppa na ang pinag-uusapan. Ngayon ay kapwa na silang sawi sa pag-ibig. Isang harapang pinagtaksilan at isa namang nagbubulag-bulagan.

Sa buong linggo nilang pamamalagi sa Camp Move On ay wala silang ibang inisip kundi ang maghanap ng kani-kanilang mga target para sa initiation. Buo na ang loob nilang dalawa. It's time for them to start an empowerment on women na hindi sila dapat puwedeng saktan lang. They are determine to change the course. Kung nagagawa ng lalaki na paiyakin sila ay kaya nilang makipagsabayan. They will do the same, pero ipapamulat nila sa babaeng magiging biktima nila na lahat ng lalaki ay hindi loyal.

---------------------000------------------------------------

Huling araw nila sa Camp Move On. Sinulit nilang magkakaibigan iyon sa pagbabasag ng bote upang maipalabas ang kanilang mga natitirang hinanakit. Sa nagdaang araw na pananatili nila ay na-enjoy naman ni Cassandra ang lahat ng mga prepared activities. Noong nakaraang araw ay nag-mountaineering sila at sinubukang mag-intense riding gamit ang mga mountain bikes. Kuwa'y na-enjoy rin niya ang mga handang pakulo ng Camp tulad ng target kung saan nagkaroon siya ng pagkakataon na lapain ang litrato ng ex gamit ang target knife.

Ngayong huling araw nila ay nais ni Cassandra na mag-iwan ng marka sa lugar. She wanted to remember the place kahit saan man siya dalhin ng kanyang paghihiganti. So, she made a vow na babalik siya sa lugar, she will come back as a brand new person whose pain and heartbreaks couldn't penetrate her anymore.

While on the trip back home ay hindi maiwasan ni Cassandra na isipin kung sino kaya ang mabibiktima niya. Alam niyang hindi madali ang kanyang gagawin. She knows she isn't a home-wrecker at hindi niya ugali ang mang-agaw ng lalaki. But for the sake of the contract she was bind to and the purpose of it, both healing her heart and making some women a realization ay hindi siya aatras.

Malalim ang tulog ng kaibigan niya habang nasa biyahe, ginising lamang niya ito ng makarating sila sa terminal ng bus sa Maynila. Pagkahiwalay nila ng kaibigan ay nagtungo muna siya sa kanto upang bumili ng puto bungbong iyon na lang siguro ang papapakin niya, pagod siyang magluto. Pagdating niya sa apartment ay hindi na niya nagawang magbihis diretso siyang humilata sa papag na nilagyan lamang ng isang panid ng kutson. Pipikit na sana si Cassandra ng mapapitlag siya sa ringtone ng kanyang cellphone. Dinukot niya iyon mula sa backpack. Alas nuebe ng gabi at tumatawag ang kanyang kapatid na lalaki. Very unusual.

"Hello Bunso? Ba't napatawag ka ata?" Hinilod niya ang mata at umupo sa gilid ng papag.

"Hello ate, sorry po sa istorbo ayaw ka po sanang patawagan sa'kin ni Mama kaso mukhang malala na talaga ang sitwasyon." Nangapa siya sa kaba habang pinakikinggan ang kapatid. Tila nabuhay ang lahat ng senses niya sa katawan.

"Bakit bunso, anong nangyayari diyan." Di-makapaghintay niyang tanong.

"Tatlong beses na po tayong sinusugod ni Tata Julio dito sa'tin. Pinapaalis na raw po tayo ng may-ari ng lupa."

Mistresses Badge Club One: Cassandra, The Engagement WreckerWhere stories live. Discover now